"I wonder what it feels like to really love someone for life,"
Ang hirap talagang isipin. Laki ako sa pamilyang 'di ko nakagisnan ang pagmamahal. Mas madalas ang pagtatalo nila at bilang pa sa kamay 'yung ayos lang sila.
They tend to show me the different side of them tho. Ang ipinapakita nila sa'kin ay 'yong ayos lang sila.
Funny how they kept on pretending even if I already noticed them not real of themselves.
Ang hirap mabuhay sa pamilya na buo nga pero pakiramdam mo'y watak watak.
I don't have any siblings. And now, I don't have my parents. A year ago, they were on their way to my place when they got caught in a car accident.
And that day, made me realize I was the cause of it. Siguro kung hindi lang ako napasundo, hindi na mangyayari 'yon. Siguro kung hindi na ako nag-aya na lumabas kami nung araw na 'yon, nandito pa sana sila. Those were the thoughts that kept bothering me ever since they were gone.
Ang hirap pa rin tanggapin. Ang hirap aralin kung pa'no tanggapin. Alam ko na pero hindi ko pa tanggap. Sila ang pamilya ko, e.
"Nag iisa ka na naman dito,"
I look at Selene, a friend of mine, who silently sit beside me. Nakatingin siya ngayon sa libro na binabasa ko.
"Ano 'yan?"
"Stay awake, Agatha.."
Tumango lang siya sa'kin, hindi na sinubukang kausapin pa 'ko.
Her presence felt comfort to me. Presensya niya lang, okay na 'ko.
I wonder how Selene does that kind of thing; to bring comfort to anyone who needs it.
"Did you find them?" I asked.
"Not yet. Pero may lead na kung nasa'n sila. I'll tell you the informations once it's done." She smiled, assuring me. "Pupunta ako ng ibang bansa. I managed to know that they are there. Kakausapin ko. Doon na rin ako mag aaral para hindi na magtanong sila mama."
I chuckled. She's a blessing to me. I asked her a favor to find someone I wanted to meet. All she did was find them and inform me. Isang pabor lang ang hinihingi ko, ginagawa niya na kahit na hindi madali.
"'Wag kang mag alala. Max will be with me," Tinignan ko naman siya, kunot ang noo.
"Why?"
Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "Heart probs.."
Tumango lang ako. I understand the two of them. Sa kanilang apat na magkakapatid, Max will be there for Selene kahit sa huling hininga niya. He promised himself to protect her at all cost.
I don't know why pero ang gulo ng family line nila. They publicly announced that Caoimhe will be expecting three heirs of different company of them.
Pinakilala nila si Zaki, Max, at Cai pero hindi si Selene. They manipulated the crowed that they are triplets when in fact, panganay si Selene sa kanilang apat. They're quadruplets and Selene was the last to be delivered.
Kaya't gano'n nalang ang pagtataka ko kung bakit 'yung tatlo lang ang ipinakilala noong 15 years old na silang apat. Naikwento naman na sa'kin ni Selene kung bakit. Pero naguguluhan pa rin ako minsan.
I spent the day only reading a book. Bukas, magpapasama ako kay Selene mag enroll. Kaya ko naman mag isa pero kasi wala akong kadaldalan kung sakaling matagal ang process ng enrollment!
"Zaki naman! Tell me na kasi kung pa'no! Look, I'm shy whenever she's around, okay?!" dinig kong frustrated na ani Caiden sa kusina.
"Oh, shut up, Caiden. Torpe ka lang talaga," Pangbubuska ni Max.
Zaki laughed and didn't defend Caiden. "Mahirap bang sabihin 'yong salitang 'I like you' o 'di kaya nama'y sabihin mo 'yon pero in a letter form."
"Paano? Nahihiya ako kaya paano kung diretsa kong sasabihin? Tsaka, pangit ang sulat ko! Nilait na nga niya 'yon dati dahil parang utak ko raw na buhol buhol ang pagkakasulat ko ng mga words!"
Mahina akong napatawa bago pumasok sa kusina. Bigla silang natahimik nang dahil do'n pero si Cai, hindi pa alam na nasa kusina rin ako. Nakayuko kasi siya sa lamesa at sa tabi niya ay si Max na tumatawa lang. Si Zaki naman, nasa likod nila, nagtitimpla ng kape.
"Maganda kaya ang sulat ko. Siguro naduling lang siya nung pinakita ko, pero maganda kaya ang sulat ko! Maayos din naman tignan kasi maganda ang ballpen na gamit ko-"
"Parang kinalahig ng manok ang handwriting mo, Cai. Ballpen lang ang maganda sa'yo pero ang sulat mo, pang grade 1," Natatawang ani ko na nakapagpahinto sa kaniya sa pagsasalita.
Tameme siyang tumingin sa'kin na para bang gulat na gulat siya sa presensya ko. Para siyang tanga sa itsura niya.
"K-kanina ka pa?"
Umiling naman ako. Kita ko kung pa'no siyang nakahinga nang malalim na ipinagtaka ko. May hindi ba dapat ako marinig sa usapan nila?
Tumikhim nalang ako bago kumuha ng juice at cookies sa ref. Pupunta nalang ako sa k'warto ko para hindi ko na sila maabala pa.
Nang makuha ang kailangan, ibinaba ko muna sa lamesa dahil nilalamig ang kamay ko doon sa baso ng juice.
I was shocked when Caiden noticed it and put a handkerchief around the cup for me to be able to hold it without my hands feeling the cold.
YOU ARE READING
Ruining Her Shoes
RomanceLiliana Maily Arnherm wants a love she has read and seen in movies. A love that is worth fantasizing. Gusto niya ang mga bagay na nararanasan ng mga bida-ang mahalin at kilalanin siya nang buong buo nang walang kahirap hirap. "To be loved is to be...