I left the office after Lucius told me to. I wasn't offended or felt bad about that. Mas nag-aalala pa nga ako sa mga posibleng mangyari. Knowing that they are Brianna's parents.
Bakit may connection pa sila sa isa't isa? Ibig sabihin, hindi malabo na nag-uusap pa rin sila Lucius at Brianna?
Instead of attending my last class, maaga akong umuwi dahil sa masama kong pakiramdam. Nahihilo at masakit ang ulo ko kaya excuse naman ako sa huli naming subject.
I didn't feel any jealousy. Masyado lang siguro akong napagod kaiisip. Nakaka drain din palang intindihin ang mga bagay nang walang katulong. Pinipilit ko kasing sumali sa problema ni Lucius sa sobrang pag-aalala ko.
Akala ko ay matatapos ang gabi ko nang malungkot. Pero pagdating ng hating gabi, narinig ko ang mahinang pagtawag ni Lucius sa akin mula sa baba. He was holding a bouquet of flowers and a plastic of foods.
"Gabing-gabi na, Lucius." Mahina kong sita sa kaniya pagsundo ko sa kaniya sa baba. Pinapasok ko na agad siya sa kwarto ko para hindi kami mahuli.
"Bambina, I missed you." Sagot niya, nanginginig nang bahagya ang boses.
I pouted and held my tears back. Kinuha ko ang mga hawak niya at nilapag iyon sa kama ko. Agad ko siyang binigyan ng isang mahigpit na yakap at naramdaman ko ang mabilis niyang pagyakap pabalik.
"Okay lang ba tayo?" Malambing kong tanong sa kaniya.
Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko dahilan para hindi ko makita ang ekpresyon ng mukha niya. "Bambina, I want to live with you na. Gusto ko malayo tayo sa lahat. Napapagod na 'ko rito."
It was heartbreaking. Ngayon ang unang beses kong narinig na napapagod na siya. After all his hardworks and all the pain na pinagdaanan niya, tonight was only the time he mentioned na pagod na siya.
And this is one of the reasons kung bakit naiinis ako sa sarili ko. Dahil kahit gustuhin ko ay hindi ko naman siya magawang tulungan lagi. Bukod sa pagiging abala ko sa mga bagay-bagay, I am mentally tired of figuring out his problems alone. Gusto kong ayusin naming dalawa pero lagi niyang pinipiling mag-isa.
"Sleep ka sa tabi ko."
Napatigil siya sa paglalambing at biglang napaayos ng tayo. "Your mom and kuya will get mad, bambina. You know naman na they won't allow us pa na magtabi sa isang bed, right?"
That's their only rule, wala ng iba. Gusto ko man na iba na lang ang ipagbawal nila pero ayaw naman nila. Isa na nga lang ang bawal pero ang hirap pa.
Hinawakan ko siya sa kamay at sabay kaming umupo sa kama ko. "Lucius, sa akin lang sila magagalit bukas. Lilipas din naman 'yung galit nila. Tsaka isa pa, gusto kitang kasama kahit ngayon lang. I want to lessen your burden kaya sasamahan kita. Kapag pagod ka, dito ka umuwi lagi sa'kin."
"Bambina, don't make me cry." Nagmamakaawa siyang tumingin sa akin.
Mahina akong natawa dahil sa itsura niya. "Tulog na tayo. Kalimutan mo muna lahat ng problema mo, okay?"
"Are you sure about this? I can make paalam naman to them muna. Kapag hindi talaga pwede, I can go home rin later."
"Lucius, no. Natutulog na sila. Okay lang 'yan, ako na magpapaliwanag bukas."
Kahit nag-aalinlangan pa siya nung una ay nagawa ko pa rin siyang patulugin sa tabi ko. I felt safe and comfortable being with him. Sobrang gaan sa pakiramdam habang natutulog kaming dalawa. How I wish to be like this every night pero hindi na muna siguro ngayon. He needs to be at home too.
"Bambina, I'll go now. Call me kapag need mo 'ko." Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko dahilan ng aking pagdilat. Bumungad sa akin ang kagigising na gwapong mukha niya. "It's seven in the morning pa lang, go back to sleep. I'll go home na para hindi na 'ko maabutan nila tita and hindi ka na rin mapagalitan."
BINABASA MO ANG
College Series #2: Finding My Sanity
Любовные романыCollege Series #2: Lucius Ectorius Zuccaro doesn't enjoy his college course that much. Since he was a high school student, he wanted to stop pursuing his dreams and just wanted to start working. But many things changed when he found his own comfort...