Love.
The thing I can hold right now. Ang pinanghahawakan ko nung panahon na bigla kang nawala. I was still bothered because I know that you're not in a good state.
"Ma, please.. let's find her, ma. Baka.. baka may kung ano na ang nangyari sa kaniya," iyak ko.
Inalo naman ako ni mama. "We'll try our best, hon. But for now, be strong and trust Him."
'Yon ang ginawa ko. Pumunta ako sa tahanan Niya at nagsumamo.
'Please, keep her safe. Kahit maging ligtas lang po siya..'
Iyak lang ako nang iyak nung mga panahon na wala siya. Nagawa ko pang uminom nang buong isang linggo dahil lang namimiss ko ang presensya niya. Hindi ko pa alam ang kalagayan niya.
"Let go of me! I'm okay!" I shouted when my two brothers drag me out of the bar. Iuuwi na raw nila ako.
Gano'n lang ang nangyayari sa'kin. Tila ba nawawalan ako ng gana sa lahat dahil hindi ko siya maramdaman o ang makita siya ay hindi ko magawa.
I was out of control. Umiiyak na rin ako kay Selene. I asked her to help me find her friend. I truly love her friend.
"Tita, alam niyo po ba kung nasa'n si Lilian?" I asked hopeful that she would say yes.
My hope died down when she started crying and saying she did not know where her niece is. She's also blaming herself for the sudden lost of Lilian.
Inalo ko siya. Ayokong umiiyak ang pamilya ni Liliana. Kahit ako nalang. Kahit sa akin nalang ipasa ang lahat ng sakit, ayos lang.
Para sa kaniya, parating ayos lang.
The next day, I dreamt of her. She's crying and telling me she's okay and I don't have to worry anymore. Ang sabi pa niya, 'wag kong sirain ang buhay ko.
"Please, wait for me.."
I cried when I woke up. Sana hindi nalang ako nagising. Mas gusto ko ang panaginip na 'yon basta'y kasama ko siya
Would it be a sin if I could choose her more than anything?
"Sel.. Do you know where she is? Gusto.. gusto ko na siyang makita.. Kahit makita nalang.." still sobbing, I still manage to call and ask my sister for her friends whereabouts.
Hindi ko na alam.
I decided to not rot at where I am. Baka nga ligtas naman siya.
"Anong nangyari at parang ang bilis ng ihip ng hangin?" asar ni Celestine.
Ngumiti naman ako. "Hindi magugustuhan ni Lilian kung gano'n ako."
Kita ko ang lungkot sa mga mata nila pero isinawalang bahala ko nalang ito.
I focused on myself and my studies. Itinuloy ko rin ang pag aaral ulit ng gitara. Inilulok ko ang sarili sa pag aaral at pagmamanage ng hospital shares na ibinigay sa'kin ni lola nung nabubuhay pa siya. I am capable of doing everything.
But I'm not capable of moving on. I miss her.
Kung hindi ko siya makakausap, parang namatay na rin ang parte ng puso ko kung saan siya lang 'yung tinitibok nito.
I'm striving to be a better version of me. Para sa kaniya. At para sa mga umaasang kaya ko at kakayanin ko.
Umurong ang takot ko nung makausap ko siya sa isang event. I was still confused on why she's with that Lancer guy and his family but I didn't ask. Natatakot ako sa sagot. Nung nakaraan lang ay nakaharap ko ang batang version ni Lilian, e.
Hindi ko naman inisip na anak niya 'yon dahil I know that she matters to herself. Sinabi niya pa sa'kin na ayaw niyang magkaanak lalo't nag aaral pa siya.
"I'm sorry.."
Hope. 'Yon ang kasama ko ngayon. Ang pag asa na baka pwede pa. Kaso when I have her warmth and comfort the moment she was balling her eyes out, kita ko ang pamilya na may galit sa'min.
Pinaglayo kami nito. And in that moment, I knew it's her family she's with. Tinawag niya itong Lolo.
Tagal na naming 'di nagkita pero parang nung may pagkakataon na, pinagbabawalan kami ng tadhana.
