2

1 0 0
                                    

"What does heaven looks like?"

I asked to myself, curious kung ano ang itsura at pakiramdam na nandoon ka.

I dreamt of living in heaven. I dreamt of leaving the earth. Para bang wala ng saysay ang buhay ko dahil hindi naman ako masaya. Para bang parating kulang kahit naibibigay naman sa akin ang mga gusto at kailangan ko.

To never live an almost perfect life seems to be happy. Para kasing perpekto ang buhay ko—'Yon ang haka haka nila. Sana nga ganoon ko rin tignan ang buhay na meron ako.

May pera ako, yes. Marami pa nga, e. Inipon 'yon ng mga magulang ko para sa'kin simula nung nagttrabaho sila sa Caoimhe. May bahay akong tinutuluyan, oo, pero mas gusto kong kasama ang pamilya na tinuturing akong pamilya. Wala naman na akong uuwian sa bahay ko.

May mga kaibigan ako, oo, pero hindi namin nirerequire ang magkita parati dahil iba iba kami ng buhay. Nabibili ko ang luho ko. Mayro'ng mga gumagabay at nagmamahal sa'kin.

Pero.. meron kayang handa akong mahalin sa kung ano ang wala at sa kung anong meron lang ako? Meron kayang nakakakilala sa'kin? Gaya ng mga bida sa libro na kilalang kilala ang mga babaeng minamahal nila?

I always wanted to be loved just like in the movies. Gusto ko ang mga gano'ng bagay na parang imposibleng magkaro'n.

Ibinalik ko ang tingin sa librong binabasa bago punasan ang luha. Nasa dead part na kasi ako ni Cooper at Agatha!

"Oh,"

Napalingon ako kay Cai nang abutan niya ako ng panyo. Nang hindi ko kunin, siya nalang ang nagpunas ng mga luha ko. Tahimik lang akong pinagmamasdan siya.

This guy never let me feel na mag isa ako. I treat him as a brother. Silang magkakapatid, tinuturing kong sariling kapatid dahil namulat ako sa mundo nang mag isa. Walang kapatid.

"Liliana, tara na! Mag eenroll ka pa. Baka matagalan tayo.." Aya ni Selene sa kabilang gilid ko, kararating niya lang.

Caiden looks at us, confused. "Saan kayo?"

"School, madam." I replied.

Ngumiti siya nang malawak at sinabing "Sama ako!"

Wala kaming nagawa dahil hindi talaga siya pumayag na hindi siya kasama. Nang makapag ayos nga ako ay pinakialaman pa ang sling bag ko!

"Maglagay ako ng panyo dito, ah? Pawisin ka pa naman. Maglalagay din akong pulbo kung sakali. Efficascent din kung sakaling mahilo ka. Mahiluhin ka pa naman kapag sobrang init." Paliwanag nito. Daig niya pa ang nanay ko noon!

"Oo na, oo na! Basta ikaw magbibitbit niyan, ah?"

Inirapan niya lang ako at 'di na pinansin. Abala pa siya sa mga dadalhin!

"Una na ho kami," Paalam ko sa mama nila.

She smiled and nodded. "Ingat kayo!"

Sila Zaki at Max naman ay weirdong tinignan si Cai. Para kasi siyang ewan dahil suot niya ang sling bag ko at bitbit pa niya ang mga requirements ko. Tumatawa sila habang pinapasadahan ng tingin ang kapatid nila.

"Parang ikaw pa ang mag eenroll." Puna ni Zaki. Tinarayan lang siya nung isa at nauna nang pumunta sa may sasakyan. Ipinagbukas pa kami ng pinto.

"Ang tagal naman,"

"Manahimik ka. Ikaw 'tong gustong sumama, e."

"Tsk! 'Di ko naman alam na matagal pala ang system dito." Asik ni Cai at isinandal pa ang ulo sa balikat ko.

Si Selene naman, inaasikaso na ang pang bayad. I insisted to pay it myself pero ayaw niya raw! Gusto niya, pera niya ang gagamitin! Tila may topak si ate, e.

"Sel, tamo! Gwapo 'yon, oh!" Turo ko sa isang lalaki. Matangkad at asul ang mga mata! Ang kapal pa ng kilay at ang haba ng pilikmata! Ang ganda rin ng pagkapink ng labi niya!

"Enroll ang pinunta mo rito. Hindi sightseeing ng mga gwapo." Pangaral ni Selene sa'kin.

Tsk! Kala mo talaga, e.

"Nasa'n ba?" dagdag nito na nakapagpatawa sa'kin. Tignan mo!

Tinuro ko sa kaniya 'yung pwesto ng lalaki pero nakatalikod na siya! May kasama rin siyang babae na palagay ko'y kapatid niya. Magkamukha kasi sila.

Magsasalita pa sana ako kaso tinawag na ang pangalan ko doon sa admissions. Ibinigay na nila ang student number ko at sinabi na rin kung ano ang mga babayaran. Nakapagpasukat na rin kami ng uniform.

Bitbit ni Caiden ang mga gamit ko at hawak hawak niya pa ang panyo ko. Pinupunasan niya rin ang pawis ko kapag nagsstay kami sa labas. Hindi ko kasi kaya ang lamig sa loob!

Dinadaldal din nila akong dalawa para naman pare parehas kaming 'di mainip kakahintay. Hindi ko na rin nakita 'yong lalaki kanina.

Sayang! Bagay pa naman sila ni Sel! Syempre para sa'kin, bagay sila! Opinyon ko 'to, e!

"Kain muna tayo,"

Tumango naman silang dalawa at pinagtalunan pa kung saan sila kakain. Tapos na kami mag enroll at bayad na rin ang tuition.

"Kuya Cai, do'n nalang tayo! Parang ewan ka naman kasi mamili, e! Kakakain lang natin do'n kahapon.."

"Selene, sister, bawal ang opinyon mo. Do'n ko gusto, e! Me first!" Pakikipagtalo ni Cai.

"Jollibee nalang. Para kayong mga bata.."

They pouted after me making decisions. Kanina pa nila pinagtatalunan kung sa Max or sa Mang inasal kami kakain.

"Okay.."

Parang mga batang pinagkaitan ng candy, e!

Ruining Her ShoesWhere stories live. Discover now