To have someone who's patient with me.
Isang taon, isang taon pa ang hihintayin ko. Magagawa kaya niyang hintayin ako at ang paliwanag ko?
Hindi ko siya machat dahil hindi ko kabisado ang number niya. Ayoko rin makipag usap nang hindi pa ayos ang gusot sa buhay ko.
"Celestine!" Sigaw ko nang makita ang isang babae.
She's more reserve now. I admire her. She build the highest version of herself just so no one could ruin it for her.
Lumapit siya sa'kin nang nakangiti. Yumakap siya bilang pagbati.
"Hi, sister! Kailan mo balak kausapin si Cai? Mukha na siyang tanga dahil panay senti, e!" Bungad nito. I laughed at what she said.
"Hindi ko alam. May deal pa kami ni lolo, e. Kailangan makapagtapos ako at hindi bumagsak sa course na pinili ko."
Tumango tango naman siya, naiintindihan kung saan ako nagmumula.
"Oh, sige na. Tell us kung kailan ka na pwede at free ang sched mo. I'll tell Richelle that I've met you!"
Nagpaalam na rin siya pagkatapos no'n.
They became my friend when they are introduce to the Caoimhe family. Girlfriend nila Max at Zaki. Si Selene naman, pinakilala ako sa bf niya na si Blaze thru online.
Mabilis ko silang naging close dahil magkakahumor naman kami. Akala ko nga ay hindi ko magiging close si Elle dahil minamata niya ako.
'Yun pala, pinagseselosan niya ako. Masyado raw kasing malapit sa'kin si Zaki. Sinabi ko naman sa kaniya na walang malisya 'yon at magkapatid lang talaga ang turing namin sa isa't isa't dahil sa kanila ako nakitira.
I smiled. I miss the person I was with back then.
Sa loob ng isang taon na 'yon, puro pag aaral lang ang inatupag ko. May mga panahong umiiyak pa rin ako sa pagod pero nagpapatuloy pa rin ako.
Minsan ay nagkakasakit pa rin ako dahil sa pagod. May mga araw din na umiiyak ako dahil sa pangugulila.
Ngayon, nang sstalk ako dahil ayoko pang gawin ang mga pendings ko.
I searched for his X app account since he was always active in that app.
Nang masearch ko, bumungad sa'kin ang profile niya. It was a picture taken by me. Nakatalikod siya ro'n at nakatingin sa sunsets. 'Yon 'yung time na bigla siyang sumulpot sa outing namin nila tita Mel.
cali
@caiden_liNagtaka pa ako kung bakit Cali ang nakalagay as his username pero hindi ko na 'yon pinagkaabalahan. Wala rin siyang bio kaya tinignan ko nalang ang mga pinopost niya.
He posted pictures of him yet those pics are all side view! Wala man lang kahit isang pic na nakaharap siya.
Ang pinakalatest post niya ay isang message lang.
cali@caiden_li •10h
I'll wait for u.Walang comments iyon dahil nakacustom ata ang pwedeng magcomment sa post niyang 'yon. Dinumog din 'yon ng heart reacts and retweets.
Sinilip ko rin ang mga nilalike niyang tweets pero napansin ko ang isang post na nilike niya.
missani@annie_78 •6d
Why does this guy never look at the camera? 😭That tweet also has picture attached to it. Puro nga mga nakaside view 'yon.
Nagtaka naman ako. He likes taking pictures, yes. Pero ang nakakapagtaka, hindi siya tumitingin sa mga pics. Pero bakit sa mga picture na tinake ko ay nakaharap siya sa cam at nakangiti pa?
Kung nasa akin lang siguro ang phone ko dati ay maipapakita ko 'yon.
Nagpatuloy pa ako sa pag sstalk hanggang sa makatulog na 'ko.
Wala namang nangyari sa buong isang taon ko ng pag aaral kung hindi iyak, pagod, at tuwa. Sinuportahan na rin ako ni lolo at hindi na ako hinadlangan sa mga gusto ko.
