"Feels right to be held by someone you thought would give up on you.."
I smiled with that thought. Sana nga.
Wala pang alas dos ay naghahanda na ako. Medyo malapit lang naman dito ang venue pero parang mattrafic ako sa inaasta ko. Kinakabahan ako!
I smiled to my self. Iniwawaksi ang kaba. Makikita ko siya. Kaya ko ba?
Sana.
Pero para sa kaniya, kakayanin ko.
Napahawak ako sa puso nang makaramdam nang matinding kaba. Am I still worthy of him?
Nag ayos na muna ako bago umalis. Hindi muna ako pupunta sa venue. Maaga pa naman.
Gamit ang sasakyan na kareregalo lang sa'kin, nagmaneho ako papunta sa Simbahan. Ang lugar ng pahinga at kapayapaan.
May mga taong napapatingin sa'kin. Marahil ay sa suot ko. Nagsuot muna ako ng cardigan dahil hindi ako sanay na pumapasok sa loob ng tahanan Niya nang hindi maayos ang suot ko.
Backless pa naman ito.
Kahit dinig ang takong ko, naglakad ako sa gilid. Lumuhod ako nang makarating sa may unahan.
Taimtim akong nagdasal at nakipausap sa Kaniya.
Sa panahon ng kaba at takot, Siya lang ang parati kong kinakapitan.
'Lord, magkikita po kami ngayon. Sa tingin Niyo po ba ay ayos lang? Kinakabahan po ako. Kinakabahan po ako sa mangyayari.'
Sa isip ko lang Siya kinakausap dahil baka makaabala ako sa ibang nagdarasal din.
'Ayos lang po ba 'yon? Kakayanin ko na po bang maipaliwanag sa kaniya? Lord.. Natatakot po ako. Parang.. Parang hindi ko kaya dahil kinakabahan ako.' Mariin kong ipinikit ang mata at yumuko. 'Lord, Kayo na pong bahala, ah? Ipagkakatiwala ko na po sa Inyo ang kung ano mang mangyayari.. Nagtitiwala po ako Sainyo..'
Tears are flowing when I stood up. Lumuhod pa ako ng bahagya bilang pagrespeto.
Nagsindi rin ako ng kandila malapit sa chapel at nagdasal.
Bago ako umalis ng Simbahan, tinignan ko muna ito.
'Ano man ang plano Mo, magtitiwala ako Sa'yo. Panghahawakan ko ang kung ano mang ibibigay Mo.'
With a smile on my face, I manage to drove back home. Kukuhanin ko lang ang phone ko dahil nakalimutan ko ito.
Sa sobrang kaba ko, ni hindi ko namalayang napatagal ako sa Simbahan! Alas quattro na! Malas at natraffic din ako gaya ng inasahan ko kanina!
Nang makarating sa venue, nahirapan pa akong hanapin kung saan ang pasukan sa parking! Hindi naman ako nagpupunta rito kaya't hindi ko kabisado.
Nagtanong ako sa guard. Tinuro naman niya kaya't dali dali akong nagmaneho tungo ro'n.
Nang masigurong nakapark nang maayos at nakalock ang mga pinto ng sasakyan ko, umalis na ako.
Napadasal pa ako nang wala sa oras dahil sa sobrang kaba. Nanlalamig na rin ang kamay ko. Dama ko rin ang simoy ng hangin dahil nakasleeveless na ulit ako. Makulimlim pa naman.
"Lord, magbackout na kaya ako? Kinakabahan ako!" mahina kong bulong, hawak hawak ang handle ng into.
Tanaw ko sila mula sa labas. Nag uusap sila. Kasama rin nila si Selene at ang boyfriend nito!
Tahimik akong pumasok sa lugar. Walang ibang tao kung hindi sila at ang kumakanta sa harapan.
Nang magsimula akong maglakad, tuluyan kong narinig ang kanta. They are playing 'Maybe this time'. Nasa gitnang part na ito.

YOU ARE READING
Ruining Her Shoes
Любовные романыLiliana Maily Arnherm wants a love she has read and seen in movies. A love that is worth fantasizing. Gusto niya ang mga bagay na nararanasan ng mga bida-ang mahalin at kilalanin siya nang buong buo nang walang kahirap hirap. "To be loved is to be...