"I did a research last night about your situation with Lucius now." Hawak ni Sav ang phone niya habang pabalik kaming ngayong umaga sa registrar office.
"Huwag mo na ituloy 'yan."
"Iya, come on. Don't waste my effort."
Inirapan ko siya habang iniisip ko pa rin ang utang kong tuition. "Okay. Bahala ka. Malay mo kayo pala ang end game."
"Girl, no. I have manliligaw." Seryosong saad niya dahilan ng pagkaalala ko sa kwento niya sa akin noon. Lowkey lang kasi sila kaya nakakalimutan ko minsan. "Base sa mga na-see ko, papansin daw si boy sa girl kapag crush niya 'yon. I think it's right. Ganitong-ganito si manliligaw ko."
"Oh, una pa lang hindi na kami agad 'yan. Hindi papansin si Lucius. Ayaw nga akong kausapin noon. Ngayon na lang, kung kailan ako na 'yung 'di pumapansin sa kaniya."
"Exactly! That is here too, sa number two." Ngiting-ngiti siya habang may binabasa sa phone niya. "They like being noticed by the girl they like. But once na hindi na sila pinapansin ng girl, they will make effort to talk to you and para bumalik 'yung loob nila."
"Ayan, mali ka na naman. Kasi hinding-hindi na babalik ang loob ko sa kaniya."
"Whatever." Umirap siya at nagpatuloy pa rin. "Next is they won't entertain other girls except you-"
"Ayan ang pinaka mali."
"Wait lang naman, Iya! Gosh!" Hinampas niya ako sa braso nang mahina. "There is something written pa kasi. They won't entertain others but it doesn't mean na lahat ng kasama niyang girls ay type niya. It might be his close friend or a relative."
"Si Brianna ba mukhang friend or relative?" Mahina akong tumawa. "Sara mo na 'yang phone mo. Sayang battery."
"Don't tell me na you are jealous of Brianna?"
Medyo lang.
"Hindi ah!" Depensa ko agad. "Buhay nilang dalawa 'yon. Gawin nila kung anong gusto nilang gawin."
Hindi pa rin tumigil si Sav sa pag s-search at kung ano-ano pa rin ang sinasabi sa akin. Lahat naman ay relateable pero ayaw ko na i-connect sa amin 'yon ni Lucius.
Iniisip ko kasi na baka may nagugustuhan na si Lucius na iba. Bilang respeto, ayaw ko ng gumawa ng mga bagay na magmumukhang makahulugan sa kaniya.
Four thousand na lang ang kulang ko ngayong sem pero hindi ko pa rin alam kung saan ako kukuha ng pera. Hindi ko naman gustong gastusin ang natabi kong budget para kay Steven. Hindi rin ako makahingi ng pera kay Kuya dahil madalas ay siya na ang bumibili ng mga kailangan namin sa bahay.
Habang abala ang prof namin sa pag d-discuss ng lesson, ako naman ay nakatitig lang sa phone ko.
Lumunok ako at sinama ko ro'n ang mataas kong pride. Kailangan ko na agad mag text.
Iya: Good afternoon, Sir Lucius. Pwede po ba akong makakuha ng sahod ko mamaya? Kahit 5k lang po. Kailangan ko lang po talaga pang bayad sa tuition ko.
Agad kong tinago ang phone ko. Hindi pa ako ready na makita ang reply niya sa akin. Baka masiraan lang ako ng ulo sa klase kapag 'di maganda ang isasagot niya.
Pagtapos ng last class namin ngayong hapon, naghiwalay na kami ng daan ni Savannah. Sinundo uli siya ng Dad niya para sa isang dinner. Ako naman, dederetso na sa trabaho.
Walang sinagot sa akin si Lucius. Binasa niya lang 'yung text ko.
Sa halip na siya ang mag text sa akin, sa iba pa ako nakatanggap ng mensahe.
Sav: Iya, I forgot to say something
Sav: You should ask too. You will never know kung you will just stay quiet there.
BINABASA MO ANG
College Series #2: Finding My Sanity
RomanceCollege Series #2: Lucius Ectorius Zuccaro doesn't enjoy his college course that much. Since he was a high school student, he wanted to stop pursuing his dreams and just wanted to start working. But many things changed when he found his own comfort...