To live a life I always dreamed of was all I ever imagined. Parang imposible pero pwedeng maging posible.
Parati kong iniisip kung ano kayang pakiramdam ng buhay na hindi puno ng problema. Masaya kaya? I always dream of having a normal life, a normal family.
Maraming misteryo kung saan ako nanggaling at kung sino talaga ang mga magulang ko. My mother kept my whole life a secret.
Ang pamilyang kinagisnan ko ay hindi ang mga tunay kong magulang. Matagal ko na 'yong alam dahil ito parati ang pinag aawayan ng kinikilala kong mga magulang.
They always show me and give me the love a child should have. Pero.. minsan ko na silang narinig na nagtatalo at gusto akong itago sa lahat.
My life is in danger. 'Yon ang pinaniniwalaan ko dahil halos every birthday ko, may threats na naibibigay sa'kin at sa pamilya ko.
Alam kong galing ako sa marangyang pamilya. Alam kong ipinagkatiwala ako sa kasambahay nila para hindi maging delikado ang buhay ko. Sila rin ang nagsabing sa Caoimhe nalang sila mama magtrabaho dahil kaibigan naman daw ito ng tunay kong mga magulang.
My so-called parents kept my identity hidden from me. Minsan ko na silang tinanong pero hindi nila ako sinasagot. Sinabi rin nilang hindi p'wedeng sabihin ang pangalan ng mga ito dahil baka kapag ako mismo ang nakaalam, mapahamak pa ako sa mga gagawin kong kilos.
Kaya't noong mawala sila sa'kin, sinubukang kong hanapin ang totoong mga impormasyon ko. Pero wala. Tanging ang apilyedong Arnherm lang ang alam kong kamag anak ko. Sinabi nila mama na hindi nila binago ang pangalan ko. Tinanggal lang nila ang totoo kong apilyedo para walang makahalata.
"I have a lead kung nasa'n na sila." Panimula ni Sel.
"Where?"
"Nasa states sila ngayon for a business trip. Hindi ko alam pero mukhang balak nilang magtagal sa states dahil nando'n ang new branch nila."
She handed an envelope which I didn't open. Hindi ko kayang tignan kung sino talaga ang mga magulang ko.
Tumango lang ako sa kaniya at pinanood siyang umalis. She has to go for a meeting.
Tumungo na 'ko sa k'warto ko para magpahinga. May pasok na naman kinabukasan!
"Sis, penge nga.." Ani Julie habang kumukuha na ng piraso ng papel.
Hindi pa nga ako pumapayag, e!
"'Yan! Diyan ka magaling! Sa first day lang kumpleto ang gamit tapos kapag kalagitnaan na ng sem.. nanghihingi nalang!" Asik ni Emanie, kaibigan at kaklase ko.
Pakunware niya 'yong sinabi pero kumukuha rin naman ng papel sa akin! Sabagay, ganyan din ako, e. Minsan nga, hindi na 'ko nagpapaalam. Ipinapaalam ko nalang.
Matapos ang klase, dumiretso na 'ko sa bahay. Cai and Zaki was in the dining. Max is in the living room, sleeping. Selene said she's full and will not eat. Inaya pa nila akong kumain pero sinabi kong pupunta na ako sa k'warto at magpapahinga.
Ramdam ko pa rin ang titig ni Cai hanggang sa makapasok ako sa k'warto ko. Malapit lang kasi ang pwesto niya sa kwarto ko.
Nakailang paikot ikot na ako sa kama pero hindi pa rin ako makatulog! May kung anong bumabagabag sa'kin na hindi ko matukoy.
Tumingala ako sa kisame bago sinubukang matulog. I was talking to myself when I heard a not so loud knock on the door. Tinignan ko ang mini clock sa bedside table and I saw that it was past 9 in the evening! Gabi na, jusko naman may nakatok pa!
Inis akong tumayo at binuksan ang pinto. When I open the door, it was Cai who greeted me with a cup of milk on his hands.
"Milk! Alam ko kasing mahihirapan ka na namang matulog... so I decided to give you a cup of milk. Para hindi ka na lalabas," Inabot niya sa'kin ang baso. He had this smile that I can't resist! Para bang kinokonsensya ako kapag hindi ko kinuha ang gatas.
"Hmm?"
"Pansin ko kasing kapag hindi ka nakain sa gabi dahil sa pagod, hindi ka agad nakakatulog. Nakikita rin kitang nagtitimpla ng gatas ng dis oras ng gabi.." Paliwanag nito. "Ayaw mo ba? A-ako nalang ang iino-"
"Thank you!" Putol ko sa sasabihin niya.
He handed me the milk and then bid his goodbye. May mga papers pa raw siyang tatapusin at magpapahinga na rin pagkatapos.
Nang masara ko ang pinto, umupo ako sa dulo ng kama at ininom ang gatas. Hindi siya matabang at sakto lang ang tamis para sa'kin. Good thing he knows it!
Sometimes, iniisip ko na baka may meaning ang trato sa'kin ni Cai. But then, I saw how he treats his mother and sister. Pakiramdam ko, gano'n lang talaga siya sa lahat at magmumukhang malisyosa ako kapag ginawan ko 'to ng malisya.
I was thankful that I am friends with him. Siya parati ang nagchecheck ng mga bagay na bawal at pwede sa'kin. Halos saulo niya na ang lahat sa'kin kahit hindi ako palakwento.
One time, he even checked my food and noticed that it had peanuts on it! Cai was mad back then because I said that I almost forgot I had allergies. Pero hindi niya ako sinigawan. Ni hindi niya rin ako pinagsabihan ng kung ano.
I was really really grateful that I have him in my life. Hindi ko nga lang alam kung pangmatagalan iyon. Dahil someday, he will have his other half na pagtutuunan niya ng atensyon at pagmamahal. I will be happy and glad if he'll find the right one for him!
YOU ARE READING
Ruining Her Shoes
RomanceLiliana Maily Arnherm wants a love she has read and seen in movies. A love that is worth fantasizing. Gusto niya ang mga bagay na nararanasan ng mga bida-ang mahalin at kilalanin siya nang buong buo nang walang kahirap hirap. "To be loved is to be...