To be heard even if it hurts.
Habang nagmamaneho siya ay umiiyak pa rin ako.
Pain, guilt. 'Yon parati ang nararamdaman ko. I did not stop crying. I was never crying for what happened to me. I was crying for what I've done and who I've hurt.
Para sa'kin, masakit na malaman na may nasasaktan ako. Siguro dahil alam ko ang pakiramdam na nasasaktan.
Ibinigay ko sa kaniya ang address ko. Gusto ko nang umuwi.
"I.." Panimula ko. Tahimik pa rin siyang habang nagmamaneho. Alam kong pinakikinggan niya ako. "I.. I was almost rape.." Yumuko ako, ayaw makita ang reaksyon niya.
I glanced at him when he stopped driving. Itinabi niya sa gilid ang sasakyan at gulat na napatingin sa'kin. Malapit na kami sa condo pero huminto siya.
"What.."
"I'm sexually harassed, Caiden. Nung time na.. nung time na nawala ako, I was kidnapped.. " Tumigil ako saglit para huminga. May kung anong nabara sa lalamunan.
"They are against my family's money.. Nung.. nung ano.. nung nasa kanila ako, bago ako ibigay kina mama.. They forced me.. to enter a room. Nung.. nung nilock nila.. Do'n ko lang nakita na.. na may lalaki sa loob.. "
Kita ko ang galit sa mukha niya. I decided to continue to finally release my unseen pain and unheard story.
"He harassed me.. Almost about to take my virginity away!" Frustrated kong sabi. Nanginginig na ako at napapahawak sa dibdib dahil sa sakit. Sumasakit na rin ang ulo ko dahil paulit ulit itong nagpplay sa utak ko.
"I managed to escape them. Nung nakalayo ako.. muntik na akong mabangga ni Lancer.. ni kuya. May tama na ako ng baril no'n.. sa braso,"
Yumuko ako para iwaksi ang sakit ng puso.
The thing is mahirap alalahanin 'yung mga bagay na nagbigay sa'yo ng trauma. Even if you wanted to talk things out, parang mas gusto ng puso mo na huwag nalang. Na hayaan nalang na mahusgahan ka kaysa ang bumalik 'yung sariwang sugat na natamo mo mula sa nangyari.
"Turns out pamilya ko pala sila. They never made me feel that I'm unsafe. Isang buwan halos rin ang tinagal ng lagnat ko noon dahil puro iyak lang ako at ni hindi nakakakain ng ayos."
Pinahid ko ang luha bago ipagpatuloy ang sinasabi. Lumingon ako sa kaniya pero napansin kong namumula na ang mga mata niya. Nagbabadya na ang mga luha.
"When I was with them.. I.. I'm almost.. once again.. rape. Muntik na naman.. May isang employee sila na muntik na akong gahasain.. Turns out, ang iba sa mga maid nila ay muntik na rin. He's in jail now. Napuruhan din siya ni kuya dahil sa inis nito." Mahina akong natawa nang maalala ang namumulang mukha ni kuya sa galit.
"After months, I finally learned how to cope. Pinatigil ako nila Lolo sa pag aaral at hindi pinayagan na.. na kausapin ko kayo. I begged to at least be in touch with tita and nanay. They agreed. Later on, I begged them to at least let me study. Nung una, ayaw ni lolo pero nagmamakaawa ako.. gusto ko yon, e." I sadly chuckled. Pinunasan ko na rin ang mga natitirang luha ko. Wala na akong maiyak.
I breathe heavily. "Nung nagkita tayo.. I wanted to talk to you about everything but.. they won't let me. Sabi nila, kaaway raw kayo ng pamilya namin. Matagal din akong hindi kinausap ni lolo dahil do'n. Then later, I found myself begging again. Nag.. nagmamakaawa na naman ako. This time, para sa mundong gusto ko.. sa kasiyahan na gustong gusto ko.. sa pagmamahal na.. sa'yo ko lang nararanasan."
Nanatiling siyang hindi umiimik pero lumuluha na. Pinunasan ko ang mga luha niya bago nagpatuloy. "I wanted to be selfish but.. if you ever had a new acquaintance, I will gladly step back. Hindi na ako manghihimasok.. kung wala naman, I will gladly beg the world if it means you're my lifetime in every universe.."
