01

195 7 0
                                    

"Sir Lucius,"

"Just Lucius." Sa wakas ay hinarap niya na ako. Doon ko nalaman na siya na nga ang boss na kakausapin ko.

Hindi ko nagawang sundan agad ang pagtawag ko sa kaniya. Pakiramdam ko, ang tagal ko siyang tinititigan nang makita ko na ang kabuuan niya. Kahit naman ata sino ang makaharap niya, babae man o lalaki, mapapako na lang bigla sa kinatatayuan at matatahimik.

His presence was impossible to ignore. Those brown eyes that you couldn't help but to notice even in the dimmest and darkest light, his height that will make everyone look up on him, and his pointed and almost perfect nose. Ilan pa lang iyon sa mga napapansin ko at hindi ko alam kung bakit ko pa nagawang pagtuunan iyon ng pansin.

Plus, the way he moves and stares at me, his appeal was undeniable. Looking at his skin, nearly flawless, made him smell and look better.

Lucius. He was captivating my senses.

"You're pulling girls again." Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang mapang-asar na boses ni Hiro.

I wasn't being pulled. Masyado lang akong namangha dahil sa itsura niya.

Marami pa 'kong kailangan unahin at hindi kasama sa mga uunahin ko ang ma-inlove. Love can wait even how long it will take.

Nahihiya kong inabot kay Lucius ang resume ko kaysa magpakilala pa ako at sabihin sa kaniya ang tungkol sa akin isa-isa. He could just read everything on the paper, it would take less time. Hindi ako tinatamad, gusto ko lang agad mag start.

"Student po ako pero kaya ko pa rin mag trabaho. Hindi naman po maghapon 'yung pasok ko. Madalas, maaga po ako umuuwi. I can still work during night time." I was trying to convince him. Kailangan ko na talaga ng trabaho.

"Talk to me casually." Ngumiti siya, nakapagpabawas iyon ng lakas ng dating niya. Para siyang bumait ng ilang segundo. "Anyway, I'm sorry but I would not accept working students. Kahit kailangan mo ng pera, kakainin lang ako ng konsensya ko kapag nakita kitang napapagod."

"Pero hindi ka ba kakainin ng konsensya mo kapag nalaman mong wala akong pambili ng kakainin namin ng mga kapatid ko kasi hindi mo 'ko tinanggap sa trabaho?"

It wasn't true. Kahit papaano ay may kinakain naman kami. Wala kaming masyadong pera pero may sapat naman kaming pang gastos. Hindi nga lang ako pwedeng mag relax lang dahil baka maubusan kami. Ayaw kong hintayin na mas mahirapan pa kami bago ako kumilos.

Bigla siyang napatingin sa katabi niyang si Hiro. Para silang nag-usap gamit ang mga mata nila. Pareho naman silang mukhang hindi alam ang gagawin.

"Iya, hindi talaga-"

"Sir Lucius, please." Wala akong pagdadalawang isip na lumuhod sa harapan niya. Ginamit ko pa ang mukha kong nakakaawa para magbago na ang isip niya. "Maawa ka-"

"Iya, what the fuck are you doing?!" Si Hiro ang biglang humawak sa braso ko para alalayan akong tumayo.

Nakita ko naman ang itsura ni Lucius na mukhang nagulat at napahilamos ng mukha gamit ang mga palad niya. Mukhang napahiya ko siya kaysa sa sarili ko. Kaiisip ko kasi na makakuha ng trabaho, nakalimutan ko ng may mga ibang tao pa sa paligid. Ang masama pa, mga customer niya 'yon.

Ano na lang ang iisipin nila? Sinasaktan ako? Inaapi? Nagmamakaawa lang naman ako.

"Give her the black apron." Iyon ang huling utos ni Lucius kay Hiro bago siya bumalik ng kusina, dala ang resume ko.

It was weird to work. Hindi ko naman first time na mag trabaho pero first time kong mag apron in public. Hindi lang talaga ako sanay pero kaya ko namang mag adjust lagi.

College Series #2: Finding My SanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon