22

1 0 0
                                    

Paghanga.

'Yan ang nararamdam ko nung una. Nakipag usap pa tuloy ako sa mga kapatid ko para tulungan nila ako.

"Why won't you just confess? Hindi ka naman no'n lalayuan,"

Just when I'm about to almost shout my feelings to Zaki, Max replied.

"Oh, shut up, Caiden. Torpe ka lang talaga,"

Tumawa pa si Zaki na para bang hindi nila nahuhurt ang feelings ko. "Mahirap bang sabihin 'yong salitang 'I like you' o 'di kaya nama'y sabihin mo 'yon pero in a letter form."

"Paano? Nahihiya ako kaya paano kung diretsa kong sasabihin? Tsaka, pangit ang sulat ko! Nilait na nga niya 'yon dati dahil parang utak ko raw na buhol buhol ang pagkakasulat ko ng mga words!"

All of my lashing out came to waste nang biglang sumulpot si Liliana. I'm scared, okay? Torpe na kung torpe pero sino bang hindi matotorpe sa kaniya?

She's smart and artistic. Matalino at may pinag aralan. Has a self value and high standards. Who would've thought that I would like a girl that is way out my league? Pakiramdam ko ay kagalang galang siya at ako naman ay gago lang sa tabi niya.

Bawat bagay na ginagawa niya, inaaral ng puso at utak ko nang kusa. Para bang sinasaulo nito ang mga bagay na nakapagpapasaya kay Lilian.

She likes listening to songs whenever she's reading. She easily gets annoyed when someone disrupts her from reading. Napansin ko ring puro sad songs ang gusto niya kaya nag aral ako ulit ng gitara para kantahin nang pasimple ang nararamdaman ko.

I also noticed that she's too preserve. Mabilis din siyang lamigin at sakitin pa. She tends to cope just by smiling and not opening up. Tago siyang tao na tila ba natatakot siyang mahusgahan dahil lang nakakaramdam siya. Mahilig din siya sa ice cream; cookies n' cream as for her comfort ice cream.

Bukod do'n, marami pang mga bagay.

Para siyang libro na gustong gusto kong basahin. Libro na tipong madali kong naiintindihan. Sa lahat ng tao, pakiwari ko'y iilan lang ang nakakaintindi sa librong iyon. I like to read and analyze her a lot.

"Ayaw mo ba? A-ako nalang ang iino-" kabado kong tanong. Dinalhan ko kasi siya ng gatas.

"Thank you!"

Nang isara niya ang pinto, nakahinga ako nang maluwag. Nagpuyat talaga ako just in case na magtitimpla siya ay ako na ang gagawa.

Bawat detalye sa kaniya, saulado ko.

"Make up-an kita!"

Ang hirap niyang tanggihan. Para akong manlulumo sa sarili kong desisyon kapag tinatanggihan ko ang mga pakiusap niya. I just can't help not declining her!

"Ganda mo," Ani ko nang makalapit nang konti ang mukha niya sa'kin. She was doing my eyebrows.

I saw how her cheeks turned red and so I chuckled. "Bwisit ka," sagot nito.

Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Wala, e. Wala akong magawa kung hindi ang payagan siyang make up-an ako kahit na ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang pinapakeelaman ang mukha ko.

Basta siya, ayos lang. Palaging okay lang.

Palagi ko siyang minamasdan tuwing nagbabasa siya sa garden kapag weekends. Palagi akong nakatanaw. Sinusuri ang bawat ekspresyon na nalalabas niya kapag sa mundo ng libro siya nakaharap.

I never mind her just spending time reading because I thought that it would heal the part of her. 'Yung parte sa puso niya na parati niyang inaasam.

I just..

know her too well.

Hindi ko rin kayang malayo kay Liliana kahit na wala pa siyang isang linggo sa Mindoro.

"Kayang sundan pero ang umamin, hindi. Nice move, idol!" Pang aasar ni Zaki.

Inismiran ko lang siya bago nagpaalam kay mama.

"Ma, sige na! Ayoko makita si tita Bettany, e! Irereto na naman ako no'n sa mga anak ng kaibigan niya. Si Lilian nga ang gusto ko, e." Pangugulit ko. Tinawanan naman ako ni mama bago niya ako pinayagan.

"Okay. Basta make sure na makauwi ka nang safe, okay?"

"Yes, ma! I love you!"

"Ew." Sambit ni mama pero hinalikan pa rin ako sa pisngi.

Maka ew naman akala mo hindi ako niluwal, e!

Lumuwas ako ng Mindoro para sa kaniya. Pakiramdam ko kasi, parang mabigat na naman ang pinapasan niya. Napansin ko kasi ang lungkot at pagod sa mata niya nung nagpaalam siyang do'n muna sa probinsya nila.

My inner self wanted to make her happy. Gusto kong sasapit ang pasko na kahit papa'no ay masaya siya.

"Luh, epal."

Inis na sabi ko dahil may umeepal sa bebe time namin! Hmp!

Sinuyo niya naman ako pagkatapos. Iba nga lang ang alam niyang rason.

We are soaked in the beach water when I realized I'm too close to her. Gano'n din ang naging reaksyon niya.

Matagal ko siyang tinitigan, sinasaulo ang bawat sining na ipinagkaloob sa kaniya ng Panginoon.

Ang ganda niya. Sobra pa sa sobra.

Naputol ang sweet moments namin nang tawagin kami ni tita Mel, ang tita niya. Hiyang hiya pa si Lilian nung asarin kaming dalawa ni nanay.

I love how tita Melissa and nanay got her back, like always.

Noong magkaroon ako ng chance na kausapin ang tita niya nang kaming dalawa lang, natuwa ako nang sobra.

"You two are a perfect match for me. Ikaw lang ang nakilala kong nakakasama niyang lalaki and I am willing to accept you in our lives if ever you have the strength to finally court her."

Napatingin ako sa kaniya.

"Why? You're to obvious, hijo. Nothing's wrong if you like her. But if you will court her.. please, work with your consistency if ever she tries to turn you down."

Napatango ako. She likes me for her niece. I smiled. She really loves Liliana for what she is and who she is.  Tita Melissa said that she vows to protect her in the way she can. Gusto niyang masiguradong masaya ito.

Anak din ang turing niya sa'kin at kay Lilian. Tanging kami lang din ang kinakausap at kasama niya. Ang mga kamag anak niya ay hindi niya nakakwentuhan nang matagalan at hindi pa siya nakikipagtawanan dito.

She as if doesn't mind who they are. Para bang wala siyang pake sa mga ito dahil ang mahalaga sa kaniya ay ang mga taong nagpapasaya sa kaniya.

I smiled with that thought. I'll be like her. Priorities my happiness and protect who made me complete.

"Pagod na 'ko," Bulong sa'kin ni Lilian isang araw matapos ko siyang makitang pagod mula sa school. Niyakap ko siya, giving her the comfort and warmth she needs right now.

Bago siya pumasok sa school ay pinainom ko muna siya ng gamot dahil nilalagnat siya. Ayaw niyang umabsent dahil baka raw may mamiss siyang important lessons.

That's how much I care for her. Kaya't nung inuwi ko siya mula sa hospital, todo asikaso pa ako.

"Ako na,"

I tend to do things for her. Kung saan mapapagaan ang gagawin niya. Gusto ko siyang magpahinga.

Nang makita ko siyang natutulog, inayos ko ang kumot niya bago ngumiti.

'I want you to be one I'll face and speak  my promises in front of Him, Lilian. Gusto kong ikaw ang iharap ko sa Kaniya kapag pwede na.'

Ruining Her ShoesWhere stories live. Discover now