I, once more, wiped his tears away and smiled at him. Tuloy tuloy na umagos ang mga luha nito dahilan para lalo akong kabahan.
Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan. Saglit lang ito. But it made me feel at home.
"I'm sorry that you have to go through it alone.." Bulong nito nang yakapin ako.
Ngumiti naman ako. "You don't have to be sorry for the things you don't know."
Silence went all over us. Wala nang nagsalita pa pero magaan na ang paligid. It's as if the burden we're both carrying has been thrown to a place where it should be in the first place.
"Tara na, magpahinga na tayo." Aya niya at nagmaneho na ulit.
Saglit lang naman dahil malapit nalang ang condo. Inaantok na ako pero iniwaksi ko muna iyon. Nagpanguna ako sa paglalakad at hinayaan siyang nakasunod lang sa'kin. Bitbit niya rin ang mga ginamit niyang panggamot sa'kin.
When I entered the condo unit, I let him in. Nilibot niya lang ang paningin sa lugar at tumingin na sa'kin. Taka ko tuloy siyang tinignan.
"What?"
Sumimangot naman siya.
"Sungit,"
"Hinintay mo naman,"
Ngumiti siya at kinindatan pa ako. "Talaga,"
Napangiwi naman ako sa kalokohan niya. Nauna na akong pumunta sa kwarto dahil magpapalit muna ako. Pumasok ako sa walk in closet at nagbihis.
I was shocked that he was in my room. Nililibot niya pa ang tingin bago umupo sa dulo ng kama para pagmasdan ang isang picture na nasa picture frame. Agad akong tumakbo para kunin ito!
"Tinitignan ko lang, e!"
"'Wag nga! Kulit," Komento ko, inilalayo sa kaniya ang litrato.
Lumapit naman siya para agawin. Iniilag ko tuloy dahil ayokong makita niya! It was a picture of us nung last na nagkasama kami sa beach!
"Dali na!"
Agaw niya. Umatras naman ako para hindi niya makuha. Tumakbo ako sa kabilang gilid ng kama para hindi niya na makuha. Ang kaso, lumapit pa rin siya!
Kinikiliti pa ako para bumigay. Umatras tuloy ako nang umatras.
"Huli!"
"Ahh!"
Sabay namin sigaw. Parehas kaming natumba sa kama. Nasa ibabaw niya ako at siya naman at hawak ang bewang ko. Sa isang kamay niya, hawak niya ang picture frame.
Maiigi niya itong tinignan bago tumingin sa'kin nang nakakaloko. Binitawan niya ang picture frame at binalot ang parehong braso sa'kin.
Tumitig lang ako sa mukha niya. I noticed that his jaw was still perfect. Ngayon, mas pinkish na ang labi niya! Parang ang healthy niya tignan.
"Bitaw na," Asik ko.
"Ayaw."
"Bitaw na kasi!"
"Pilitin mo 'ko.." Ani na may nakakalokong ngiti. Ayaw niya pa rin bumitaw kaya hindi ako makaalis sa taas niya!
With the last straw I've got, I kissed him. Ramdam ko ang gulat sa kaniya kaya't napabitaw siya ng hawak. Ngumiti naman ako nang malawak bago umalis.
Lumabas ako nang kwarto na nakahawak sa labi. Uminom ako ng tubig para iwaksi ang kaba.
Ano 'yon, Liliana Maily Adelphonia?! Malandi ka!
I was still talking to myself when someone hugged me behind. Ramdam ko ang paghalik niya sa balikat ko hanggang sa magsalita siya.
"If you're willing to beg for a life you always wanted.. I'm willing to be the one who will sacrifice everything just to have the universe we both wanted and the life you've dreamed of." Mahina nitong sabi.
"You are the life I always dreamed of. I'll risk everything to see you with me." dagdag niya na nakapagpangiti sa'kin.

YOU ARE READING
Ruining Her Shoes
RomansaLiliana Maily Arnherm wants a love she has read and seen in movies. A love that is worth fantasizing. Gusto niya ang mga bagay na nararanasan ng mga bida-ang mahalin at kilalanin siya nang buong buo nang walang kahirap hirap. "To be loved is to be...