Sampung minuto na akong nakaupo sa cafeteria habang hinihintay si Savannah na dumating. Humingi na rin ako ng sorry sa kaniya tungkol kahapon dahil hindi ko siya nasamahan kumain nung umaga. Hindi na kasi ako nakapagsabi kaiisip ng paraan kung paano kumita ng pera
Naintindihan niya naman daw kaya wala pang isang minuto ay pinatawad niya na agad ako. Gusto niya pa nga akong abutan ng pera pero sabi ko ay meron pa naman ako.
Naalala ko tuloy si Lucius, kung paano niya 'ko binigyan ng sweldo na may tip pa. Nakakainggit lang dahil parang barya lang sa kaniya lahat 'yon.
Naagaw ang atensyon ko ng isang babaeng papalapit sa akin. Napansin kong si Sav iyon pero mas napansin ko ang hawak niya. May dala siyang buhay na manok.
"Ano 'yan? Uulamin na natin?" Pabiro kong tanong paglapit niya. Agad na kaming lumabas ng cafeteria para pumunta sa first class namin.
"No way! I'll make sure that she'll be okay. May pilay siya sa paa niya." Chineck niya pa ang paa ng manok at pinakita ito sa akin. Pareho kaming naawa sa kalagayan nito. "Alaga 'to ng friend ni Dad. Pinapagamot sa akin. Akala ata graduate na 'ko and nakapasa na sa exam."
Mahina akong natawa sa sinabi niya. Lagi na lang talagang kami ang tinatanong kapag may problema sila sa mga alaga nila. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga namin agad sila matutulungan. We're just students and still learning. Minsan sila pa galit kapag hindi nasagot 'yung mga tanong nila.
"How's your work naman? Are your workmates nice?" Pag-iiba ni Sav ng usapan. Nasa room na kami at wala pang professor. "If you need help, I will apply sa work mo para mag sanib pwersa us."
"Baliw, hindi." Tumawa ako at umiling. "Mababait sila pero wala akong ka-close bukod kay Hiro and Lucius. Mas focus kasi talaga ako sa work ko. Ayokong ma-distract."
"Hiro and Lucius? Who are they? I think I know Hiro a little bit."
"Si Hiro 'yung friend ko. Minsan nakakasalubong ko siya ta's guguluhin niya buhay ko. Na-meet mo na 'yon. Si Lucius naman, siya 'yung may-ari ng pinapasukan kong restaurant. Mabait siya. Nonchalant 'pag nasa katinuan, OA naman 'pag lasing."
Naalala ko lang kasi 'yung nangyari kagabi. Gusto niyang layuan ko 'yung mga lalaki sa isang table. Hindi naman ako sinaktan kaya ayos lang sana sa'kin.
"Oh, I see." Tumango-tango si Sav. "I think you're fine naman sa work. So papasok ka again after class?"
"Yep," ngumiti ako sa kaniya. "'Yung schedule ko is kung kailan lang ako free. Kapag busy, pwedeng hindi na 'ko pumasok."
"Wow, it's my first time to hear that kind of work and sched."
Ako rin naman. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon ang schedule ko at ang laki ng sahod ko.
Half day lang ang klase namin ngayong araw. Umuwi na agad si Sav nang sunduin siya ng Dad niya. Ako naman, dumeretso muna sa registrar para magbayad.
Nung una, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pagdating ko naman sa registrar at may maiksing pila, hindi ko naman alam kung saang window ako magbabayad.
Nagmamadali akong umupo sa dulong upuan nang makita ko kung sino ang katabi ko. Nakatitig lang siya sa hawak niyang papel at pera habang tahimik na naghihintay.
"Lucius," pagtawag ko ng atensyon niya. Napaharap naman agad siya sa'kin. "Saang window magbabayad ng tuition?"
"Window 3, 4, or 5."
"Okay. Thank you." Umayos na ako ng upo. Bigla akong nahiya dahil sa pagtatanong ko.
Kapag may natatapos ng magbayad, umuusog lahat ng isa pang upuan. Medyo matagal pala pero kaya ko naman maghintay. Sadyang gusto ko lang pumasok agad. Baka kasi mabawasan pa 'yung sahod ko kapag ilang oras na lang akong nag trabaho.
BINABASA MO ANG
College Series #2: Finding My Sanity
Storie d'amoreCollege Series #2: Lucius Ectorius Zuccaro doesn't enjoy his college course that much. Since he was a high school student, he wanted to stop pursuing his dreams and just wanted to start working. But many things changed when he found his own comfort...