20

1 1 0
                                    

To be back in his life and be understood.

Naglalakad kami ngayon papunta sa 7/11. Hinayaan na kami ng mga kaibigan namin na maunang umalis para naman daw masulit namin ang oras.

Tahimik lang ako sa tabi niya. Gano'n din siya.

Humawak ako sa parehas kong braso dahil nilalamig na ako. Masyadong napatagal ang pag uusap namin nila Selene kaya't inabot na kami ng alas siyete. Wala rin namang tao sa venue dahil nirentahan daw nila ito.

Sobrang dami na rin naming nalait at nahusgahan sa madaming oras na 'yon. Sinabi pa nga nilang dinedescribe lang nila ang mga ito.

Hindi rin sila pumayag na hindi ako magkwento. Si Caiden naman ay tahimik lang no'n at minsa'y nakikitawa.

Napansin niya 'atang nilalamig ako kaya't inilagay niya sa balikat ko ang suot niyang long sleeve polo. May t-shirt pa naman siya sa loob.

"Thank you," mahina kong sabi habang tahimik niyang inaayos ang pagkakalagay nito sa balikat ko.

Hindi ako makatingin sa kaniya. He's an inch closer to me! Masyado siyang malapit.

Napaiwas ako ng tingin nang bigla niya akong titigan sa mata. Nang lumingon ako, gano'n pa rin ang lapit namin at gano'n pa rin ang tingin niya.

Napaatras ako dahil sa sobrang ilang at kaba. Hindi ko namalayan na may bato pala sa likod ko! Muntik na 'kong matumba! Kung hindi lang dahil sa paghapit ni Caiden sa bewang ko.

Stunned with what happened, I still had the strength to glance at him. Masama na ang titig niya sa'kin ngayon. Humiwalay tuloy ako sa kaniya dahil masyado kaming dikit sa isa't isa.

"Mag ingat ka kasi," inis na sabi nito pero kalmado pa rin.

"'Di ko naman alam na may bato. Kasalanan ko ba 'yon?" bulong ko.

"Sinusungitan mo na naman ako,"

"Hindi, ah!" Tanggi ko kahit kakairap ko lang sa kaniya. Sumimangot naman siya.

"Edi hindi,"

I was still shocked with the way our conversation went! He managed to walk away, leaving me here! Agad akong tumakbo para habulin siya dahil masyadong mahaba ang biyas niya kung maglalakad lang din ako.

"Aray!" Sigaw ko nang bigla akong natapilok.

Ang tanga. Sino ba kasing nagsabi na magheels ka? Komento ko sa sarili. Nagkaro'n ng sugat ang kabila kong binti dahil tumama sa tarpaulin sa gilid.

Ang malas naman! Kambal talaga ng malas 'tong si Caiden!

Umupo ako sa may malapit na upuan bago silipin ang sugat ko. Hindi naman gaano kalalim pero masakit dahil sa alambre ito sumayad!

I saw how Caiden walked back towards me to check what happened. Lalong lumukot ang mukha niya nang makita akong sinisilip ang sugat na natamo ko.

"Hindi kasi nag iingat," parinig nito habang sinisipat ang binti ko.

Sa inis, inilayo ko ito para hindi niya makita. "'Wag na, kaya ko."

He looks at me with disbelief. Suminghap pa siya na para bang kagulat gulat ang inaasta ko. "Patingin,"

"Ayaw."

"Patingin na kasi,"

"Ayaw nga. Okay lang 'to."

"Dali na.."

Masama ko siyang tinignan dahil ang kulit niya. "'Wag na nga, e! Ako nalang maggagamot nito pagkauwi."

"Tsk. Patingin na para macheck ko kung ipapaconfine na kita sa hospital,"

Napasinghap ako bago binalik ang tingin sa kaniya. "Ang OA mo! 'Wag na, dun ka na, shoo!" taboy ko dahil sa inis.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla niya akong iniwan. Sinundan ko siya ng tingin pero binalik din agad sa sugat ko. Lalo kasi iyong humahapdi.

Paluha na ako dahil napansin na medyo malalim pala 'yung sugat. Parang mga 2 inch din ang inihaba ng gasgas! Kaya pala ang sakit! Nagdudugo pa rin siya.

"Akin na, gamutin na natin." mahinahong ani Caiden. Napatingin ako sa kaniya na may hawak ng band aid, bulak, at maliit na betadine. Parang galing pa siya sa takbuhan dahil medyo hinihingal pa siya. "Bakit ka umiiyak? Sobrang sakit ba?" Nag aalalang tanong nito.

Lumuhod siya sa harap ko para gamutin ito. Tumango lang ako dahil lumuluha pa rin.

Daing lang ang isinagot ko nang pahidan niya ito ng betadine. He looks at me with worry in his eyes. "Sorry,"

Ngumiwi ako sa sakit nang matapos siya. Siya na rin ang nagpunas ng mga luha ko dahil iniinda ko pa rin 'yung sakit nito.

"Thank you,"

He nodded and helped me stand up. "Kaya mo ba maglakad?" Tumango ako. "Okay,"

Tahimik kami ulit na naglalakad hanggang sa bigla akong tumigil. Napatigil din siya nang mapansing hindi niya na ako kasabay.

"Masakit ba ang sugat mo?" Agad nitong tanong.

I cried when I remember what I'm supposed to say and do.

"Hey, are you okay? Masakit ba? Gusto mo bang magpahinga muna?"

"I'm sorry.."

Kita ko siyang natigilan at dahang dahang ibinaba ang parehas na kamay.

"I'm sorry I made you suffer.. I'm sorry that I made you wait.." I said still crying, naaalala ang ikinwento nila Celestine noong bumili ng ice cream si Cai.

"He started ruining his life. Isang buong linggo na puro inom at iyak. Akala niya may bago ka na. We assured him na you don't have any. After ng week na 'yon, balik pagiging busy siya. Noong tinanong namin bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin.. ang sabi niya, hindi mo raw magugustuhan kung sinisira niya ang sarili niya," Tine stated.

Si Zaki naman ang sunod na nagsalita. "He begged our parents to find you. Nag aalala siya dahil nilalagnat ka noong panahon na nawala ka. Baka raw.. baka raw may kung anong nangyari na sa'yo tapos wala siya sa tabi mo,"

"Totoo 'yon. Napauwi pa ako ng Pinas dahil iyak siya nang iyak sa call. Tinatanong niya ako kung alam ko ba kung nasa'n ka. I told him that I don't know since I'm in abroad." Selene justified. "When I told him to stop and just move forward.. he said that he will wait even if he has no chance to be with you. Ang akala niya pa noon ay kayong dalawa na ni Lancer dahil may kumakalat na pics, online, na may kasamang babae ang nag iisang Lancer Adelphonia." She laughed after that. Some cringed after hearing those.

"She's still waiting for you, Lilian. Even if the world is against the both of you.. he will gladly be allied with the universe just to be with you. Gusto niya ang mundo kung saan kasama ka niya.." Max added.

That conversation made me think.

Caiden hugged me and patted my head. "Shush, it's okay. I'm okay."

"I'm sorry you had to suffer.. I'm sorry  that I didn't try to contact you.. I'm sorry.. I really am.."

Inalo niya ako. "Shush, stops crying. Let's go home, Cali. Doon tayo mag usap." Anito. I nodded at him.

"Doon nalang sa condo ko. I need my meds just in case something happened."

Tumango siya at bigla akong binuhat. In a bridal style!

"Let's go. Don't worry, everything that you'll explain... my heart will gladly take and understand." Hinalikan niya ako sa noo habang naglalakad pabalik sa parking.

I smiled. I hope he will.

'I never doubted Your plans on me.'

Ruining Her ShoesWhere stories live. Discover now