"Umalis ka nga sa gilid ko." Iritado kong utos kay Hiro.
Sobrang sakit ng puson ko kanina pang umaga pero kinakailangan ko talagang pumasok sa trabaho. Bago pa ako makarating dito ay naiyak pa ako sa kwarto dahil sa sakit. Kung may extra lang ako ngayon ay magpapahinga na lang sana ako.
"I'll call Lucius to-"
"Hiro, ano ba?!" Padabog at naluluha akong pumasok sa kitchen area at iniwan siya sa cashier.
Bakit ba kasi tatawagan niya pa si Lucius? Alam niya namang mag i-isang buwan na kaming hindi nagpapansinan. Anong gagawin niya sa'kin? Wala naman. Madadagdagan lang ang sakit na nararamdaman ko pero hindi na sa puson mapupunta.
Ginawa ko na lamang ang trabaho ko nang maayos at tahimik. Tiniis ko ang buong araw para sa sweldo ko. Mabuti nga ay hindi iyon bumaba kahit hindi kami ayos ng boss ko. Baka hindi ko na alam kung saan ako mapupunta kapag nagkulang-kulang uli ako sa pera.
Ilang months na lang ay pasukan ko na bilang third year college. Three more years na lang ay g-graduate na ako at alam kong kakayanin ko naman. Sadyang pera lang talaga ang malaki kong problema.
"Sav," naluluha kong tawag sa kaniya mula sa kabilang linya. "Nasa bahay ka ba? P-Pwede mo ba 'kong puntahan?"
"Hello? Iya? Wait, I'm going lang sa more quiet place." Sandali siyang hindi nagsalita.
Tahimik ko lang siyang hinintay habang namimilipit na ako sa sobrang sakit. Nasa area ako kung saan ko iniiwan ang mga gamit ko sa trabaho, wala akong kasama sa loob nito kaya malaya akong umiyak dahil sa sakit.
"Iya, what were you saying again?" Tanong ni Sav. Tumahimik na ang paligid mula sa kabilang linya.
"Sav, 'yung puson ko sobrang sakit. Tapos, m-may tagos ata ako. Hindi ako makaalis." Pinigilan kong hindi humikbi habang tahimik akong lumuluha. "Pwede mo ba 'kong puntahan?"
"Oh gosh, Iya. Calm down." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Alam kong doon pa lang ay hindi na agad siya makakapunta. "I can't go. I'm here pa in Califorña kasi nag shopping kami ng Mom ko. Iya, sorry. I'll just make pasalubong to you."
"Okay lang. Enjoy kayo ni Tita."
"Are you nagtatampo ba to me? Iya, sorry talaga."
"No, hindi ako nagtatampo. Ano ka ba? Mapipilit ba kita? Nasa Pilipinas ako, nasa Califorña ka." Mahina akong tumawa kahit namamaga na ang mga mata ko.
Pagbaba niya ng tawag namin, tinaas ko ang dalawa kong paa sa inuupuan kong upuan para yakapin ang mga tuhod ko. Nakiusap naman ako sa isang babaeng staff na siya muna ang gumawa ng trabaho ko hangga't kaunti pa lang ang mga customer. Kapag marami na, pipilitin ko na lang lumabas.
Pumasok ako rito kanina para sana uminom ng tubig. Pagpunta ko namang banyo, doon ko lang napansin na sobrang lakas na pala ng monthly period ko. Natagusan na rin ako sa suot kong pants at sakto namang beige pa ang suot ko. Hindi na tuloy ako nakalabas dito simula pa kanina.
"Mainit nga ulo sa'kin!" Dinig kong sigaw ni Hiro sa kausap niya. "Kanina, she was shouting pa na ayaw niya akong katabi, makita, and makausap. As in lahat ng gawin ko, ayaw niya. Pati ata pagkamot ko ng ulo, nagalit siya!"
Gusto ko sana siyang silipin mula sa labas dahil alam kong ako ang tinutukoy niya. Naawa tuloy ako bigla. Hindi ko naman alam na ganoon na pala ang pakikitungo ko sa kaniya. Ang naaalala ko lang ay ayaw ko ng kausap.
"Then, where is she?! Bakit sinasabi mo sa'kin na hindi mo alam?! Why aren't you watching her?! Ang trabaho mo sa'kin dito ay tignan lang siya. I'm giving you fifty thousand a month, Hiro!"
BINABASA MO ANG
College Series #2: Finding My Sanity
RomanceCollege Series #2: Lucius Ectorius Zuccaro doesn't enjoy his college course that much. Since he was a high school student, he wanted to stop pursuing his dreams and just wanted to start working. But many things changed when he found his own comfort...