I cried to Him again. Siya lang ang sandalan ko. Not that I'm with Him because I have a problem. It's because I know I can count on Him. Hindi ako lumalapit sa Kaniya kapag may problema lang. Even in my happiest moments, I'll come to Him.
Kahit sarado na ang tahanan Niya sa gabi, dumadalaw pa rin ako para magpasalamat.
Hindi ko bilang ang araw kung kailan kami hindi nagkausap. Para sa'kin, counting them means nothing. Para lang akong nagbibilang ng nawala.
Hindi naman siya nawala, e. Nasa puso ko pa rin 'yung pagmamahal ko sa kaniya.
Isang yakap niya lang, babalik at babalik ako sa kaniya.
A year.
Naghihintay pa rin.
Handa pa ring maging parte ng buhay mo.
My feelings for her never fades. My consistency grew the moment she left. I trust her with all I have.
Ipinagdarasal ko rin siya kapag hindi ako nabubusy masyado sa mga ginagawa ko.
Tapos na rin ako sa pag-aaral. Pero ang ibinigay lang sa'kin ang mga pinanghahawakan ko.
Nagpagawa rin ako ng public library dahil alam kong maraming kagaya niya na mahal ang mundo ng libro. Para sa kaniya.
"Pumunta ka na! Mamaya mauna pa siya rito, e!" ani Tine.
Tumawa ako. "Oo na, oo na! Ang oa mo talaga kahit kailan! Buti't natitiyaga ka ni Max."
"Tangina ka."
"Malalate 'yon. Late comer 'yon, e,"
"Okay, sabi mo, e."
Ngumiti naman ako pagkatapos. Walang kabang nararamdaman kundi puro saya dahil makikita ko siya.
Sa wakas. Sa oras na pwede pa, pwede na.
I smiled to myself. Pumunta muna ako sa Kaniya para makipag usap.
'Lord, masaya po ako. Thank you po kasi kahit papa'no ay masaya pa rin ako. Hindi Niyo po ako hinayaan na makalimutan Kayo. This is it po! I hope this time, we can talk freely po. I'll put You in the center of our connection po. Sige na po, pupunta na po ako sa venue na sinend nila Selene.'
Tahimik din akong pinagmasdan ang Simbahan at pumunta sa kalapit na chapel. Nagsindi ako ng kandila bago muling nagdasal.
Bago tuluyang magmaneho paalis, sumulyap pa ako sa lugar.
'Kakayanin ko 'to. Panghahawakan ko ang tiwala ko para Sa'yo.'
"Buti naman at dumating ka na!" Sabi ni Elle. Mukhang kanina pa nila ako hinihintay.
Bumati ako sa kanilang lahat at umupo sa tabi ni Selene. Bakante rin ang katabi kong pwesto na tila para sa kaniya.
"Bad news! I don't know if she'll come! Hindi siya nagrereply sa mga text ko, e." Ani Celestine. Napasibangot naman ako.
Pinagmamadali nila ako tapos hindi sigurado na darating siya? Nu 'yon!? Gusto ko pa naman siyang makita. Siya nga lang ang ipinunta ko rito.
"Miss ko na rin kayo,"
Napatakbo silang lahat at napatigil sa pagsasalita nang marinig ang boses niya. Napakahiwaga nga na pati ang kanta ay sakto sa sitwasyon namin.
Napatayo ako nang 'di oras. Nanigas sa pwesto sa sobrang saya at kaba.
When I managed to look back to her, I began to dwell up with tears.
Ngumiti siya sa'kin at ako nama'y tumakbo sa kaniya. Agad ko siyang niyakap at sinubsob ang mukha sa leeg niya.
To be in her arms is where I always belong. To feel her warmth is all I ever want and need.
'I never doubted Your plans on us.' I said talking to God.

YOU ARE READING
Ruining Her Shoes
RomanceLiliana Maily Arnherm wants a love she has read and seen in movies. A love that is worth fantasizing. Gusto niya ang mga bagay na nararanasan ng mga bida-ang mahalin at kilalanin siya nang buong buo nang walang kahirap hirap. "To be loved is to be...