04

139 4 0
                                    

"Kailangan ko ng umuwi." Dahan-dahan ko siyang hinarap. Nakakunot-noo siya at wala man lang ngiti sa labi. "May naghihintay pa po sa'kin."

Ako na lang ang ngumiti sa kaniya bago muling tumalikod. Wala na naman siyang sinabi pa at hindi na sumunod. Hindi rin niya ako hinatid. 

Ba't niya naman ako ihahatid? 'Yung ibang staff naman hindi.

Hinihintay na ako nila Kuya Noah at Steven. Kailangan ko na agad umuwi kaysa makipag-usap sa kaniya dahil papasok pa sa trabaho si Kuya. Si Mama, madalang na umuwi. Ganoon naman talaga siya kapag may bagong lalaking nakikilala.

Pero hindi masama ang loob ko sa kaniya. Naiintindihan ko si Mama. Kung mahirap mawalan ng ama, mahirap din sa kaniya ang mawalan ng asawa. 

Habang nagluluto ako ng almusal, si Bogart naman ay naghugas ng mga pinagkainan na naiwan kagabi. Wala raw siyang trabaho kaya inalok ko na lang siyang maglinis sa amin at maghugas ng pinggan. Bibigyan ko siyang sweldo mamaya.

"Bogart, dalawang itlog kay Steven. Sa'yo, isa lang. May tinapay naman diyan kaya ayan na lang kainin mo. Hindi kasi gusto 'yan ng kapatid ko." Paalala ko sa kaniya. Sinigurado kong naintindihan niya lahat ng sinabi ko kahit inaantok pa siya.

"Ge," tumango siya at kumain na. "May sundo ka uli, ganda?"

"Maganda lang ako pero wala akong sundo."

"Ayun, oh. Kanina pa 'yan diyan." Ngumuso siya sa labas. Wala talaga siyang pakialam mang-inis pa kapag may kinakain na siya.

Saglit akong natulala sa sasakyan na nakahinto sa harap ng bahay. Pamilyar iyon sa akin. Either si Lucius o si Hiro ang nasa loob.

Habang naglalakad ako dahan-dahan palabas, paulit-ulit kong dinadasal na si Hiro na lang ang sakay no'n. Hindi ko pa kayang harapin si Lucius.

Bumaba ang bintana ng sasakyan at bumungad sa akin ang isang gwapong mukha. Bagong ligo kaya ang linis niyang tignan at ang bango pa. "My sweater?"

"A-Ay, oo pala. Sorry, wala ka kasi kahapon sa university." Tumalikod agad ako dahil sa pag-iinit ng aking mukha. Hindi ko talaga kayang makipag-usap sa kaniya.

Dumoble ang hiya ko nang maisip kong hinahanap niya pala ang sweater niya. Baka akala niya wala akong balak isoli 'yon.

Humalik muna ako sa noo ni Steven nang magising siya sa kwarto. Nabunggo ko kasi ang lamesa ko at gumawa 'yon ng ingay na narinig niya. Hindi ko naman sinasadya. Mabuti na lang ay nakatulog na uli siya.

"Sumabay ka na." Kaswal na utos ni Lucius nang matanggap niya na ang sinoli kong sweater.

"Iya ganda, ano na? Papasok ka na ba? Hahatid na kita. Mag t-tricycle tayo. Wala nga lang bubong kaya magdala kang payong." Biglang lumabas si Bogart at tumayo sa tabi ko. Napatitig siya kay Lucius. "Sino 'to? Kapatid mo? May iba ka pang kapatid?!"

"Bogart, bumalik ka ro'n. Si Steven nagising na kaya mayamaya b-baba na 'yon." Tinapik ko siya sa braso at pinabalik sa loob. "Maglalakad na lang ako. Maaga pa naman."

"Sigurado ka? Male-late ka niyan, ganda. Tara na. Huwag mo maliitin 'yung tricycle ng tatay ko kahit wala 'yon bubong. Nilagay kasi sa bahay namin!"

"Oo, Bogart. Gets kita. Hindi ko minamaliit 'yung tricycle niyo. Magpapahatid naman ako sa'yo kung may kasama sana si Steven."

"Gano'n? Oy, ikaw." Tinawag niya si Lucius. "Bantayan mo si Steven. Hahatid ko lang 'to si Iya ganda." Tinaas baba niya ang kilay niya sa akin na parang ang galing niyang mag-isip ng paraan. 

Umiling ako at hindi sumang-ayon. "Hindi siya kilala ni Steven. Pumasok ka na ro'n." 

Hinawakan ko na siya sa likod niya at pilit pinapasok. Sinara ko na agad ang gate nang manalo ako. Napabuntong hininga ako dahil sa kaniya dahil ayaw niya pa talagang pumayag nung una. 

College Series #2: Finding My SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon