26

1 0 0
                                    

Wala na. Wala na akong hinihiling dahil kontento na ako kay Caiden kahit na minsan ay bwisit na bwisit talaga ako sa kaniya.

Matapos ang event, paalis na sana kami nang may biglang humarang sa kaniyang babae.

Busy ako sa pagce-cellphone dahil nagcchat sa'kin sila Celestine.

"Uhm, Caiden? Dinner?" I heard a familiar voice ask Caiden with a hopeful tone.

Napaangat naman ako ng tingin kay Beatrice, my cousin. Siya siguro ang tinutukoy nilang 'bebe' raw ni Caiden.

Lumingon ako kay Caiden nang hindi ito umimik. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Napawi rin naman 'yon nang bigla niya akong hapitin sa bewang.

Kita ko ang inis sa mukha ng pinsan ko nang gawin 'yon ni Cai. "Sorry, may date kami. And please, stop spreading rumors that I'm dating you. I'm with your cousin."

Napairap naman siya. Now she's showing her true colors. Nung una ay isinasawalang bahala ko ito pero ngayon? Hindi.

"Hindi ko siya pinsan,"

"Wala akong pinsan na hindi alam ang boundaries niya," asik ko pabalik. Kita ko ang irita sa mukha niya.

Si Cai naman, mahinang tumatawa sa tabi ko.

"Oh and by the way, you should've asked a person who's not in a relationship. Magkasama kami, oh. We have to go. Hanap ka nalang ng isasama mo sa dinner, " I said and wink at her.

Tahimik kaming naglalakad papunta sa sasakyan when Caiden stopped walking. Napahinto rin tuloy ako.

"We're in a relationship?"

"Ayaw mo?"

"Gusto kong ligawan ka muna.."

I laughed. "Babe, it's too late to court me. Hinahalik halikan mo na nga ako tapos manliligaw palang kita?"

"Eh kasi.."

Napangiti ako, handa na siyang asarin. "Then stop kissing and hugging me whenever you want. Papayagan kitang ligawan ako kapag gano'n."

His jaw dropped and eyed me. Ang sama niya makatingin.

"What!? Sinasamaan mo ba ako ng tingin?"

Agad siyang umiling. "Cali naman, e.. Pwedeng ano.. manliligaw ako pero pwede pa rin kitang i-kiss at ihug?" He asked, hopeful.

Umiling naman ako para asarin siya. "Nuh uh! Bawal! Kung ayaw mo, 'di 'wag! Okay, bye!"

Agad niya akong hinabol dahil umalis ako sa harap niya. "Wait, Cali!" Naiiyak niyang sabi.

Napaharap naman ako sa kaniya nang natatawa. "Biro lang, babe. Lika na. Baka umiyak ka pa, e."

Niyakap ko siya para aluin. Yumakap naman siya at bigla akong kinagat sa balikat. Nakasleeveless lang ako kaya ramdam ko. Hindi naman masakit 'yon.

"Lagi mo na 'kong inaapi," Ani.

Tumatawa lang ako sa kaniya. Inaya ko na rin siyang umuwi dahil maggagabi na. Gusto ko na magpahinga, e!

"Hey, post ko 'to, ah?" I asked nang yumakap siya sa'kin. Kakauwi lang namin at nakabuntot na naman siya sa'kin.

Kala mo mamamatay 'yan siya kapag hindi ako nayayakap, e.

Tinignan niya 'yung pictures na tinutukoy ko bago tumango. Pinagsisiksikan na naman ang sarili sa'kin.

I posted a photo of him smiling and looking at the camera and also the vid I took for him. Mayroon pang isang vid na sinasabi niyang  "I only have my eyes on you."

Ruining Her ShoesWhere stories live. Discover now