Si Kuya naman, nagpakilala na rin ng girlfriend. Muntik pa nga akong masabunutan no'n dahil sa pag akap at paghalik ko sa pisngi ni kuya. Buti nalang at dumating din no'n si kuya para pigilan si Madeline.
"Hey, may invitation card na nakapangalan sa'yo," katok ni kuya.
I hurriedly ran to him and snatched the invitation. Hindi ko alam kung sino ang nagpadala no'n. Hindi ko rin alam kung bakit parang excited akong buksan ang invitation na 'yon.
Nang makita ang pangalan ni Celestine sa likod ng card, ngumiti ako nang malapad.
"Thanks! Dun ka na, shoo!" Taboy ko sa kaniya. Tinulak ko pa siya dahil pumasok siya sa kwarto ko.
"Wait—"
Hindi ko na narinig ang sasabihin niya dahil isinara ko na ang pinto.
With excitement, I jumped on the bed. Todo pa ang ngiti kahit hindi pa nakikita ang invitation.
Napakagat ako sa labi nang buksan na ito. It was an invitation for a casual dinner with friends! Next week pa naman daw pero para raw handa ako ay ipinadala na nila 'yung invitation.
'Liliana, sana makapunta ka. Simple celebration lang ito para sana sa'tin na tapos na sa pag aaral. Besides, pupunta si Caiden! It's your time to shine, babes! I hope you can come.. Magtatampo kasi ako kapag hindi.'
I smiled when I read the note. Ibang papel ito. Ang effort nila gumawa ng Invitation e casual dinner lang pala! Sabi rin sa note na kami kami lang 'yon at wala ng iba pa.
Dahil sa excitement, umuwi na ako sa condo ko. Lolo agreed that I can have a condo unit for myself. Ligtas naman ako at may security naman ang bawat floor ng condo. Last month pa ito sa'kin.
Dumadalaw dalaw din sila kuya kapag may time sila. Natanggap na rin ako sa isang company na priority ang interior designs!
Late ko na ring nalaman na company 'yon ni Elle! In contact na rin ulit ako kina Emanie at Julie. Same kami ng company na pinasukan. They didn't hold grudges against me. Naikwento na raw ni tita sa kanila ang totoong nangyari.
Napangiti ako habang sinisipat sipat ang susuotin ko kinabukasan. It was a sleeveless knee length dress. Kulay red ito. I also have a black hills to pair to to my dress. May black sling bag rin ako.
Tinext na rin nila Celestine kung anong oras kami dapat magkikita. Wala kasing nakalagay sa invitation.
Sa sobrang kaba ko ay nahirapan akong makatulog. Thoughts are lingering through my mind!
Sana mapaliwanag ko na nang buo sa kaniya ang lahat.
I also wished that Caiden has no other woman. Mahirap na. Lalayo naman ako kung may bago. I'm not a whore and I don't want to be the cause of someone's break up. Marunong pa rin naman akong lumugar.
"Lord, sana kung may ibibigay kayong para sa'kin.. May kilala po ako," Pagkwkwento ko. Idinaan nalang sa pakikipag usap sa Kaniya ang kaba na meron ako. "Sana po letter C 'yung initial niya. Tapos po 'yung may tweet na 'Ill wait for u'. Sure po akong siya ang para sa'kin, Lord!"
I smiled to myself.
"Sana siya nga.." bulong ko. "Goodnight, Lord! Sleepwell and sweet dreams po!" ani ko at nagpatianod na sa pagtulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/372822361-288-k664567.jpg)
YOU ARE READING
Ruining Her Shoes
RomantizmLiliana Maily Arnherm wants a love she has read and seen in movies. A love that is worth fantasizing. Gusto niya ang mga bagay na nararanasan ng mga bida-ang mahalin at kilalanin siya nang buong buo nang walang kahirap hirap. "To be loved is to be...