To be the reason for someone to stay.
Mahirap ba 'yon? Ang maging rason para manatili ang isang tao? Siguro..
"Pagod na 'ko.." Umiiyak na sabi ni Julie.
Nagrrant siya sa'min sa kung anong nangyayari. Tahimik lang kami ni Emanie na pinapakinggan ang bawat problema niya.
"Kayo nalang ang pinanghahawakan ko.." dagdag pa nito.
Nagulat nalang kami nang bigla itong nawalan ng malay. Agad namin siyang dinala sa hospital.
"She's too exhausted. Mukhang hindi nakain at umiinom ng tubig masiyado ang kaibigan niyo." Panimula ng doctor. "Observe her. Dala ng pagod at iyak niya kaya't nanghihina ang katawan niya. Extremely anemic din siya. I'll be advising you to make her drink a sleeping pill for her to sleep. Hindi pwedeng parati siyang puyat, pagod, walang kain, at puro iyak."
Tumango lang kami sa doctor at hinayaan na siyang umalis. May iba pa raw siyang aasikasuhin.
Tahimik akong napatingin kay Julie. May ilan ilan siyang pasa dahil sa pagiging anemic niya. Napaluha nalang ako sa kalagayan ng kaibigan.
Hindi ko alam kung malas lang ang panahon para sa'kin pero bigla nalang tumawag sa'kin si tita Mel.
I felt the sudden worry because tita isn't a type of person who will just call you randomly. She will ask for permission first dahil alam niyang busy rin ako.
"Lilian.. Ang n-nanay.." I heard her cry na nagpaluha lalo sa'kin. "Nasa hospital kami ngayon.. I.. I'll send the.. address to y-you,"
The sudden realization hits me. Nasa hospital ang nanay. Pati ang kaibigan ko. Hindi ko alam kung sino ang uunahin sa kanila.
I hurriedly ran to Julie's room and bid my goodbye to Emanie.
"Pu.. pupuntahan ko lang ang nanay, Emanie. Kaya.. Kaya mo bang magstay muna rito?"
"Hmm.." Ngumiti siya sa'kin. "Mag iingat ka, Lilian."
Tumango sa kaniya at nagpasalamat.
Pumunta ako sa hospital na sinasabi ni tita Mel. Hinanap ko ang kwarto at nang makita ay diretso akong pumasok.
"Nay!"
Dali dali akong napayakap sa kaniya. Gising na ang nanay. Si tita naman, kausap ang doctor ukol sa mga gamot nito.
"'Wag ka nang umiyak.. Okay lang ako."
Pinahid ko ang luha bago tumingin sa kaniya. "Nanay naman.."
She smiled at me. Tita walk towards me and told me what happened.
Inatake raw sa puso si nanay pero naagapan agad. Good thing na hindi gano'n kalala ang nangyari.
Icoconfine ang nanay para raw mamonitor ang takbo ng puso nito. May ilang gamot din ang ipapainom sa kaniya.
Nagpaalam muna ako kina tita na lalabas lang ako.
I decided to go to the garden of this hospital to have some fresh air.
Nilalamig pa ako dahil sa lagnat. Sobrang dami kasi naming ginagawa ngayon. Interior designs ang course na kinuha namin ng mga kaibigan ko at nasa last year na kami. Maraming pinagawang designs sa'min.
At iba, project kung saan may pupuntahan kaming lugar para icheck at lagyan ng reaction paper ang lugar. Doble pa ang hirap dahil minsan kami ang naaatasan na magdecorate sa event. Lalo ang pag aayos ng mga interiors.
Naghahanap na rin kaming magkakaibigan ng company na maaapplyan namin after graduation. 'Yung natanggap sana kahit wala ka pang experience.
Umalis na rin noong isang taon si Selene at Max para sa ibang bansa muna manuluyan. Nakalimutan ko na kung saan sila, e.
"Are you okay?"
Napalingon ako sa nagtanong no'n. Nanlaki ang mata ko nang makita si Lancer sa tabi ko.
"Bakit ka nandito?"
"Nandito 'yung kapatid ko. Si Lianne. Nagka dengue kasi. I'm visiting her but I decided to go to the garden. And then I saw you here, pale and eyes are puff." paliwanag agad nito.
"Okay lang ako. Pagod lang 'to. Nandito kasi si nanay, e. Ikaw? Kamusta kapatid mo?"
"Okay na siya. Pwede nang madischrage bukas."
Tumango naman ako. I looked at him nang abutan niya ako ng tubig.
"You need that." Anito. "Nagpapahinga ka pa ba? Ang putla mo.. Parang nangayayat ka rin nang konti.." Bakas sa tono niya ang pag-aalala.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Hindi ko na rin sinagot ang tanong niya. Isinandal ko ang ulo sa balikat niya para makapagpahinga.
Dulot na rin ng lagnat, agad akong nakatulog. Nagising nalang ako na nasa isang k'warto na ako at may kumot na. Nandito rin si Lancer sa tabi ko at nakamasid pa sa'kin.
Nang magmulat ako ng mata ay mabilis niyang kinuha ang tubig at pinainom ako ng gamot. Nasa hospital pa rin ako.
"Magpahinga ka nga! Tignan mo, ang taas taas ng lagnat mo pero hindi ka nainom ng gamot." Sermon nito na tinawanan ko nalang.
Ang sabi niya, nag 39 daw ang temperature ko pero bumaba na ngayon. May lagnat pa rin ako pero hindi na gano'n kagaya kanina.
Sinabi niya rin sa'kin na ipinaalam niya na kay tita na nasa isang room ako rito sa hospital. Tumawag daw kasi kanina habang natutulog ako kaya't sinagot niya. Baka raw kasi importante.
Magdamag akong nasa hospital kaya't kinabukasan ay nagulat ako nang makitang may kasama ng bata si Lance.
Pamilyar ang mukha nung bata. Mapapansin mong kapatid nga ito ni Lance pero medyo hindi sila hawig sa ibang parte ng mukha.
Nakikipaglaro si Lance rito at malaki ang ngiti ng bata. When she noticed that I was looking at them, she smiled and wave her tiny hands! I bet she's 3 or 4 years old.
"Hi, ate!" Magiliw niyang sabi.
I laughed and sat down. I wave my hands and greeted her back. "Hi! What's your name, baby?"
She scrunch her nose and chuckle a bit.
"Hello! I'm Lianne! I'm kuya's little sister." pakilala nito, medyo bulol pa.
I smiled at that.
Napalingon ako sa isang babaeng pumasok din sa kwarto. Hawig na hawig niya si Lianne! Ito siguro ang mother niya.
"Lianne, let's go!" Anito. Nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya, lumingon siya sa'kin.
I saw how her eyes was filled with amusement, happiness and shocked at the same time.
"Oh, hi.."
"Liliana po." I said when I saw she stopped the moment she realized she did not know who I am.
"Hi, Liliana.. I'm.. I am Lilia Ana Adelphonia."

YOU ARE READING
Ruining Her Shoes
RomantikLiliana Maily Arnherm wants a love she has read and seen in movies. A love that is worth fantasizing. Gusto niya ang mga bagay na nararanasan ng mga bida-ang mahalin at kilalanin siya nang buong buo nang walang kahirap hirap. "To be loved is to be...