"Tuyong-tuyo na 'yung sugat mo. Niloloko mo lang ako, eh." Masama kong tinignan si Lucius na nakaupo sa couch. Nakasandal pa siya at tumatawa sa pinapanood niya sa TV.
Habang ako, tinitignan ang sugat niyang sinabi niyang masakit daw.
"A-Aray." Bigla siyang tumigil sa pagtawa at nagkunwaring masakit ang sugat sa binti. "Masakit."
Kinuha ko ang isang throw pillow at tinamaan ang sugat niya. Nang hindi siya nag react na masakit, doon ko nalaman na niloloko niya nga lang ako.
"Mag-inject ka mag-isa mo sa isang araw."
"Iya, I'm joking!" Sigaw niya nang nag walk out na 'ko at pumunta na lang sa kwarto.
Maybe he did that to lessen the pain na naparamdam niya sa akin. Ako naman, kahit alam kong hindi totoo, sinakyan ko na lang ang trip niya para makabawi rin ako sa kaniya.
Nakita ko ang gulat at pagtataka sa mukha ni Sav habang naglalakad siya papasok ng kwarto. Hindi niya pa nga maalis ang tingin niya sa living room kung saan nandoon si Lucius at nanonood ng TV.
"Oo na, ang tanga ko na." Pangunguna ko sa sasabihin niya bago pa siya magsalita.
"Yeah, super." Kunot-noo siyang tumango bilang pagsang-ayon. "Since when siya nag stay here? I-Is he the reason why hindi ka na nag g-go out with Chloe and I?"
"No. Not like that. I was just really busy." Pagsabi ko ng totoo. Baka kasi isipin niyang si Lucius ang dahilan kung bakit ako busy, I still have my work.
"So. . . you have utang to me na long story. Shall we start now?"
Inaya ko siyang maupo sa kama ko after I locked the door. I also told Lucius na huwag muna siyang kakatok because we needed to discuss something, tumango lang siya at ngumiti.
"Girl, are you really being for real?" Halata sa boses nito ang halong inis at pag-aalala. "You were a mistress back then, are we just going to forget it? I mean- come on, I do understand your reason that he needs help kamo. P-Pero- ugh, I don't know! Am I the only one who knows about this?"
Umiling ako at kinagat ang ibabang labi ko. "Nadia knows it. Pati si Kairo kasi madaldal talaga 'yung kapatid ko. I just hope that my family don't know it."
"How 'bout Chloe?"
"Just tell her. 'Yung kalmado lang, ha?"
"Gosh, how would I calm down?!" Hindi ko na maintindihan ang hand gestures niya dahil sa taranta niya. "So, where's Brianna?"
Hindi ko nagawang magsalita nang maalala ko siya. Hindi ko na siya nakita after ng away namin sa bahay ni Chloe. She also posted in her social media accounts about their wedding na hindi natuloy. Good thing she didn't mention my name sa sinabi niyang may babae raw na biglang sumulpot sa relasyon nilang dalawa.
"I don't know." Nagkibit balikat ako. I really have no idea where she is. "Wala rin sinasabi sa'kin si Lucius. Every time na i-open ko 'yung topic about kay Brianna, he would just shut up and act like he is not hearing me."
I was doing that every night noong mga nakakaraan, hoping that I would get an answer. Pero kahit isang simpleng sagot, wala.
I just noticed that Lucius is so uncomfortable talking about the past, even our past.
After an hour, si Chloe naman ang sumulpot sa kwarto ko. It was the first time na nakita kong magulo ang buhok niya. Hindi naman sobrang gulo but you would never see her like that talaga.
"My gosh, what is happening?!" I guess she saw Lucius outside before entering. "I received your texts, Sav. Who's tanga?"
Napatingin ako bigla sa kaibigan ko. She apologetically smiled at nag peace sign pa. Napairap na lang at bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
College Series #2: Finding My Sanity
Любовные романыCollege Series #2: Lucius Ectorius Zuccaro doesn't enjoy his college course that much. Since he was a high school student, he wanted to stop pursuing his dreams and just wanted to start working. But many things changed when he found his own comfort...