Chapter 59

10.7K 528 250
                                    

Chapter 59: Meeting

Bago kami tuluyang magkaroon ng pag-uusap lahat sinabi ko kay Tobias na nais ko munang kausapin si Claret na tanging kami lang.

Zen, Tobias, and Rosh were hesitant at first, but when Seth stood forward and tapped Tobias and Zen's shoulders, all they did was sigh and nod. "Come on, it's just a little chat between the girls."

Sabay nanliit ang mga mata nina Tobias at Zen kay Seth na ngumiti sa kanila, umakbay pa siya sa mga ito at kapwa niya na iginiya sa pinto para magsimula nang lumabas. Seth looked over his shoulder and winked at us, naiwan sina Rosh at Blair, tipid na tumango si Blair bago siya sumunod sa tatlo habang nakakrus ang braso ni Rosh at nakataas ang kilay niya sa amin.

"I never liked this separate meeting," ngiwing sabi niya bago siya tumalikod sa amin.

"Because we didn't ask you to get involved?"

Rosh raised one of his hands lazily. "Nah, I had enough."

Claret giggled. Napalingon ako sa kanya dahil hindi ko naintindihan ang reaksyon niya. Hindi agad siya nagsalita hanggang sa tuluyan nang makalabas ng silid si Rosh.

"Actually Rosh had been involved in every journey in and out of this kingdom. I experienced an adventure with him before, sila lang nina Blair at Seth ang kasama ko. He was in the frontline during the war against vampires and werewolves, when Lily was about to get executed. Bukod kay Finn . . . si Rosh ang siyang unang nakadiskubre kay Kalla at ipinagtanggol siya, they offered her a home . . ." ramdam ko ang biglang pagbabago ng ekrepsyon ni Claret nang banggitin niya ang pangalan ni Kalla.

Hindi na bago sa akin ang kuwento ni Kalla, ng mga taga Sartorias, at maging ang malaking epekto nito sa Deltora. It was one of the reasons why Rosh and Tobias didn't have the courage to ask Claret for help when we needed her.

"Rosh met Naha inside the university by crossing a painting and helped them abolish that evil university where Goddess Eda was freed, during Queen Leticia's journey Rosh never left her in different timelines present or even the future, Rosh went to Fevia Attero in search for answers for his mate's dragon, but in the end, he helped Anna and Caleb, and then Iris, a white werewolf who he vowed to protect as well— a woman destined to stay by his mate's side. He had been telling us that everything he does is for his mate— but we're all aware that it's beyond that."

Napatanaw ako sa pinto kung saan lumabas si Rosh. Hindi pa man tuluyang bumabalik ang ilan sa mga alaala ko ay magaan na ang loob ko sa kanya. He told me that it was part of his pheromones with women that's why no one could ever feel that he's a threat, but just like what Claret had told me, it's more than that.

"He's a good prince, but annoying most of the time," umiiling na sabi ni Claret.

Nang lumingon ako kay Claret ay pansin ko ang kislap ng mga mata niya habang ikinukuwento si Rosh.

Hindi agad ako nakapagsalita nang biglang umikot ang paningin ko, agad akong nakahawak sa lamesa para alalayan ang sarili ko habang sapo ang noo ko. Mabilis din naman nakalapit sa akin si Claret para alalayan ako.

"Kezalli . . ."

When I blinked, I saw the image of Rosh in the middle of a dark forest, yet his body was glowing with a flute in his hand. Kusa akong yumuko sa aking kamay na tila may pamilyar na init na naroon, hanggang sa may batang nakatingala sa akin, hawak ang kamay ko at nakangiti.

My eyes widened when I recognized the sweet smile of a little girl with her bouncing wavy hair. "I am the leader of his fans club! Handsome handsome ni Prince Rosh, hindi ba?"

"D-Divina . . ."

Bigla na lang may luhang lumandas sa pisngi ko. Ilang beses nang sinabi sa akin ni Claret na malapit ako sa anak niya, ngunit hindi ko man lang maalala ang mukha nito.

Night of Waterfalls (Venom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon