8

1 0 0
                                    

To be loved purely. Especially on the days where darkness came.

I always dreamt of having someone by my side. Tipong magiging sandalan ko when no one else wanted to. 'Yung willing talaga.

Tahimik akong naglalakad sa dalampasigan. It's past 2 AM pero gising pa rin ako. Hindi ako makatulog.

Natulog na si Caiden sa kabilang kama sa kwarto ko. Wala na kasing available na rooms dahil fully booked this week. Buti nalang at wala akong kasama sa kwarto at dalawa rin ang kama.

"Aren't you tired of always being alone at this hour?"

Napalingon ako kay Lancer nang tumabi siya sa'kin. Ngumiti naman ako sa kaniya pero ipinagpatuloy ang paglalaro ng paa sa alon.

"This is something you can't be tired of." Napatingala ako sa langit nang mapansin ang liwanag ng buwan. "Ikaw? What will a man do at this hour?"

Tumawa siya nang mahina. "Nothing. Hindi ako makatulog, e."

"Bakit?" He just shrugged. "Same,"

Bigla siyang tumawa kaya nahawa ako sa pagtawa niya. "Boyfriend mo 'yung kasama mo kanina?"

Agad akong umiling sa kaniya. Totoo namang hindi ko siya bf, e! Dami talagang assuming ngayon.

"Hindi! Friend ko 'yon! Pero parang mas mataas na level pa ro'n. Basta.. hindi ko siya bf."

Tumango tango lang siya sa'kin. Nagkwentuhan pa kami ro'n nang magpaalam na ako. Mag alas sinco na rin kasi. Hindi na namin namalayan ang oras dahil sa kwentuhan naming dalawa!

"Saan ka galing?"

Gulat akong napatingin kay Cai nang bigla siyang humarap sa'kin. Mukhang kanina pa siya gising.

"Sa labas. Hindi kasi ako makatulog.." Ani ko, naglalakad papunta sa kama ko.

"Matulog ka na.."

Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. "Good mornight!"

He just smiled and walked to my bed. Nakapikit na ako pero ramdam kong kinumutan niya pa ako. Hininaan niya rin ang aircon.

"Tita, maya na po natin gisingin. Umaga na po siya halos nakatulog, e." Dinig kong sabi ni Caiden.

"Bakit? May problema ba?"

"Wala po, tita. Panigurado po, hindi lang talaga makatulog si Lilian."

"O sige. Kapag nagising siya, kumain na kayo nang sabay. Ipagtatabi ko nalang kayo ng pagkain kung mamaya pa ang gising niya at ayaw mo pa kumain.."

Nang dumilat ako, si Cai nalang ang nakita ko. Bukas pa ang pinto kaya't nasigurado kong kakaalis lang ni tita.

Nag open agad ako ng phone para tignan kung anong oras na. Napaiktad ako ng bangon nang mapansing alas dos na!

I immediately ran towards the bathroom to take a shower and brush my teeth. Nagsuot lang ako ng shorts at tank top.

Pinatay na ni Cai ang aircon at lumapit sa'kin. Tinuyo niya ang buhok ko habang ako naman ay nakaupo sa vanity table. Naglagay lang ako ng waterproof mascara at lipstick. I also added some powder to finish the look.

"Tara na. Kain na tayo.."

I looked at him, confused written all over my face. "Hindi ka pa kumakain?"

Umiling siya sa'kin. "Kumain na 'ko kaninang umaga ng tinapay. Nagkape lang din ako. Pero ngayong tanghalian.. hindi pa. Hinihintay kita, e! Gusto ko sabay tayong kumain.."

I chuckled because of that. Ngumiti lang siya sa'kin at inaya na ako sa labas.

Binati ko si tita at nanay na magkasama. Sinabihan nila kaming kumain na dahil kami nalang ang hindi pa nakain. Nagtaka pa ako nang mapansin si Beatrice ro'n pero sinabi niyang hindi pa rin siya kumakain.

Sabay sabay kaming kumain pero nanatiling tahimik kami sa harap ng hapag.

"Ano ba 'yan? Ayaw mo ba?" Tanong ko nang mapansing nilalagay niya sa'kin ang mga gulay. Tumango siya sa'kin.

Napansin niya na hindi ko ginagalaw 'yung mga green beans kaya't kinuha niya 'yon.

Sinangag kasi ang kanin namin at puro gulay ang sahog nito. Puro fried din ang ulam.

"Lilian.."

"Bakit?"

"Juice.."

Napalingon ako sa lamesa upang icheck kung meron pa. Iisang cup nalang iyon at mukhang nainuman na rin ni Beatrice.

"Uh.. Caiden, heto oh! Juice," Alok nito pero tinanggihan siya nung isa.

Malungkot na tumingin sa'kin si Cai. Tila nagmamakaawa na hanapan ko siya ng juice. Tumawa naman ako bago iabot sa kaniya ang juice na nainuman ko na. Pwede naman niyang tanggaling nalang ang takip.

Ngumiti ito na parang batang napagbigyan at kinuha sa'kin ang juice. Tapos na siyang kumain.

Nang makapagligpit ng pinagkainan ay inanyayahan kami nila tita Mel na magbanana boat.

Naiwan sila nanay kasama ang iba na ayaw. Kaming magpipinsan lang ang nando'n. Kasama rin namin si tita Mel dahil gusto niya rin sumakay.

Siya ang sa harapan ko at si Caiden naman sa likod ko. Kaming tatlo ang nasa dulong bahagi ng banana boat.

"Ah! Mamaaa!!"

Tumatawa ako habang natili dahil sa sigaw ni Caiden. Nakailang ikot kami nang bigla nalang ipinataob ang banana boat!

Kaming dalawa ni Cai na nasa likod ang unang nahulog! Ang iba ay sa kalayong parte namin.

"Duwag ka pala, e!" pangbubuska ko.

Sinabuyan niya naman ako ng tubig bago ako inismiran.

Lumangoy kami papunta sa dalampasigan at ibinalik ang suot kong life vest. Si Cai naman, hindi na nagsuot dahil marunong naman na raw siya.

Nagulat ako nang biglang lumapit sa'kin si Lance at inabutan ako ng tubig. Tuloy ay ang sama na naman ng timpla nitong si Cai. Hindi na naman maipinta ang mukha.

Ano bang ginawa sa kaniya ni Lance at gano'n nalang ang hinanakit niya? Kakakilala nga lang nila kahapon, e!

"Thank you!"

Ruining Her ShoesWhere stories live. Discover now