15

90 2 0
                                    

"Thank you, Ma'am."

Ngumiti ako sa babaeng nag-assist sa akin simula kanina pang umaga. Nagpasama rin ako kay Savannah sa mall pero hanggang ngayon ay wala siya. Traffic daw kasi at inutusan pa siya ni Tita na may pinadala sa ibang bahay kaya mas natagalan.

Ayos na rin 'yon. Wala pa ako sa mood para i-kwento sa kaniya lahat ng mga ganap sa buhay ko. 

Nagkita na lang kami before lunch. Inaya niya akong kumain para raw makabawi siya sa akin. Kahit sa totoo lang, wala naman dapat siyang gawing pang bawi dahil ako naman ang nagpapasama. Pero kahit na hindi ako pumayag ay nagpumilit pa rin siya.

Gusto ko sana ay sa mumurahin lang na kainan para makatipid. Pero dahil libre niya naman daw, sulitin na raw naming dalawa.

"Where's Lucius?" Agad niyang tanong pagsundo ko sa kaniya sa main entrance ng mall.

Naglakad na kami papunta sa restaurant na sinabi niya. "Ewan. Baka nasa work. Bakit?"

"Wow. Wait." Napakurap-kurap pa siya habang nakatitig sa akin. "Are you both not in good terms? Break na? What the hell, Iya. I'm not updated anymore!"

Mahina akong natawa dahil sa kaniyang sinabi at pati na rin sa kaniyang reaksyon. "No, Sav. Busy na talaga kami pareho. Nag w-work na kasi siya para may sarili siyang pera and gano'n din ako."

"That Italian is working now?! How?!"

"Anong 'how'? Matagal na naman talaga siyang may business. Marunong 'yon mag trabaho." Kaswal kong sagot.

"I know. But it's a business, hindi siya gaanoong tired there before. But the work na he will be mahihirapan, I didn't imagine that he would do that."

Napailing na lamang ako. "Ginawa niya naman 'yon para sa sarili niya."

"Jokes on you, Iya. He's doing that for you. Tara na nga." Hinila niya ako papasok sa kainan. "Order anything."

I ordered one dish lang dahil iyon pa lang ay may kamahalan na. Kahit na kaibigan ko si Sav ay nahihiya pa rin ako sa mga panlilibre niya sa akin dahil kahit kailan ay hindi ko naman magawa ito sa kaniya.

"Did Lucius hatid you here?" Tanong ni Sav habang abala kami sa pagkain. "Or you went by yourself?"

"Ako lang mag-isa. Hindi na rin ako magpapasundo, baka busy siya."

"This is so nakakapanibago." Inikutan niya ako ng mga mata. Naiintindihan ko ang point niya dahil mukhang hindi lang siya sanay. "Lucius won't let you go anywhere alone before dahil it's for your safety. And now I'm talking to you na parang you broke up with him na. I'm over acting again!"

"Oo. You are."

"Just let me drive you home so I can calm down na. If your boyfriend is busy, then I can be your jowa muna." Tumigil pa siya sa pagkain para lang ngitian ako nang malawak. "Isn't that sweet?"

"No," umiling ako. "Hindi sa pagiging KJ, pero may boyfriend ka. Baka mawalan pa kayo ng time sa isa't isa kasi laging busy si Lucius."

"Come on! You're not updated din to me?!" Tumatawa niyang tanong. "I broke up with that asshole! He's a walking red flag, walking with his lovely girl best friends."

Naisip ko tuloy si Lucius. Marami rin siyang mga kaibigan na babae pero hindi naman kami nag break. Ano kayang issue ni Sav at ng ex boyfriend niya? Nakaka overthink din pala.

Dinugtungan niya agad ang sinasabi niya nang mapansin niya ang itsura ko. "But don't worry, I didn't end us without a valid reason. I wasn't jealous sa friends niya. It's just that, he was so touchy. That's just one out of my ten reasons. Don't alamin na the others."

College Series #2: Finding My SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon