"Hapi bertdey, Steben!"
Bumagsak ang magkabilang balikat ko nang matanaw ko si Bogart na tumatakbo habang walang damit na pang-itaas. Agad na bumilis ang takbo niya nang habulin siya ng aso. Nagtago siya sa likod ko nang marating niya na ang bahay namin.
"Tulog na." Tipid kong sagot sa kaniya. "Bukas ka na lang makikain sa'min. Gusto ka raw niya kasama. Himala nga."
"Himala?!" Sumigaw siya sa gitna ng kalsada, mukhang na-offend. "Iya ganda, pasalamat ka crush kita. Okay. Sige. Himala na. Hindi na 'ko magagalit."
"Kapag nagalit ka, ikaw din naman walang makakain bukas."
"What's with tomorrow?" Pabulong na tanong ni Lucius sa akin.
Sasagot na sana ako pero nauna pa si Bogart mag salita. "Tomorrow ay bonding namin tatlo. Asawa ko si Iya, anak ko si Steven."
"What the fuck?" Tinaasan siya ng kilay ni Lucius.
"He's joking." Kumapit ako sa braso niya nang akma niya pang susugurin si Bogart na mukhang hindi naman apektado. "Lucius, umuwi ka na. Kung gusto mo, pumunta ka na lang bukas."
"Iya ganda-"
"Of course I'll go, gorgeous." Ngumiti sa akin si Lucius pero halata naman na nagtitimpi siyang magalit. "See you and Steven tomorrow."
Padabog niyang sinara ang pinto ng kaniyang sasakyan bago mabilis na pinatakbo iyon. Hindi na ako nakapagpaalam nang maayos at gano'n din siya.
Napakamot na lamang ako ng ulo dahil sa mga nangyari. Naaasar siguro siya kay Bogart pero kung tutuusin ay normal na ang mapang-inis na ugali ni Bogart.
Maaga akong pumasok ngayong araw. Mamayang tanghali naman ay mag t-trabaho ako. Sa hapon, doon lang kami maghahanda para sa isa pang celebration ni Steven. Kasama na namin si Kuya Noah at Bogart. Si Mama, hindi pa sigurado.
"Iya, nothing's happening yet? I heard that Lucius made a party for your younger brother. What was that?" Pangungulit ni Savannah sa tabi ko habang naghihintay kami ng next prof namin.
"Close sila ni Steven kaya nagkasundo silang mag party." Kaswal kong sagot.
Nakita kong may mga nakikinig sa amin, may mga pasimple at mayroon din mga halata. Mukhang kumakalat sa university ang ginawa ni Lucius.
"I am close rin with the younger sister of my manliligaw. But even once, I didn't think of throwing a birthday party for her. Am I that bad?" Pabulong na tanong ni Sav. "Or Lucius is just that good?"
"Ewan ko. Sila lang ng kapatid ko ang super close."
"Aren't you close with him too?" Mas lumapit siya ng upo sa akin. "Then what do you call that yakapan sa pool?"
Gulat akong tumingin sa kaniya at hindi makapaniwala. "Paano mo nalaman 'yon?"
"Oh gosh, Iya. You and him hugged each other?" Gulat din siya pero pinanatili niya lang na mahina ang kaniyang boses. "I was just catching you, Iya."
Nag-init ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan. Alam kong matalino ako pagdating sa acads. Pero kapag usapang ganito na, natatanga na lang talaga 'ko.
Mabuti na lang ay dumating na ang terror professor namin. Tumahimik na ang lahat, pati ang katabi ko na minsan ay hindi napipigilan.
Pinalusot na ako ni Sav ngayong araw na wala akong kwento sa kaniya. Kailangan ko na kasi agad pumasok sa trabaho pagtapos ng tatlo naming klase.
"Hiro," tawag ko sa kaniya nang makita ko siya sa cashier. Lumapit muna ako sa kaniya habang wala akong ginagawa. "Ba't wala ka kagabi rito?"
BINABASA MO ANG
College Series #2: Finding My Sanity
RomanceCollege Series #2: Lucius Ectorius Zuccaro doesn't enjoy his college course that much. Since he was a high school student, he wanted to stop pursuing his dreams and just wanted to start working. But many things changed when he found his own comfort...