20

77 1 0
                                    

The moment I saw them was the time also that I decided to break up with him. No explanations or anything, break na kami. Hinding-hindi ko na siya babalikan.

During our first and second class early in the morning, I was questioning myself.

Hindi ko rin lubos na maisip kung paano nagawa ni Lucius lahat 'yon. He was being romantic to me the whole time pero hindi ko inakala na ganoon din siya sa iba.

The worst part is, may ginagawa silang dalawa na never naming ginawa ni Lucius. Kahit isang beses ay hindi ko siya hinawakan sa mga private and sensitive parts ng katawan niya.

Now, I am just thankful na hindi rin ako nagpahawak. Baka si Brianna pa ang isipin niya kapag ginawa namin 'yon.

I wouldn't lie. Brianna is gorgeous at lamang na lamang siya sa akin. Hindi na ako magugulat kung maraming magkagusto sa kaniya. But it destroyed me noong hindi ko naisip na paano kung si Lucius ang magkagusto uli sa kaniya.

I gradually lost my confidence again. Hindi na ako naniniwalang maganda ako. Because if I am, bakit nagawa niya pa rin sa akin 'yon? Maybe he was just playing with me. Alam niya kasing ang tanga ko sa pag-ibig. Ang dali ko lang sigurong paikutin.

"Putangina, break again?!" Stress na stress si Toshiro sa harap ko habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria. "And I couldn't believe na sumama siya ro'n sa maasim na 'yon. What if Lucius is utusan na naman ako? Edi makakasama ko rin 'yung mabahong 'yon. This is bad, Iya. I need to do something."

"Ayaw ko ng bumalik, Hiro. Feeling ko ang tanga ko na. Sobra." Pinaikot-ikot ko lang ang pasta sa hawak kong tinidor.

"Kahit hindi ka na bumalik, basta huwag lang siya sumama kay Brianna. Nauntog siguro 'yung kaibigan ko kaya bumalik doon. Letse."

Bumaling ako ng tingin sa katabi ko. Nag-aalalang nakatingin sa akin si Savannah at alam kong maraming katanungan sa isip niya.

She is a witness ng buong buhay ko. Lahat ng achievements and downfalls ko, alam niya. Maliit man 'yan o malaki.

"Sav, I'm okay. Naluluha ka na naman agad." Mahina akong natawa dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Kung wala lang ako kay Lucius, wala lang din siya sa akin."

Lucius was almost my whole life. Kalahati ng buhay ko ay siya. Hindi ko ba alam kung tama lang na ganoon ang pagtrato ko sa kaniya dahil buong akala ko ay ganoon din siya sa akin.

Hindi ko magawang matulog nang mahimbing kapag wala siya, lagi kong gusto ang mga niluluto niya para sa'kin kaysa sa sarili kong luto, at 'yung mga sinasabi niya sa akin lagi ay parang hindi na ata maaalis sa'kin.

This would be unfair. Parang naka move on na agad siya sa akin dahil nagawa niya ng humanap ng iba. Actually, Brianna was not a different one for him. Madalas niyang i-kwento sa akin ang trauma at sakit na nakuha niya noong sila pa. Masyado akong nagpakakampante na hindi siya babalik.

"You're not." Sagot ni Sav. Humawak siya sa braso ko at hinimas iyon. "He don't deserve someone like you, Iya. You are so pure. I can't understand why niya nagawa 'yon sa'yo. Kapag na-see ko siya, kahit I will be put in jail, I will patay Lucius."

"Hoy!" Hindi pagsang-ayon ni Toshiro. "Alam kong mali 'yung kaibigan ko but please don't kill him. Kahit ako na magpakulong sa kaniya, I'll do it."

"Kumalma nga kayo. Mas galit pa kayo kaysa sa'kin, eh." Pag-awat ko sa kanilang dalawa. "Pwede ba, huwag muna natin siya isipin. Alam kong mali 'yung nangyari but as much as possible I want to ignore it muna. Exam na bukas, kailangan kong makasagot nang maayos."

Napatigil si Toshiro sa pagkain. Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon. "You're right. Baka pati exams ko madamay. I hope I wouldn't think about you two while I'm answering. I can't cry tomorrow."

College Series #2: Finding My SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon