03

140 7 0
                                    

"Nakalimutan ba talaga o kinalimutan?" Pang-aasar ni Sav sa akin habang nakatayo kami sa initan.

Nagpasama ako sa kaniya sa tapat ng building ng mga future Pilots to wait for Lucius. Kanina pa kami rito habang hawak ang sweater niya. Nakalimutan ko kasi itong isoli kagabi dahil sa pag-aaway nila Mama sa bahay. Hindi niya naman naabutan 'yon, buti na lang. Pakiramdam ko kasi ay ikakagulat niya 'yon. Ako naman ay sanay na.

Sila Kuya Noah at Steven ay umuwi na kaninang umaga. Wala na uling lagnat si Steven at mukhang naalagaan pa ng mga tropa ni Kuya nang maayos. Ang sumbong niya kasi kay Kuya kagabi ay inaagaw daw ni Bogart 'yung mga laruan niya.

"Pumasok kaya siya?" Naiinip kong tanong kay Sav na naiinitan na pero hindi naman nagrereklamo. "Una ka na kaya? Baka magkasakit ka pa niyan."

"No, ha. It's healthy kaya. 8 AM pa lang naman so I'm alright."

"Eh, baka pawisan ka?"

"It's totally fine. I need some sweat too, Iya. Don't over react." Nagpameywang siya at pinakita sa akin na ayos lang sa kaniyang mainitan siya.

"Tinatamad na siguro mag-aral. Nandoon na naman sa kabilang university si Lucius, nakita ko kanina." Napatingin kami ni Sav sa dalawang estudyanteng nag-uusap.

Dumaan lang sila sa harapan namin. 'Yung isang matangkad at magandang babae, may hawak na regalo. 'Yung isa naman na nakatingala sa kaniya, todo comfort sa kaniya. Si Lucius din ata ang hinahanap nila.

"I'm sure you heard that." Komento ni Sav na tinititigan pa ang dalawang babae na nasa malayo na. "And I am sure you know na kay Lucius 'yung gift na hawak ni girl. She's so halata."

"Totoo ba?" Ngumuso ako at tumingin sa kaniya. "May magreregalong babae kay Lucius?"

"Iya, he's a future Pilot. Super nakaka pogi pakinggan 'yon."

Captain Lucius.

Hindi. Dapat last name niya ang gamit. Kaso lang, hanggang ngayon pala ay hindi ko alam kung anong last name niya.

"Puntahan natin siya sa kabila." Pag-aya ko sa kaniya.

Malalim ang iniisip ko. Hindi naman ako apektado ro'n sa magandang babae na magreregalo sa kaniya pero na-stuck na ata siya sa utak ko. Ayaw umalis.

Pagdating namin sa kabilang university, madali lang kaming nakapasok. Hindi kasi sila mahigpit.

Dapat ay dito ako mag-aaral. Wala na 'kong babayaran kung dito ako dahil under ng government ang university nila. Matagal kong pinag-isipan 'to hanggang sa nag desisyon na lang akong maging working student dahil pinili ko ang may tuition. Wala kasing DVM dito.

"Pwede bang sa library na lang natin siya hintayin? It's so hot here." Dinig kong reklamo ng kalapit naming babae. Kausap niya ang kaibigan niya.

Nagulat ako nang bigla akong kinausap ni Sav nang makita niya rin ang babae. "Look at her, I know her. Siya 'yung pinagkakamalan na girlfriend ni Lucius. Gosh, I remembered him now! Siya 'yung tambay sa bilyaran."

"Girlfriend?" Nagsalubong ang kilay ko habang pinagmamasdan ang babae nang pasimple. Hindi naman sila nakatingin sa amin. "May girlfriend si Lucius?"

"Not sure. Issue lang ng peeps. Si Sol ata 'yan."

"Kahit na. Paano kung totoo?" Bumaling ako ng tingin sa kaniya.

"So? Why are you so affected?" Masungit pero natatawang tanong niya. "Are you feeling jealous? Crush mo ba ang boss mo?"

"Hoy, hindi." Umiling ako agad at nanahimik.

Boss ko nga pala si Lucius. Hindi rin kami friends dahil wala naman siyang sinasabi kung ano ba kami. Pero kung ako ang tatanungin, wala rin akong masagot. Parang ang sakit naman ng friends for some reasons.

College Series #2: Finding My SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon