24

1 0 0
                                    

Pagtitiwala.

That's where my understanding came from.

Bumili ako ng ice cream para sa kaniya nang mapansin kong medyo namumugto ang mga mata niya. Nagpaalam din ako sa kaniya kahit na mukha siyang naguguluhan. Her opinion matters everytime.

Sa store na binilhan ko, nakasalubong ko pa ang isa sa pinsan ni Lilian. 'Yong medyo mabait sa kaniya. I don't know her at all. Ang alam ko lang, b ang start ng pangalan niya.

"Oh, Caiden! You're here pala." She said.

Tumingin lang ako sa kaniya.

Bea ba ang pangalan nito? O Beatrice? Beatriz? Haha yes. 'Wag nalang alamin name niya.

This girl did try to flirt with me. May ilang mga pics na kumakalat online na siya ang kasama ko. Sinabi ko namang magkakilala lang kami at wala ng iba.

Nung mga panahon na nawawala si Lilian, hindi niya sinubukang tumulong even if she has all the things to quickly find her. Marami rin siyang connection yet she's still happy not finding her cousin.

Aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan sa palapulsuhan. Medyo nandidiri kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa'kin. She's not Lilian.

"Dinner, Caiden?" She asked hopeful.

I declined her offer. "Sorry but if you're Lilian, I would gladly accept the offer. I have to go. Ibibigay ko pa 'to sa kaniya."

I saw how her eyes form anger inside of it. Wala akong pakeelam kung magagalit siyang magkasama kami.

I hurriedly ran back to the venue to give it to her. Hingal pa ako no'n.

"Thank you," She whispered back.

Nakipag usap siya kina Blaze at ako naman ay tinitignan lang siya.

"Yes! Madeline said yes to him na! Oh, you didn't know? Kawawa ka naman," Asar nito kay Blaze.

"What!? Since when?"

"Secret,"

I laughed with them. Si Blaze naman ay tila nanlumo.

"It's okay. Lancer is a trusted guy, you know?" assure ni Sel.

Sumimangot naman si Blaze. "Okay,"

Nagpatuloy pa ang pag uusap nila. Ako? Tumitig lang kay Lilian. She's still the perfect art for me.

Walang pinagbago. Maganda talaga siya.

"Sige na, mauna na kayo. You two need to talk, "

I thankfully looked at Zaki and bid my goodbye.

When we were walking, she almost tripped. Hindi nag iingat. Nang matitigan ko siya ay napansin kong mas nagmature siya tignan.

Ang ganda niya.

We were awkwardly walking when I suddenly felt a tampo. Siya kasi!

Nauna akong naglakad pero nagmadali rin pabalik sa kaniya nung marinig ko siyang umaray. Nataranta pa ang loob loob ko nang makitang naiiyak siya dahil sa sugat.

"Gagamutin ko na," I gently said pero inilayo niya lang ang binti. "Cali, akin na.. dali. I'll clean your wound and then I'll bring you home."

Tinitigan niya lang ako habang ginagamot ko ang sugat niya. Matapos 'yon ay bumalik na kami sa parking. Kotse ko ang ginamit namin at pinaiwan nalang 'yung kaniya. Kukuhanin ko nalang bukas.

Natakot pa ako kung bakit siya umiiyak no'n. She's sorry for what happened.

"It's okay. I'm okay." I said assuring her.

Ruining Her ShoesWhere stories live. Discover now