"Order for Aaliyah Kim Velasco!"
Napalabas ako ng bahay nang may sumigaw sa gate namin habang kumakatok. Isang delivery rider ang bumungad sa akin na may hawak na iba't ibang mga pagkain.
"Kuya, wala po akong order." Napailing ako nang makita ko lahat 'yon. Ang dami. Kung 'di ko man mababayaran, rider ang mananagot.
"Bayad na po lahat, Ma'am. May pinapasabi po pala si Sir Zuccaro sa inyo. Wait lang po, makinig po kayo." Umayos ng tayo si Kuya na nag d-deliver at kinuha ang isang papel na may script. "These are all for you, Iya. Kung may masakit sa'yo, tawag ka lang sa akin at pupunta na 'ko. But if you still don't want to see me, ayos lang. Alam ko namang dahil lang 'yan sa monthly period mo. Sana matapos na. Ang hirap kapag LDR tayo. Miss na kita. Sobra pa sa sobra."
Hindi ko napigilang mainis. Kinuha ko na lang sa rider ang mga pagkain at nag thank you bago ako pumasok pabalik ng bahay. Hiningi ko rin 'yung script na binabasa niya at nilagay iyon sa color brown na wallet ko.
Isang buwan na akong nililigawan ni Lucius. Sa tuwing ayaw ko siyang makita dahil masakit ang ulo at puson ko, may mga ginagawa siyang ganito para siguro kitain ko siya.
"Lucius naman, masakit nga 'yung puson ko!" Giit ko mula sa kabilang linya habang nakahiga ako sa aking kama at nakahawak sa masakit na parte ng katawan ko. "Ayaw kitang makita. Ayaw kong yumakap sa'yo."
"Pero ako, gusto ko. Please, Iya. Promise, hindi ako makulit diyan. Gusto ko lang naman na kasama mo 'ko para kapag kailangan mo ng tulong, nandiyan agad ako." Dinig ko ang pagkairita at inis sa boses niya.
"Ganiyan ba manligaw?" Tumaas ang kilay ko kahit hindi niya naman ako nakikita. "Baka gusto mong mag break tayo kahit hindi pa kita sinasagot."
"Ate, are you fighting with Kuya Luyush again?" Pumasok si Steven sa kwarto at umupo sa tabi ko. Nakakunot ang noo niya, mukhang kanina pa ako naririnig. "Last time po nagalit ka rin sa kaniya kasi ayaw mo ng ulan. Gusto mo po na patigilin niya. And now, ano na naman po?"
Huminga ako nang malalim at umupo. Hindi ko pa binaba ang tawag namin ni Lucius kaya alam kong nakikinig lang siya.
"Steven, your Kuya Lucius wants to go rito sa bahay. Ayaw ko muna siyang makita. Hindi ko siya inaaway-"
"Galit siya sa'kin! Inaaway niya 'ko!"
Agad kong binaba ang tawag.
"Hindi ka po naaawa sa kaniya?" Nakasimangot na tanong ni Steven. "Gusto ka lang naman po niyang makita. Pero kung ayaw mo naman po, okay lang. Huwag mo na lang po siya tatawag para hindi na kayo mag fight."
Tama nga naman ang kapatid ko. Paglabas niya ng kwarto, pinatay ko na muna ang phone ko para wala akong matanggap na mga message at tawag kaysa mag-away kami. Magpapahinga na lang muna ako.
Kapag may period na ako, hindi ako pinapapasok ni Lucius sa trabaho. Nagpapadala na lang siya ng pagkain para raw hindi na kami gumastos. Medyo nakakaipon na rin ako dahil sa pasahod niya sa akin na naipon ko.
Kahit isang beses ay hindi ko naisipang perahan siya. Kung ililibre man niya ako, minsan lang. Minsan ay ako naman ang nagbabayad pero kung ano lang ang kasya sa extra ko. Hindi rin ako nanghihingi sa kaniya. Mas gusto ko pang paghirapan ang pera.
"Iya, alis na 'ko." Nagising ako nang buksan ni Kuya Noah ang pinto ng kwarto. Nakabihis na siya at may suot ng bag. "Hinahanap ka ni Lucius sa baba. Hindi ko pa pinapapasok."
Napabangon ako dahil sa gulat. Pagtingin ko sa bintana, malakas ang ulan.
Agad akong bumaba para puntahan si Lucius. Pagbukas ko ng gate ay lumabas na si Kuya Noah at nagpaalam pa kay Lucius. Doon ko siya nakita sa isang sulok na nakasilong. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng kaniyang ulo.
BINABASA MO ANG
College Series #2: Finding My Sanity
RomanceCollege Series #2: Lucius Ectorius Zuccaro doesn't enjoy his college course that much. Since he was a high school student, he wanted to stop pursuing his dreams and just wanted to start working. But many things changed when he found his own comfort...