7

2 0 0
                                    

To be with someone who gives you peace.

Sa mundo natin, bawat tao ay ang hanap lang ay kapayapaan. We all dreamt of having a peaceful life and someone that gives us serenity.

'Yan ang pakiramdam ko kapag kasama ko si nanay, tita Mel, Caiden, Lancer, at ang iba ko pang mga kaibigan.

Hindi ko lang alam kung bakit taliwas ang kay Caiden. Palagi niya kasing sinisira ang araw ko.

"'Ta naman! Ganyan ba kapag matanda na? Kung ano ano na sine-say?" pang aasar ko.

Ngumiti lang sa'kin si tita, tuwang tuwa sa reaksyon na nakukuha niya sa'kin. Caiden also laughed that's why he gained a look from me.

Parehas ko silang tinarayan pero kinurot lang ako nang mahina ni tita. "Ang arte talaga, 'nak! O siya! Kumain na tayo. Alas sais na rin naman. Masyado kayong napatagal sa paglalaro ro'n, eh.." tita wiggled her brows, teasing me more.

"Tulungan ko na po kayo maghain, 'ta!" Sulsol ni Caiden. Psh. Sa bahay nila ay tamad na tamad 'yan kumilos, e!

"Tsk! Sipsip ka talaga," bulong ko sa kaniya.

Tumawa naman siya at bumulong din. "Papa good shot ako, e," anito at sumunod na kay tita para maghain.

When they left, naiwan ako kasama si nanay na nakangiti sa'kin. "Gusto mo?"

Agad akong umiling kay nanay. "Hindi, ah!"

"Asus!" pang aasar nito.

Iniwan din niya ako para tumulong sa paghahain. Nang maiwan ako, narinig ko ulit ang mga pinsan ko na pinagpipiyestahan ako.

"Papansin masiyado kay nanay. Pati kay tita Melissa ay sumisipsip pa!" Ani Keisha.

Wala namang sumang ayon sa kanila. They knew very well that tita Mel was the one who approaches me and treats me as her own daughter. Nanay also never let me feel that I am not a part of their family. Tanggap 'yon ng buong kamag anak namin. Maliban lang sa pamilya ni tita Kris.

I don't know what I have done to them but I don't want to know. They are not worth my time.

Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin dahil wala naman akong mapapala sa kanila.

Lumapit sa'kin si Beatrice, anak ni tito Lorhton, kapatid ni mama. Ngumiti siya sa'kin at nakipagdaldalan. She's the same age as mine, too!

"Hi! I saw you earlier and I wanted to talk to you pero nahihiya ako. Baka hindi mo ako kibuin, eh!" nahihiyang anito.

I smiled at her. "Hi! Don't worry, 'di ako nangangain ng tao!"

"Nangangagat nga lang," singit ni Cai. Kababalik lang niya hawak ang mga niluto nila tita. Kasunod niya pa si nanay na may dalang plastic spoons and cups.

"'Wag kang makikinig diyan, papansin lang talaga 'yan!" kontra ko. Beatrice laughed and almost blush when she looked at Caiden.

Crush niya siguro 'to!

I smiled at the thought of that. Iship ko kaya siya ro'n? Baka sakaling tantanan na ako ni Cai at hindi na 'ko maguluhan? Kaso baka magalit sa'kin si Cai, e! No no no!

Umalis si Beatrice sa tabi ko kaya naman si Caiden na ang tumabi. Para siyang magnet ko! Parang ewan kasi, e! Parating sa'kin nakadikit.

Ipinakilala siya ni tita Mel kanina at nagpakilala rin ang mga pinsan ko. Nagtataka pa nga ako kung bakit kapag may kumakausap sa kaniya na pinsan ko ay tinatanong niya pa ako kung sino 'yon.

Caiden has a sharp memory! Hindi rin siya bano sa pangalan. Paniguradong kilala niya 'yon pero ngayon ay talagang hindi niya kilala! Para siyang walang pake sa kanila at si tita Mel, nanay, at tita Kris lang ang kilala.

Kilala niya lang din si tita Kris dahil parati ko itong nakukwento na papansin lagi.

"Kakain ka?" tanong nitong asungot na katabi ko. Tumango naman ako."Enge nalang me.."

I just nodded. Nang makapagdasal na, nagsimula na rin kaming kumain.

"Caiden, oh.. Paper plate." abot ni Beatrice pero umiling lang 'yung isa.

"No, thanks. Makikishare nalang ako kay Lilian." Anito nang hindi nililingon ang kausap. "Kuha ka no'n!" Nakangiting sabi ni Cai sa'kin, purposely ignoring my cousin.

Ngumiti lang si Beatrice at tahimik nang kumain.

"Kumuha ka nalang kasi ng kutsara mo ro'n!" Reklamo ko.

Umiling lang siya sa'kin at inagaw na ang kutsara sa'kin. Sinubuan niya pa ako para hindi na ako makapagreklamo.

Hindi kasi ako makaalis sa pwesto ko dahil nakaharang siya. Hindi niya rin ako pinapatayo! APAKA talaga!

Wala namang kaso sa'kin ang magshare kami ng utensils. Hindi naman ako laway conscious pagdating sa kaniya.

Inabutan ako ni tita Mel ng tubig nang mapansin na inaabot ko ito. Nagpasalamat naman ako sa kaniya at hinayaan na siyang kumain ulit sa tabi ni nanay.

Parati akong binababy ni tita Mel kapag magkasama kami. Ayaw niya akong pinapakilos at gusto niya ay pinagsisilbihan lang ako. Gano'n rin siya kay nanay at Cai.

Nang matapos magsikain, nagligpit na rin kami. Minsan pang nangbubuska sa'kin si Cai dahil parang mamatay siya kapag hindi niya ako naasar sa isang araw.

May mga hugasin rin kami dahil ang iba sa amin ay gumamit ng plato. Naubusan na kasi ng paper plate.

Sabi pa nga ni tita, siya na raw maghugas pero pinagpahinga ko na siya. Nangulit pa siya pero pumayag na rin na ako nalang ang maghugas.

"Liliana.." Tawag ng kung sino. Si Beatrice pala. "Ako na riyan.."

"Hindi, kaya ko na! Patapos na rin kami ni Caiden."

"Ako nalang tatapos.."

Wala akong nagawa kung hindi ang pagbigyan siya. Akala ko ay tutulungan pa siya ni Caiden sa paghuhugas pero umalis din ito nang umalis ako.

Sabagay, nanggugulo lang naman siya sa akin. Tinutulungan niya rin ako sa paglalagay ng mga nahugasan sa lalagyan. Kaya ko naman 'yon pero gusto niya raw akong tulungan.

Malungkot na tumitig si Beatrice kay Caiden na nasa akin ang paningin. Matapos 'yon ay ipinagpatuloy niya na ang paghuhugas.

Umalis na kami ni Cai ro'n para makapagpahinga na.

"Kailan tayo uuwi?"

"Sasabay ka sa'kin pauwi?" takang tanong ko. Tumango naman ito sa'kin.

"Uh-Huh!"

"Kay tita Mel ako sasabay. May pupuntahan pa raw kami, e."

Tumango lang siya sa'kin at ngumiti nang malapad. "Sama nalang ako!"

Ruining Her ShoesWhere stories live. Discover now