Finally! I've been receiving love from everyone and now I can finally express my love.
"Pa'no ang kotse ko?" I asked Caiden who's still busy kissing my neck.
Tumigil siya saglit para sagutin ang tanong ko. "Kukunin ko bukas. Gusto mo bang sumama? May endorsement din ako bukas, e."
Napaisip naman ako. Caiden strives to be better. Hanggang ngayon pa rin.
Nakuha raw siya noong isang taon bilang endorser ng sikat na clothing brand. Bukas ang new launch ng new designs.
"Hmm.. Nando'n ba sila Bryant?" me asking pertaining to his academy friends.
Mahina niyang kinagat ang balikat ko bago nagsalita. "Bakit sila ang hinahanap mo?"
"Nagtatanong lang, e! Bakit ka nangangagat?"
Inangat niya ang ulo para silipin ako. "Bad ka. Kinakawawa mo na naman ako," Sumimangot pa siya na tila ba parati ko siyang inaapi.
Tinawanan ko lang siya.
We ended up sleeping in that position. Nagising nalang ako na wala na siya sa tabi ko.
Bumangon ako para magbanyo. After that, I managed to find him. Nasa kusina, nagluluto.
Yumakap ako sa kaniya habang busy pa rin siya sa pagluluto. Nagluluto siya ng munggo.
Nang maamoy ay napangiti ako. Last time pa ako nagccrave ng munggo, e!
"Good morning," Aniya at humarap sa'kin.
Humalik naman ako sa kaniya bago bumati pabalik.
"Morning,"
I sat in the dining room and waited for him to finish cooking. "Sasama ka?"
Ngumiti naman ako. "Uh huh!"
"Okay,"
'Yon nga ang nangyari. Kinuha niya muna ang kotse ko para ipark sa parking ng condo. Tapos, ang ginamit namin ay ang sasakyan niya.
Sabi ko nga, magsarili nalang kami ng kotse kaso ayaw niya. Baka raw hindi ako pumunta, e! OA talaga.
Nang makapunta kami sa event, medyo marami na ang tao pero hindi naman nagkakagulo. May mga bouncer din at may harang para hindi magkagulo.
Nagtilian sila nang makita si Caiden. May ilan ilan pa akong naririnig na usap usapan habang hatak hatak ako ni Caiden patungo sa mini dressing room.
"Sino kaya 'yan?"
"Hindi ba 'yung Beatrice ba 'yon ang bebe niya raw?" Taka akong napalingon sa isang babae nang magbanggit siya ng ibang pangalan.
"Hindi raw. Kakilala niya lang. Haka haka lang naman 'yon," sagot ng isa.
"Ang ganda niya!" Sigaw ng isa.
I smiled. Caiden was famous because of his looks. Silang magkakapatid. Bukod sa magaganda at guwapo, they're successful with their own. Marami ring kumukuha sa kanila para maging endorser pero tanging si Selene at Caiden lang ang tumatanggap ng offer. Ayaw daw nila Zaki.
So far, there's no negative comment about me. Gets ko naman kung magkaro'n. But I personally think that they should not care. Hindi naman nila buhay ang buhay ni Caiden o ng kahit sino mang celebrity or influencers.
Sa dressing room, pinilit nila si Caiden na kahit papa'no ay magmake up pero talagang tumatanggi ito.
"Yaan mo na 'yan. Lagi naman niyang ayaw mag pa make-up." ani ng manager ata nila.
Taka naman akong napatingin. Ba't nung minakeup-an ko siya ay hindi siya tumanggi? Parang natutuwa pa nga siya nung natapos ko ang pagmamake up noon sa kaniya.
YOU ARE READING
Ruining Her Shoes
RomanceLiliana Maily Arnherm wants a love she has read and seen in movies. A love that is worth fantasizing. Gusto niya ang mga bagay na nararanasan ng mga bida-ang mahalin at kilalanin siya nang buong buo nang walang kahirap hirap. "To be loved is to be...