14

89 2 0
                                    

"Gosh! Happy birthday, Iya girly!"

Ngiting-ngiti kong sinalubong si Savannah na kararating lang sa resort. Agad akong yumakap sa kaniya at nag thank you.

Si Lucius at ako ang nagbayad ng lahat ng gastusin. Medyo may kamahalan pero kasya naman ang budget namin. Nakapag invite rin kami ng mga kaibigan ko at mga kaibigan niya.

Katatapos ko lang makipag-usap sa isa sa mga artistang kilala ko noon pa, si Gabriel. Magaling siyang maglaro ng volleyball kahit sa totoo lang ay hindi naman ako nakakapanood ng mga laro niya. Iyon lang ang sinasabi ng karamihan at mukhang totoo naman.

Natigil lang kami sa pag-uusap nang sunduin na 'ko ni Lucius sa table nila.

"What's this?" Excited kong binuksan ang paper bag na binigay ni Sav. "Relo?! Mahal 'to!"

Hindi ko napigilang yakapin uli siya at maging emosyonal. Sa pagkakatanda ko, this watch is worth 34,000 pesos or more than that pa. Ilang araw ko na rin ipon 'yon bago 'to mabili.

Noong nag mall kasi kami last week ay nagandahan ako sa relo na 'to. Sinabi ko lang naman iyon sa kaniya pero hindi ko sinabing bilhan niya ako. Hindi ko tuloy in-expect na ganito ang regalo niya dahil sa kamahalan ng price.

"Once a year only you mag birthday. Why don't make effort, 'di ba?" Nakangiti niyang tanong.

Agad kong sinuot ang relo at pinakita iyon sa kaniya. "Ang ganda!"

"Yes. It suits you so well. You have a good taste kasi."

Pati si Chloe ay pumunta sa party. Ganoon din si Toshiro na ininvite ni Lucius, doon siya sa table nila Gab at iba pa nilang friends. Ako naman ang nasa harap na paminsan-minsan umaalis dahil boring.

"Iya, let's eat na." Natigil ako sa pakikipag-usap sa isa sa mga bisita nang maramdaman ko ang hawak ni Lucius sa aking beywang.

Agad ko siyang hinarap para bigyan ng atensyon. "Hungry na?"

"Opo," ngumuso siya at yumakap sa akin. "Pwede sa loob na lang tayo kumain?"

"Yes. Tara na. Doon ka na lang magpa-baby." Natatawang sagot ko dahilan ng pagtawa rin ng ilan sa mga nakarinig.

"Iya, hindi ako ganiyan." Lumayo siya sa akin at nakakunot-noo akong tinignan dahil sa hiya. "Ako na nga lang kakain."

Nagtatampo siyang tumalikod at lumakad papasok sa isang malaking bahay. Kaunti lang ang tao sa loob dahil halos lahat ng mga bisita ay nasa labas. Covered naman ang lugar na malapit sa pool.

Natatawa kong tinabihan ng upo si Lucius sa kusina. Nakasimangot siya habang naghahandang kumain. Inuna niya kasi akong ipaghanda ng plato na may laman na beef kalderetang naging favorite ko na.

"Susubuan ba kita?" Hinawakan ko siya sa baba para tignan niya ako.

"Pinahiya mo 'ko." Hinawi niya ang kamay ko at umirap pa.

"Ano?" Natatawa kong tanong. "Ba't ka naman napahiya? Sila rin naman nagpapa-baby." Yumakap agad ako sa kaniya para mabawasan ang tampo niya. "Sorry na. Hindi na mauulit."

"Okay. Subuan mo na 'ko." Tinapik niya ang upuan sa tabi niya para paupuin ako ro'n.

Pag-ayos ko ng pwesto ay natatawa ko pa siyang sinubuan noong una. Nung tumatagal, sabay na kaming kumain. Gustong-gusto niya lang talagang mabigyan ng atensyon kapag matagal kaming hindi nagkakausap. Busy kasi ako kanina sa mga bisita.

Pagtapos ng kantahan at pag blow ko ng candles mula sa iba't ibang mga cake, kumain na silang lahat. Nauna lang kami ni Lucius kanina dahil sa pagod.

Pagtapos ng dinner ay doon lang sila nagbigay ng mga message sa akin. Simula sa mga kaibigan ko, ibang mga kaibigan ni Lucius, Toshiro, Savannah, Bogart, Lucius, Kuya Noah, Steven, and si Mama na naka attend din.

College Series #2: Finding My SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon