08

113 3 0
                                    

"Excuse, puntahan ko lang si Sav." Tumayo na ako para pumasok sa loob.

Agad na nahuli ni Lucius ang kamay ko. Hinimas niya iyon kaya napatingin ako sa kaniya. "I-I can pretend again, Iya. Huwag ka munang umalis."

Pretend? Pretend na parang lagi niyang ginagawa? Baka akala niya ay aalis ako dahil sa kakulitan niya. I wouldn't do that. Nagulat lang ako sa sinagot niya at gusto ko sanang ipaalam kay Sav.

Dahil sa awa, napilitan uli akong umupo pabalik. "Ayokong nagkukunwari ka. Kapag tinuloy mo pa 'yan, huwag na lang tayong mag-usap."

"Pero ba't kanina lang you want to leave me agad?" Nakasimangot niyang tanong. Dahan-dahan niya ng pinakawalan ang kamay ko.

Siguro kailangan ko munang hindi pansinin ang tungkol kay Brianna. Kung ano man ang pinagsamahan nila noon, sa kanila na 'yon. Wala rin naman ako sa lugar para magselos sa kaniya.

"Maligo ka kaya para mabawasan 'yang pagkahilo mo." Suhestyon ko habang pinapanood siyang magpigil ng antok.

Ang gusto niya raw ay ganito lang kami, magkatabi kahit hindi naman nag-uusap.

"Iya, swimming tayo." Tumingin siya sa akin. "I don't like to sleep yet."

"Wala akong baon na damit." Tinignan ko ang suot kong dress. "Wala akong pang swimming saka pamalit."

"We'll borrow some clothes to Chloe. Puro isang beses lang naman nagamit 'yung mga damit niya, 'yung iba hindi naman nagalaw."

Pinilit niyang tumayo kaya agad ko siyang sinundan. Hindi naman siya sobrang lasing pero hindi ako sigurado kung nasa tamang pag-iisip pa siya.

Nagawa pa naming makarating sa loob ng bahay. Nakita ko agad si Sav at Chloe sa kusina na umiinom ng red wine. Agad na nagbago ang mga ekspresyon nila nang makita nila kami ni Lucius.

"Hey," lumapit sa amin si Chloe. "You need a room?"

"Hindi," mabilis akong umiling sa kaniya.

"Do you have an extra two piece for her and a clothes to wear after swimming?" Si Lucius na ang sumagot sa kaniya.

Suminghap ako at binalingan siya ng tingin. "Anong two piece pinagsasabi mo?!"

"That's right lang, Iya. Calm down." Lumapit sa akin si Sav. "You should wear a proper swim wear."

"Pero hindi bagay sa akin 'yon." Mahinang reklamo ko.

"You're not even trying yet. Tara, samahan ka namin."

Pumasok kaming apat sa loob ng isang malaking kwarto. Pagkakita ko pa lang sa malaki at magandang puting kama, vanity mirror na maraming make up, chandelier, TV, light brown sofa, at kung ano-ano pang mga design, alam ko agad na kwarto ito ni Chloe. Umiikot lang sa white, brown, and cream ang kulay.

Pumunta siya sa isa pang kwarto na narinig kong walk in closet daw. Paglabas niya ay sobrang dami niyang dalawang swim wear.

Tumingin ako kay Lucius na tahimik lang na nakasunod sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay at pareho kaming hindi nagsasalita.

Mayamaya pa ay mukhang nakuha niya naman ang gusto kong ipahiwatig. Lumabas siya ng kwarto nang walang sinasabi.

"Color red? What do you think?" Pinakita sa akin ni Chloe ang one piece na hawak niya.

Umiling ako. Masyadong agaw pansin.

"Black?" Kinuha ni Sav ang two piece. "No, marami na pala naka wear ng black outside."

"White na lang." Kinuha ko ang two piece na kulay puti kahit nag-aalangan pa ako.

Hindi ko nga alam kung bakit ko ba ginagawa 'to, kung bakit ko pinagbibigyan si Lucius sa gusto niya. Hindi nga man lang niya ako pinilit.

College Series #2: Finding My SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon