To be found, when no one else does.
Sa tuwing nawawala ako o 'di kaya'y nawawalan ng gana sa lahat, all I need was someone to understand me. 'Yong tipong alam niya na nawawala nga ako pero ang gusto ko lang ay ang mahanap ako.
Gaya ngayon, I was in a vacation with my nanay, lola ko kay mama. Siya lang ang itinuturing kong kamag anak pwera kina mama.
All my so called aunties let me feel that I was not belong with them. Na outcast ako at hindi naman talaga kadugo. Galit na galit sila sa'kin dahil lahat ng ipon nila mama, sa akin napunta at hindi sa kanila. They were just nice to me for them to get the wealth mama and papa has.
Hindi naman napagkakailang napakalaki ng naipon nila.
"Si Liliana na ang pagbayarin niyo niyan! Sigurado naman akong afford niya." Masungit na ani tita Kris.
"Hindi ba't nagtatrabaho ka rin, Kris? Bakit hindi ikaw ang magbayad? Bakit 'yong bata pa?" Angil ni tita Melissa.
I smiled. Tita Melissa was always there when no one else was. Siya lang at si Lola ang nagiging kakampi ko sa ganito. I was never raise to disrespect them.
Humalakhak si tita Kris bago nagsalita. "Asus! Bakit ba nagbabait baitan ka riyan, Melissa? Baka naman ay habol mo lang ang pera niyan.."
"Sorry.. pero hindi ako mukhang pera kagaya mo."
I laughed with that. Tita Kris only threw daggers at me with her eyes. Tita Melissa pinched me on my waist to stop me from laughing!
Walang anak si tita Melissa. At ako lang ang tinuring niyang parang anak sa'ming magpipinsan. Ang sabi niya, wala raw siyang pake sa pera. Ang mahalaga sa kaniya, maranasan na kahit papa'no ay may naituturing siyang anak.
Hindi ko alam pero hindi siya gano'n sa mga pinsan ko. Auntie Melissa is a terror in our family. She even has the audacity to disrespect her older siblings when she had to. Takot din sa kaniya ang mga pamangkin niya.
Sa akin at kay nanay lang siya malapit. Kay mama rin.
When everything is settled, nagpunta muna ako sa beach para magmuni muni.
Time smoothly passed by that I didn't even realize it was our Christmas break already. Nagpaalam din ako kila Cai na rito muna ako ng isang linggo.
"Hi!"
Luh. Ba't nandito na naman 'yan?
"Lancer.."
Ngumiti siya nang malapad sa'kin bago ako akbayan. He became my friend dahil kapag nandito ako sa probinsya namin, nandito rin siya. I don't know if it was a coincidence or what.
He's two years older than me. Kaedaran niya sila Selene.
"Ikaw na naman?"
"Para namang nagsasawa ka na sa'kin! Tuwing bakasyon nga lang tayo nagkikita, e!"
Mahina ko siyang hinampas sa braso para tigilan niya na ang pag akbay sa akin.
"Psh! Arte," Komento nito.
Nagkwentuhan pa kami hanggang sa tawagin na ako. He even asked me if I already had a boyfriend! Kailangan daw muna niyang kilatisin. Ano siya, scanner?
Parati siyang nandito sa oras na nag iisa ako. Para bang alam niya na kailangan ko ng kasama at ayaw ko talagang nag iisa. It was good that Lancer Adelphonia was always here whenever I visit this province.
Nagpaalam muna ako sa kaniya bago pumunta kina tita Mel.
Ipinaghahanda ako ni tita Mel ng pagkain at binigyan na rin si nanay.
"Tita, masarap ba 'yon?" turo ko sa isang putahe.
Ngumiti si tita bago tumango. "Syempre, ako nagluto niyan, e. Gusto mo ba?"
"Ay, ayaw ko na pala!" biro ko.
Inirapan lang ako ni tita pero nilagyan pa rin ang plato ko ng putahe na niluto niya.
Tahimik akong kumakain nang biglang may dumating. "Hello po!"
Amp. Si Caiden na naman.
Masaya siyang binati ng mga kamag anak ko. Maging ang mga pinsan ko na kasing edaran ko lang. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may pagtingin sila kay Caiden.
Ngumiti si Cai sa kanila at tumanggi sa mga alok ng mga ito. Tumabi siya sa'kin matapos ay nakikain sa pagkain ko. Tuloy ay tinignan kami nang masama ng mga pinsan kong babae.
"Tita, oh!" Pagmamaktol ko, ayaw ibigay sa kaniya ang pagkain ko.
Kumuha siya ng kaniya!
"Magshare nalang kayo, 'nak. Eto pa, oh."
Wala akong nagawa kung hindi ang hayaan na si Cai. Kumuha nalang ako ng bagong kutsara para 'yon ang gamitin niya.
Si tita naman, kumakain sa tabi ko pero paminsan minsan ay lumilingon siya sa'min para tanungin kung may gusto pa kaming kainin. Binigyan niya pa kami ng mango graham na paborito ko!
Sabi niya, gumawa raw siya dahil alam niyang paborito ko iyon. Bumili rin siya ng ice cream para sa akin at para sa mga pinsan ko.
"Pst! Ang tabang nung spag. Ikaw ba nagluto? Hindi masarap."
"Baliw! 'Di ako pinagluluto ni tita Mel dito. Si tita Kris ang nagluto niyan,"
Tumango tango naman siya. "Kaya pala, e," mapanudyo nitong ani.
Tumawa tuloy si tita Mel, narinig ang sinabi ni Cai. Ni hindi niya sinuway!
Pero sabagay, ang tabang nga ng spag. Ang putla pa tignan!
Tita Mel also has judgement with tita Kris' cooking skills. Parati siyang may reklamo dahil hindi ito ang lasa na gusto niya.
Kung ako rin naman siguro. Kapag may ari ng tanyag na restaurant, siguro ay pupunahin ko rin ang lasa ng bawat pagkain na inihain sa harap ko.
Si tita parati ang nagluluto sa mga social gatherings namin at ang mga trabahador niya. They also make sure that the food we eat is healthy and not dirty.
"Tara, labas mamaya!" bulong sa'kin ni Caiden. Tumango lang ako sa kaniya para hindi na mangulit.
'Yan tuloy, waging wagi ang ngiti niya habang nakain. Baliw.
YOU ARE READING
Ruining Her Shoes
RomanceLiliana Maily Arnherm wants a love she has read and seen in movies. A love that is worth fantasizing. Gusto niya ang mga bagay na nararanasan ng mga bida-ang mahalin at kilalanin siya nang buong buo nang walang kahirap hirap. "To be loved is to be...