"Bogart, hawakan mo 'yan. Kunin ko mamaya sa'yo." Inabot ko muna sa kaniya ang susi ng penthouse dahil walang bulsa ang suot kong dress.
"Sige. Sigarilyo muna 'ko."
Hinayaan ko na siya sa labas ng university dahil ayaw niya rin naman pumasok. Sawa na raw siya sa mga speech na naririnig niya. Paano naman kasi, lahat ng graduation namin ay present siya.
"Oh, nandito na pala si Doc." Tinusok ni Kuya ang tagiliran ko dahilan ng pagtawa niya.
"Congrats, Kuya." Mahigpit akong yumakap sa kaniya habang nakasuot siya ng toga. "May engineer na kami."
"Doctor at Engineer." Tuwang-tuwang sabi ni Mama. Bumaling siya ng tingin kay Nadia. "At syempre, may anak pa 'kong Architect."
Nakita ko ang kaunting pagngiti ni Nadia dahil kay Mama. Ayaw niya talagang nabibigyan ng pansin, madalas gusto niya lang mag-isa.
"Sa susunod naman, si Chef Steven na!" Binuhat ni Kuya Noah si Steven na ngiting-ngiti. Silang dalawa talaga ang pinaka close sa aming lahat.
Napangiti ako habang nakatitig sa aking phone. Sinend kasi ni Mama sa akin ang mga medal ni Steven sa school, naglalaro siyang basketball at volleyball. Noong nakaraan na competition nila ay nag silver at gold sila ng team niya.
Pagbukas ng elevator, hindi ko alam kung a-atras ba ako o b-baba na nang makasalubong ko si Lucius. Umatras pa siya para bigyan ako ng daan. Doon ko lang naalala na alam niya nga pala kung anong floor ang penthouse ko.
Pero siya, bakit siya nandito?
"Anak ng tokwa." Bigla akong nakaramdam ng matinding pawis nang wala akong makitang susi sa wallet ko.
Napahinto ako sa paghahanap nang biglang sumulpot sa isip ko ang pagmumukha ni Bogart. Sa kaniya ko pinaubaya ang susi ko kanina.
"Oh my gosh. Ang malas!" Napahilamos ako ng mukha at napansandal sa pintuan kong naka lock.
Sakto namang wala akong kasamang umuwi. Nasa school si Mama at Steven, si Kuya ay nasa mga tropa niya, si Papa ay nasa work, at si Nadia naman ay gumala mag-isa na madalas niyang gawin.
Napatingin ako sa bumukas na elevator. Nakakagulat kasi ang tunog nito at hindi pa 'ko masyadong sanay.
I averted my gaze after Lucius saw me almost breaking down alone. Umayos ako ng tayo at kunwaring nag p-phone lang.
Napakunot noo ako nang pumasok siya sa katabi kong room. Dito rin ba siya nakatira? Kung oo, 'di ko alam kung swerte ba ako o sobrang malas.
Pangalawang beses na akong napaiwas ng tingin nang maabutan niya akong nakatitig sa pinto at saktong lumabas siya.
Tumaas nang bahagya ang dalawa niyang kilay. "Problem?"
"Wala," umiling ako dahil sa hiya. Nang talikuran niya na ako, muli akong sumagot. "W-Wala akong susi."
Dahil doon ay muli siyang napaharap sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Simula kasi noong nagkita uli kami, hindi ko na alam kung paano basahin ang nararamdaman niya.
"I'll go out for training. You can stay here." Binuksan niya ang pinto ng room niya bago umatras para bigyan ako ng daan.
"B-Baka hindi na 'ko makalabas nang buhay." Kinakabahan kong sagot.
Paano kung may asawa siya? Girlfriend? Ano na lang iisipin ng babae kapag nakitang may iba pang babae sa loob?
"No one's inside. Aalis ako." Naiinip niyang sabi.
BINABASA MO ANG
College Series #2: Finding My Sanity
RomantizmCollege Series #2: Lucius Ectorius Zuccaro doesn't enjoy his college course that much. Since he was a high school student, he wanted to stop pursuing his dreams and just wanted to start working. But many things changed when he found his own comfort...