"Give that Italian guy a time first, Iya. He's probably thinking about you right now." Pinainom ako ni Chloe ng tubig. Nakatayo siya sa gilid ko habang hinihimas pa ako sa likod. "Well, we understand him naman. He has trauma from his past and a huge trust issues."
Tumango ako. "Naiintindihan ko rin naman siya."
"But don't blame yourself." Saad ni Savannah na nakaupo sa harap ko. Siya ang nagdala sa akin dito, sa bahay ni Chloe. "You had a misunderstanding and this is not the time to fix it. Let him breathe muna. Let yourself breathe too and relax."
"Sav is right. Huwag muna you mag work. We'll just give you money-"
"Hindi. Ayoko. Mag t-trabaho ako kahit bukas na lang. Itabi niyo na 'yang mga pera niyo." Pagtutol ko. Alam ko kung gaano kahirap kitain 'yon.
"What happened ba kasi? Why need niyo mag break up and makarating in this situation?" Tanong ni Sav, kagabi niya pa talaga gustong malaman.
Bumuntong hininga ako at umayos ng upo. Si Chloe naman ay umupo na rin sa tabi ko. "'Yung company na pinapasukan ni Mama, ginamit siya pang scam. Hindi naman alam ni Mama na Dad ni Lucius 'yung naloko and Mama has no intention na lokohin kahit sino."
"You mean. . . your Mom got scammed too." Nag-aalalang saad ni Chloe. "Your family is a victim too, Iya."
"Siguro. Pero paano ko naman sasabihin 'yon sa kanila? Nabayaran ko na nga nang double 'yung utang pero iniwan pa rin ako."
Mahinang tumawa si Sav. "Because Lucius didn't bother to listen."
"Baka kasi akala niya niloloko ko siya." Napayuko ako nang maisip ko na naman ang sagutan namin. "Milyon 'yung ginastos ko. Iniisip niyang pinagtrabaho ko siya para mabayaran ko 'yung utang ni Mama."
"Why is he working nga pala? As far as I can remember, he don't work. Right, Sav?"
Sumang-ayon sa kaniya si Savannah. "He definitely hates working."
Namangha ako sa mga narinig ko dahil hindi ko inakala na susubukan pa rin ni Lucius na mag trabaho kahit ayaw niya. Doon pa lang ay sobrang laki na ng nagawa niya para sa sarili niya.
Kung nandito lang sana siya, I would tell him how proud I am. Hindi ko lang sasabihin, ipaparamdam ko rin lagi.
But he left. And I understand why he did.
Napahilot ako sa aking sentido habang nakaupo sa sofa at tinititigan ang pera. Mukhang nilagay iyon nila Sav at Chloe sa bag ko kanina dahil ilang beses ko silang tinanggihan. Gusto pa rin nila akong tulungan.
Tumayo na ako nang dumating na si Kuya Noah galing sa paglalaba. Hindi niya naman talaga gawain 'yon pero sinasamahan niya pa rin lagi si Mama.
Si Mama naman, naka focus na lang din sa mga sideline niya. Ilang buwan ng walang bisitang lalaki sa bahay namin.
"Ms. Velasco, pabayaran muna po ng previous tuition before proceeding sa balance niyo this semester. Thank you."
Tinanggap ko ang maliit na papel na binigay sa akin ng babaeng nasa cashier. Halos lagi na lang ganito ang nangyayari sa akin. Hindi ko na nga alam kung gaano pa kalaki ang utang ko. Gusto ko na lang sana mag shift ng course o huminto na lang sa pag-aaral kaso malapit na naman akong mag fourth year college.
"Hanggang kailan na lang po pwede?" Mahina lang ang boses ko habang nakikipag-usap. Nahihiya kasi ako sa ibang mga naghihintay sa pila at ready na mag bayad nang mabilisan lang.
"Next month po. If hindi talaga kaya, hindi po muna mag t-take ng exams."
"Sige po. Babalik po ako." Ngumiti ako sa babae bago umalis sa cashier.
BINABASA MO ANG
College Series #2: Finding My Sanity
RomanceCollege Series #2: Lucius Ectorius Zuccaro doesn't enjoy his college course that much. Since he was a high school student, he wanted to stop pursuing his dreams and just wanted to start working. But many things changed when he found his own comfort...