"Bogart, bantayan mo si Steven!" Tinulak ko siya papasok sabay sara ng gate namin.
Dali-dali akong kumaripas ng takbo papunta sa restaurant. Naubusan na ako ng pakialam sa mga sasakyan na dumadaan at sa mga taong muntik ko ng masagi.
Knowing Kuya Noah, hindi niya 'yon gagawin. Pero kung pagdating kay Steven, mukhang willing nga siyang gawin 'yon. But still, mali pa rin 'yon!
Hindi na ako mapakali at kung ano-ano na ang mga pumapasok sa isip ko. Hindi ko pa malaman kung kanino ba ako mag-aalala, kay Kuya o kay Lucius. Sa lakas ba naman ni Kuya Noah, imposibleng hindi siya makapag patumba ng tao.
"Lucius!" Nasa labas pa lang ako ay tinawag ko na agad siya. Nakatalikod siya sa akin habang nasa loob ng restaurant kaya hindi niya ako naririnig.
"Iya," napatili ako nang may humila sa akin. Tinago niya ako sa isang tagong lugar kung saan natatanaw ko pa rin si Lucius. "Quiet. It's Hiro."
Para kaming nasa isang eskenitang maliit. May mga basura at kung ano-ano pang maruruming bagay. Hindi rin kami napapansin ng iba dahil may mga malalaking bakal kung saan-saan at may isang sirang sasakyan na tumatakip sa amin. Mukhang kanina pa nakatago rito si Hiro.
Pinilit kong kumalma pero hindi pa rin normal ang aking paghinga dahil sa nakakagulat na ginawa niya. "H-Hiro? Bakit mo 'ko hinila? Paano si Lucius-"
"Your kuya went home na. Kinilala niya lang si Lucius nang maayos." Kumunot ang noo ko at napatingin sa loob ng restaurant. "See? He's doing fine."
"Eh bakit mo pa 'ko tinawagan?!" Pinadyak ko ang isa kong paa dahil sa inis. "Iniinis mo na naman ako!"
"No, Iya. I will be serious this time." Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang nangangako siya. "I want you to see kung sino talaga si Lucius. Ibang-iba siyang umakto sa'yo."
Mas nadagdagan lang aking pagtataka dahil sa mga sinasabi niya. Pinilit ko na ulit kumalma habang pareho kaming nakatingin sa loob ng restaurant.
May dalang mga drinks si Lucius at pumunta siya sa isang malaking table. May mga nakaupo ro'n, halong mga lalaki at babae, kaibigan niya siguro lahat.
Nung una, napansin ko agad ang ginawa niya na hindi niya pinapakita sa akin. He was genuinely happy. Nakikipag kwentuhan pa siya at halatang-halata na dumadaldal siya.
Pero kapag kasama niya ako, lagi na lang kaming tahimik. Laging ako 'yung nag e-effort na mag salita.
"That one is Solace, 'yung isa si Isla, 'yung iba naman mga friends ni Gabriel na artista rin. Lahat 'yan mga kaibigan niya. Ako lang pala wala." Kumamot ng ulo si Hiro na nakatayo sa tabi ko. "Teka! Sa'n ka pupunta?"
Aalis na sana ako pero gusto ko muna siyang sagutin. "Thank you for showing me. Pero, Hiro, naisip ko lang na hindi dapat ako mag-isip ng kung ano-ano. Wala akong gusto sa kaniya, wala siyang gusto sa akin, at hindi rin kami friends. Staff lang ako at siya ang may-ari. Sumama ka na ro'n sa loob."
"Oy, Iya, this isn't my plan! Gusto ko nga na makikilala mo pa siya. Why are you leaving?"
"Bakit mo ba siya pinapakilala sa'kin?" Nagpameywang ako sa harap niya. "Hiro, I know my boundaries as his staff. Hindi ko na dapat nalalaman 'yung mga tungkol sa personal niyang buhay."
Tumalikod na ako at naglakad paalis. Pero dahil nga ubod siya ng kakulitan, naramdaman ko pa ang pagsunod niya.
"Aaliyah, I am aware that Lucius is visiting sa house niyo. I even know na he took Steven to the mall. Is that a normal thing between a staff and an owner?"
BINABASA MO ANG
College Series #2: Finding My Sanity
RomanceCollege Series #2: Lucius Ectorius Zuccaro doesn't enjoy his college course that much. Since he was a high school student, he wanted to stop pursuing his dreams and just wanted to start working. But many things changed when he found his own comfort...