21

84 1 0
                                    

"Iya, tawag ka ni Lucius. Bakit ayaw mong lumabas diyan?"

Kanina pang hapon kumakatok si Mama sa pinto ng kwarto ko. Noong umuwi ako galing sa bahay ni Chloe, nagsimula ko ng maramdaman lahat ng sakit. I was looking for Lucius' presence but at the same time ay ayaw ko siyang makita.

He went here after kong makita ang post ni Brianna. Hindi ko alam kung ano pa ang ipapaliwanag niya. Sasabihin niya ba sa'kin kung bakit niya 'ko ginawang extra lang? Hindi ko na gustong marinig.

Yumakap ako sa unan habang nakatagilid ng higa at walang pinapansin kahit sino man. Maging ang mga text sa akin ay ayaw kong basahin. Nawawala na ako sa sarili.

Kahit anong pilit kong tumayo para mag review, ayaw naman ng katawan ko. Masyado akong drained sa lahat ng bagay. Gusto ko na lang magpahinga.

"Ma, ano ba? Ayaw ko nga, eh." Pinilit kong hindi magtunog na umiiyak pero sunod-sunod naman ang pagkawala ng mga hikbi ko. "Paalisin mo na po siya. Sabihin mo po tulog na ako."

"Anak," kumalma ang boses ni Mama kasabay ng pagtigil niya sa pagkatok. "Tayo na lang muna mag-usap, gusto mo ba?"

Nasa isang minuto akong hindi sumagot dahil sa pilit kong pagpapatigil sa aking sarili. Parang ang tagal kasing naipon ng sakit at pagpipigil ko kaya ganito ko ibuhos lahat.

I can still hear his voice. His soft voice from the outside. Sinusubukan niya akong tawagin.

"Ma," binagsak ko ang aking sarili kay Mama pagbukas ko ng pinto. Agad naman siyang yumakap sa akin at hinimas ako sa likod. "A-Ayaw ko na po siya makita."

Inalalayan ako ni Mama paupo sa aking kama. Kahit pareho kaming nakaupo ay hindi ko pa rin magawang bumitaw sa kaniya. Mas humigpit pa ang yakap at kapit ko sa tela ng kaniyang damit.

"Tahan na, anak. Hindi ko siya papapasukin. Gusto mo ba paalisin ko na siya?"

Hindi ako makailing at makatango. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, 'oo' ba o 'hindi'.

Natatakot kasi ako na baka kapag pinaalis ko na siya ay hindi na siya bumalik kahit kailan. Baka dahil dito ay isuko niya na lahat. Ang tanga ko pagdating sa kaniya. Pinipilit ko pa rin hanggang ngayon na hindi maniwala sa mga nalaman at nakita mismo ng mga mata ko.

"H-Hindi ko po alam."

Humigpit din ang yakap sa akin ni Mama, tama lang para makahinga pa ako nang maayos. "Kasi ayaw mo pa siyang pakawalan, anak. Alam kong hindi madali. Kapag mahal mo, kahit ilang mali pa ang magawa niya sa'yo, ipipilit mo pa rin na baka kaya niya pang magbago. Naiintidihan kita, Aaliyah. Pero sana huwag mo rin kalimutan 'yung sarili mo, 'yung kapakanan mo."

"Ano pong gagawin ko, Ma?" Paghingi ko ng tulong habang pagod na ako sa pag-iyak. "H-Hindi ko po alam kung paano ko siya haharapin."

"Huwag kang matakot, anak. Hindi mo dapat 'yan maramdaman lalo na kung alam mo naman sa sarili mong wala kang nagawang mali. Makikipag-usap ka lang. Sa huli, pwedeng magkaayos pa kayo o oras na talaga para maghiwalay. Kung ano man ang mangyari ro'n, hindi pwedeng wala iyong dahilan."

Lakas loob akong tumayo pagtapos ng ilang minuto. Nakiusap muna ako kay Mama na sa kwarto muna sila nila Kuya at Steven. Gusto ko muna kasing makausap si Lucius sa baba.

"Dito na lang." Mahinang saad ni Lucius nang pagbuksan ko siya ng gate.

"Pumasok ka." Maikli kong sagot bago ko siya tinalikuran.

Umupo ako sa couch, sa dulo. Sumunod naman siya sa akin at umupo rin, medyo magkalayo kami.

Kitang-kita sa itsura niya ang hiya at takot. Bahagyang gumaan ang loob ko nang hindi siya makatingin sa akin. At least kahit papaano ay natatakot pa rin siya sa kaniyang nagawa. Hindi 'yung sasagot pa at pilit akong babaliktarin, ipapamukha na ako pa ang nagsisinungaling.

College Series #2: Finding My SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon