"Lucius, anong ginawa mo?!"
Hila-hila niya ako papunta sa parking lot. Hindi naman mahigpit ang hawak niya sa akin pero hindi ko magawang alisin ito. Mabilis lang siyang naglalakad habang mabigat ang bawat paghinga.
Ako naman ay kinakabahan sa mga nangyayari. President ng university ang sinagot niya at kahit anumang oras ay pwede siya nitong tanggalin.
Padabog akong sumakay sa sasakyan niya nang agad siyang sumakay sa driver seat. Pareho kaming mainit ang ulo at hindi ko alam kung tama bang magsama pa kami ngayon. Baka mapunta lang kami sa pag-aaway.
"Paano kapag sinumbong ka ni Sir Gomez?! Anong gagawin mo?!" Agad kong pagkausap sa kaniya bago niya pa paandarin ang sasakyan.
Laking pasasalamat ko nang maingat pa rin siyang nagmamaneho. "He won't."
"Anong he won't? President siya. Isang sabi niya lang na gusto ka niyang tanggalin, mapapaalis ka!" Hindi ko alam kung tunog galit pa ba ako o nag-aalala na. "Lucius naman. Sana ako na lang pinag-ayos mo ng problema tutal ako naman may sulat no'n."
"It was your work but it wasn't your fault that it leaked. Stop blaming yourself, Iya." Kalmado niyang sagot pero nararamdaman ko pa rin ang pagtitimpi sa boses niya. "Kahit tanggalin pa 'ko sa university, wala akong pakialam kasi-
Napatigil siya sa pagsasalita nang masulyapan niya ako. Walang gana akong nakatitig sa kaniya habang nagpipigil na hindi siya kagalitan.
Hininto niya ang sasakyan sa isang tabi.
"Iya, don't get mad naman. I'm fine. Sir Gomez won't remove me." Kalmado na ang pananalita niya. "Uuwi muna tayo ngayon sa inyo, then we'll talk there about everything. Calmly."
Hindi na ako makapaghintay na umuwi. Pero sa kabila no'n, kinakabahan ako sa posible naming pag-usapan. Kanina pa ako nag-iisip ng palusot ko tungkol sa pinanood ko.
Marami naman akong naisip. Tulad ng aksidente ko lang napindot 'yon, nakita ko lang sa iba, akala ko movie, o kaya naman si Kuya Noah talaga ang nanood no'n sa phone ko. Pero sa lahat ng 'yan, wala naman akong masabi kahit isa dahil hindi ko kayang mag sinungaling sa kaniya.
Pinatong ko ang kamay ni Lucius sa aking hita nang makaupo na kami sa kama ko. Hinawakan ko iyon at hinimas.
"Let's not talk about the letter. As I've said, aayusin ko 'yon. Sir Gomez is already working on it kaya huwag ka ng mag-alala." He assured. "But about the video you watched, ba't mo ginawa 'yon?"
Napalunok ako nang mapagdesisyonan ko ng umamin sa kaniya. Kung magsisinungaling lang ako, tatagal lang kami at mahuhuli niya pa rin naman ako.
Nakasimangot akong tumingin sa kaniya. "Kasi hindi naman 'yung kiss na mabilis lang 'yung gusto ko. Sabi ko naman sa'yo, matagal 'yung napapanood ko sa movies. Kaya na-curious ako tapos nag search na lang ako para malaman ko. Tapos iyon, matagal dapat ang kiss. Tapos nakita ko pa pinapasok nung lalaki 'yung dila niya ro'n sa babae. Tapos hinawakan niya sa dibdib-"
"Okay. Okay." Pagputol niya sa aking sinasabi. Huminga siya nang malalim. "I understand. You watched it dahil you got curious. Pero Iya, it was still wrong kaya sana huwag na dapat maulit. Watching those kind of videos aren't good. Pwede kang sirain niyan and I don't want that to happen."
"Sorry." Pinatong ko ang baba ko sa kaniyang balikat para mas lumapit ang mukha namin sa isa't isa. "Hindi ko na uulitin ever."
Matamis siyang ngumiti sa akin. Gamit ang isa niyang kamay ay hinimas-himas niya pa ako sa pisngi. "What we did was a kiss. It was a peck kiss. Hindi pa tayo pwedeng makarating sa ibang kiss. I'm still courting and trying my best to get you. Marami ka pang dapat malaman in a good way, Iya."
BINABASA MO ANG
College Series #2: Finding My Sanity
RomanceCollege Series #2: Lucius Ectorius Zuccaro doesn't enjoy his college course that much. Since he was a high school student, he wanted to stop pursuing his dreams and just wanted to start working. But many things changed when he found his own comfort...