11

2 1 0
                                    

To be known for who you are.

"Kilala kita. Hindi ka basta basta nagkakasakit. So, ano ngang nangyari?"

I frowned because of Cai who keeps asking me of what happened. Tinawagan niya kasi ako kanina para tanungin kung nasa'n ako. Nung sinabi kong nasa hospital, dali dali siyang nagpunta.

Ta's sesermonan ako!

"Okay na nga ako! Sobrang pagod lang 'to. Dalawang oras lang din kasi ang tulog ko parati. Simula nung isang linggo."

He did not contradict what I have said so he just made me drink another capsule. Hapon na at umalis na rin ang pamilya ni Lance kaninang tanghali.

"May kilala ka bang Adelphonia?" Tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya. "Oo? Ang tanda ko kasi.. may galit 'ata ang fam na 'yon sa'min. Hindi ko alam kung bakit."

"Eh?"

"Oo, sinabi nila mama. Ang sabi, sila lolo na raw ang involve sa isyu na 'yon. Parang nadamay lang kami, gano'n!" kwento nito. "Ba't mo natanong?"

Umiling lang ako which made him not question me anymore. Maya maya ay pwede na rin akong umuwi. Si nanay naman ay ayos na pero nakaconfine pa rin dito.

Sabay na kaming umuwi ni Caiden sa bahay. Tinawagan ko nalang si tita para magpaalam dahil nanghihina pa rin ang katawan ko.

Todo asikaso sa'kin si Cai maging ang mga kasama namin sa bahay.

Hating gabi nang lumabas ako ng bahay. Gusto kong magmuni muni. Kapag sa loob kasi ng bahay, baka pagpahingahin nila ako.

Masama pa rin ang pakiramdam ko pero gusto kong lumabas. Suot suot ang blue hoodie at black pajama ay nagtungo ako sa park ng subdivision. Wala ng tao ro'n dahil madaling araw na.

The park was so quiet that the noise that I had been hearing was my footsteps. Umupo ako sa may bench at tahimik na tumingin sa paligid. Tanging kuliglig lang ang naririnig.

Wala rin akong dalang phone o kahit na ano. Nagdala lang din ako ng pocket money kung sakaling magutom ako. May bukas pa naman na tindahan ng gan'tong oras.

Hindi ko alam kung dahil sa lagnat pero mabilis lang akong nanghina. I was about to walk back home when a man, wearing all black, appeared in front of me.

Natuptop ang kaba sa puso ko dahil doon. Hindi ko rin maaninag ang mukha niya dahil nakatakip ito.

Huli na para makatakbo ako dahil may kung sinong nagtakip sa ilong ko ng panyo. Nakakahilo ang amoy nito. Dumagdag pa ito sa panghihina ko kaya't mabilis akong nawalan ng malay.

"Anong balak natin diyan? Natawagan mo na ba ang pamilya niya?" dinig kong tanong ng isang lalaki nang magmulat ako ng mata. Nasa madilim na kwarto ako at dinig ko silang nag uusap sa labas.

Nanginginig pa ako sa lamig kahit na balot na balot ako. Nagsimula akong maluha sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung ligtas pa akong makakaalis dito.

"Wala pang sinasabi si boss. Hintayin nalang natin ang susunod niyang utos. Pakainin niyo na 'yan,"

Nagulat ako nang biglang may magbukas ng pinto. Nang makita ako ng lalaki, malawak siyang ngumiti. 'Yong ngiting nakakaloko. Nakakabastos.

Mahina niyang hinagis sa harap ko ang pagkain at nakangising nagsalita. "Kumain ka na. Bukas, bago ka makuha ng pamilya mo.." Tumindig ang mga balahibo ko nang bigla itong lumapit. Napaatras ako hanggang sa pader na ang inaatrasan ko. "Papakinabangan ka muna namin.."

"Fuck you!"

Tumatawa lang siyang umalis, hinayaan akong takot na takot. Binuksan na rin niya ang ilaw bago umalis. Dinig ko pang nilock niya ang pinto.

I was just crying, doesn't minding who can hear me. Even if I'm sick, I chose not to eat the food they gave me. Baka may kung ano pang inilagay sila ro'n.

Umiiyak lang ako nang umiiyak hanggang sa makatulog ako.

"Dalhin niyo 'yan sa kabilang k'warto!"

That voice made me awaken. Tuluyang namulat ang diwa ko nang maramdaman kong hawak ako ng dalawang lalaki. Malalaki pa ang ngiti nila.

Pilit kong kinakalas ang pagkakatali ng kamay sa likod ko. "B-bitawan niyo 'ko!" Sigaw ko. "Ano b'ang kailangan niyo sa'kin?! Hindi ako mayaman! Wala kayong ma.. mapapala sa'kin!"

"Manahimik ka nga, babae! Mapapakinabangan ka namin! 'Wag kang mag-alala!"

"Anong mapapakinabangan!? Tanga ba kayo? Wala akong pera!"

Malakas na tumawa ang isa bago nagsalita. "Mapapakinabangan ka pa namin.." Ngumiti siya sa'kin bago tinuloy ang sasabihin. "Lalo na sa kama.."

Matapos niyang sabihin 'yon, itinulak nila ako papasok sa isang k'warto. Isinara nila ang pinto at inilock pa nila.

Nanginginig akong tumingin sa lalaking nasa loob. Nakahubad siya at tanging pantalon nalang ang suot. Malaswa siyang ngumiti bago ako pinasadahan ng tingin.

Tanging pag iyak lang ang namumutawi sa'kin dulot ng kaba.

Inilag ko ang mukha nang subukan niyang hawakan ito. "'Wag kang mag alala.. Sisiguraduhin kong.." Inilapit niya ang bibig sa tenga ko. "masasarapan ka rin.."

Agad akong umatras nang sinubukan niya akong halikan. Ayoko!

Tumatawa pa siya nang subukan ulit akong lapitan. Tanging pag iyak lang ang ginagawa ko.

Inilibot ko ang paningin sa lugar pero wala akong ibang makitang daan kung hindi ang pinto at ang bintana.

Lumuluha akong tumakbo sa may bintana kung saan may side table.

"P-parang a-awa mo na.. 'Wag.. 'Wag, please.." naluluha kong sabi.

Tanging pagsigaw lang ang nagawa ko nang makalapit siya at hinalikan ang leeg ko. Sinubukan niya pang sirain ang hoodie na suot ko. Nagdulot ito nang malakas na ingay nang mapunit niya ang bandang taas nito.

"'Wag.. 'w-wag.. Please! Tigilan mo na 'ko!"

Tawa lang ang isinagot niya sa'kin. Nakarinig kami ng pagkatok na siyang ipinagpapasalamat ko. Itinigil kasi ng lalaki ang ginagawa at lumingon sa pinto na akala mo'y nakikita niya kung sino ang kausap.

"Bilisan mo riyan, Martin! Kating kati na rin kaming matikman 'yan!" Halaklak ng kung sinong nasa labas.

Tumawa naman nang malakas 'tong Martin na nasa harap ko. "'Wag kang magulo, Arturo! Lalasapin ko muna bago ko ipatikim sa'yo 'to!"

Humalakhak silang dalawa na naging paraan para ngumisi ako. Natigil si Martin sa paghalakhak nang itusok ko sa kaniya ang kutsilyo.

Natanggal ko ang pagkakagapos kanina nang may kumatok sa silid. Naging rason din iyon para tahimik kong kunin ang kutsilyo sa side table.

Tinakpan ko ang bibig niya para hindi siya makalikha ng kung anong ingay.

"Shh! Baka marinig ka nila.."

Ruining Her ShoesWhere stories live. Discover now