09

107 4 0
                                    

"Kumain ka na. Hindi ako umiiyak." Umiwas na uli ako ng tingin sa kaniya.

Wala na akong narinig na ingay o mga tanong pa. Sabay kaming kumain nang tahimik at nagpapakiramdaman lang.

Si Mama naman, umalis na uli at kasama ang lalaking sinasabi niya kanina. Si Kuya Noah, nasa trabaho. Si Steven, tulog sa taas.

"Pautang!"

"Diyan ka lang." Sinenyasan ko si Lucius na huwag na umalis sa pwesto niya nang marinig namin ang sigaw ni Bogart mula sa labas.

Pagbukas ko ng gate, bumungad agad sa akin ang nakahubad at ngiting-ngiting lalaki.

"Pautang nung pamatay ng lamok. Nilalamok kasi si Mama tapos ako 'yung kinagalitan." Napakamot siya ng ulo. "Akala niya namang ako 'yung kumakagat sa kaniya."

"Sige. Sandali lang." Iniwan ko siya sa gate at saka pumunta sa tindahan para kuhanin ang gusto niya.

"Iya, ayos ka lang? Ba't ang bilis mo magpautang? Hindi ka magagalit?" Sunod-sunod niyang tanong na mukhang hindi pa makapaniwala.

Wala akong ganang makipagtalo o kahit sumagot man lang nang mahaba. Kapag binigay ko na ang gusto niya, mas mababawasan ang pagod ko.

"Kailangan niyo 'yan. Umuwi ka na." Nginitian ko siya para sabihing ayos lang ako.

"Oh, sige. Sabi mo, eh. Balik ako bukas." Kumaway na siya sa akin bago tumakbo nang mabilis habang tulog ang aso sa daan.

Pagbalik ko sa loob, naabutan ko si Lucius na gumagamit ng phone niya. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa screen nito pero nakita kong may kausap siya.

Nang makita niya na ako, tumigil na agad siya sa pag t-text at tinago iyon sa bulsa niya.

Baka si Sav o Chloe lang naman ang kausap niya. Baka naman si Brianna?

Pero hindi ko na dapat iniisip 'to. Buhay niya 'yon.

"I texted Dad." Napatingin ako sa kaniya nang siya ang unang nagsalita.

"Bakit? May problema ba?" Mahina lang ang boses naming dalawa.

Inubos niya muna ang natirang pagkain sa plato niya. Akala ko pa nung una ay hindi niya magugustuhan dahil sa kanto lang naman namin binili 'yung ulam.

Nagpunas siya ng bibig at umiling. "No. He was just asking where am I."

"H-Hinahanap ka na? Umuwi ka na kaya? Baka pagalitan ako ng Dad mo."

Pakiramdam ko ay naabala ko pa siya. Nawala kasi sa loob ko ang pagtanggi sa kaniya nang ihatid niya pa ako pauwi. Ang nasa isip ko lang kasi no'n ay makauwi na agad ako nang maaga.

"Dad is in Italy. He rarely text me kaya sinagot ko na agad." Inayos niya ang kaniyang plato at tumayo na. "Ako na maghuhugas. Magpahinga ka na."

Agad ko namang inagaw 'yon. "Hindi na. Umuwi ka na."

"Magtatagal lang tayo kapag 'di mo 'ko hinayaan."

"Lucius, please, ako na. Dalawang plato lang naman." Kalmado kong sagot sa kaniya at tumayo na rin. "Kung gusto mo, diyan ka muna sa sofa. Kapag ayos ka na, saka ka na lang umalis."

"Gusto mo na ba talaga 'kong paalisin?" Hindi siya gumalaw nang ayusin ko na ang mga pinagkainan namin.

Mabilis akong umiling dahil sa hindi ko pagsang-ayon sa iniisip niya. "Hindi. Nag-aalala lang ako sa'yo kasi gabing-gabi na. Kung 'di ka man hinahanap ng Dad mo, baka 'yung Mommy mo naman naghahanap sa'yo."

"Mom works all the time. Hindi rin ako umuuwi sa kaniya. I stay in a condo unit."

Naglakad na ako papunta sa kusina para maghugas. "Kahit na. Mag-aalala pa rin sa'yo 'yon kahit magkahiwalay kayo. Anak ka niya, Lucius."

College Series #2: Finding My SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon