To be happy without limits.
Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing masaya ako, katumbas no'n ang lungkot kinabukasan o kinagabihan. Ang hirap tuloy maging masaya ng tuluyan.
I always dreamed of being happy without limitations. 'Yong tipong masaya lang talaga.
"Huy! Ang bobo mo naman!"
Tinignan ako nang masama ni Cai dahil do'n. Gumagawa kasi kami ng bola na made out of sand.
"Mali ba? Akala ko kasi 'yung tuyong buhangin muna ta's babalutan ng basa!"
Tumawa lang ako. Tinulungan ko na siya para matapos na kami. May deal kasi kami na kapag mas matibay ang kaniya, ililibre ko siya. Kapag 'yung akin naman ang matibay, bibilhan niya ako ng libro.
"Dali na!"
Pinagulong namin parehas pero mas nagtagal ang kaniya. Nakailang ulit kami pero hindi nasisira ang kaniya.
"Ang duga mo naman!" reklamo ko.
"Luh! Bano ka lang kasi gumawa ng bo-Hala!"
Dali dali siyang tumakbo para habulin ang pamato niya. Huli ko na nalaman na dinurugas niya lang pala ako! May maliit na bao ang kaniya at tinatapalan niya lang ng buhangin!
Kaya naman pala hindi nasisira! Tumakbo rin tuloy ako para habulin siya. Napansin niya 'ata na alam ko na na dinudugas niya ako kaya mas binilisan niya ang pagtakbo.
"Maduga ka talagang peste ka!" Nang mahabol ko siya, mahina ko siyang sinabunutan na ikinaaray niya.
Nasa ganoon kaming pwesto nang biglang lumapit si Lancer.
"Hi?" bati nito.
"Luh, epal." dinig kong bulong ni Cai at lumayo sa'kin para hindi na masaktan.
"Ay, hello! Si Cai nga pala, kaibigan ko!" pakilala ko. Humarap ako kay Cai at ipinakilala si Lance. "Cai, si Lancer. Lance ang tawag ko sa kaniya."
"Ok." may ibinulong pa siya na hindi nakatakas sa pandinig ko. "Walang nagtanong,"
Sinita ko siya pero umirap lang siya. Lancer only gave us a look I cannot recognize. Mukha siyang masaya pero tinitago niya sa pagkapoker face.
Lumapit ito sa'kin at tinapik ako sa ulo. He bid his goodbye and whispered that he might be bothering us so he will leave na. Nang makaalis siya, pansin ko ang pagtatampo sa mukha nito.
Sinamaan niya ako nang tingin na para bang may ginawa akong 'di maganda.
"What's your prob na naman?" I asked.
"Sino 'yon?"
"Ohh! He's my friend here! Parati ko siyang nakakasama rito kapag bakasyon at nandito ako."
Tumango tango lang siya. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa dalampasigan. Nilalaro niya pa ang paa sa buhangin hanggang makapunta ro'n.
"Pst, are you mad ba? Sorry na, 'di na kita sasabunutan uli.."
He smiled at me, his way of telling me it's okay and we don't have any problem.
Nagtaka pa ako kung bakit biglang lumawak ang ngiti niya at nagsimulang lumapit sa'kin.
Napatili ako nang bigla niya akong buhatin at sabay kaming lumusong sa dagat. When the water level reached our stomach, he stopped and let go of me.
Parehas lang kaming nakatingin sa isa't isa. Hawak niya pa ako sa bewang dala ng pagbuhat niya sa'kin. Hindi pa rin ako nakakabitaw sa pagkakasabit ng braso sa leeg niya.
Ang ganda talaga ng mata niya!
"Sorry!" Sabi ko kaagad nang mapansin na sobrang lapit namin sa isa't isa at mukhang naiilang na siya.
Kita ko siyang napatulala saglit bago iniiwas ang tingin sa'kin. I saw how his Adams apple moved aggressively.
Agad akong umatras pero muntik pa akong lumubog kaya nahagip niya ulit ako sa bewang.
How attentive. Kababalik lang ng paningin niya sa'kin ay para bang alam niya na ang mangyayari.
I was startled when I saw how he stares at me. Ang lalim niya kung tumitig!
I don't know why but my heart started beating rapidly! Para bang kinakabahan ako sa presensya niya! Oh, shit.
"Caiden! Liliana! Halina rito! Hinahanap na kayo ni nanay!"
Agad kaming humiwalay sa isa't isa at umahon na. He even gave me a robe. I am just wearing a two-piece simula kanina pa.
Nauna akong maglakad papunta sa cottage kung nasa'n sila nanay.
I heard murmurs in every side when I walked to nanay.
"Plastikada talaga 'yan."
"Maharot pa! Nakita mo ba kung gaano sila kaharot ni Caiden do'n sa dagat?" Sulsol ni Keisha, anak ni tita Kris.
They immediately stopped gossiping when Caiden came and walked towards me. Same intense gaze.
Humalik siya sa pisngi ni nanay at nakipagkwentuhan dito.
"Wala ka pa namang nobya hano? O 'di kaya nama'y nililigawan mo na 'tong apo ko?" biglang tanong ni nanay.
"Nay naman!"
"Nag uusap kami, Liliana. Nagtatanong lang naman ako, e! Hindi ba, Melissa?"
Tita Mel laughed and nodded. Pinagkakaisahan na naman ako ng mga older people ngayon. Hays.
Ngumuso lang ako at tumabi na kay tita Mel. She started wiping the excess water on my face, the one dripping because of my wet hair. Pinatuyo niya rin ang buhok ko. Binigyan pa ako ng panibagong towel nang mapansin na nilalamig pa rin ako dahil basa ang katawan.
Nang matapos si tita, umalis siya para kuhanan ako ng tubig. When she left, Caiden sat beside me. Isinandal niya pa ang ulo niya sa balikat ko.
Tila natuliro ako sa pwesto at hindi nakagalaw. Nakahinga lang ako nang maluwag nang humiwalay na siya sa'kin.
Napatingin ako sa kabuuan niya. He was topless and only wearing a beach shorts. I handed him the towel tita gave me pero tinignan niya lang ito.
Ako tuloy ang nagpunas ng basa niyang katawan. Hinayaan naman niya akong gawin 'yon para sa kaniya. I also dried his hair using the towel. Nang matapos, isinabit ko sa leeg niya ang towel.
Nakabalik na rin si tita dala ang tubig ko. Pero si Cai ang uminom no'n dahil makapal ang mukha niya. Nagtalo tuloy kami.
"Bagay kayo, 'nak,"
YOU ARE READING
Ruining Her Shoes
RomanceLiliana Maily Arnherm wants a love she has read and seen in movies. A love that is worth fantasizing. Gusto niya ang mga bagay na nararanasan ng mga bida-ang mahalin at kilalanin siya nang buong buo nang walang kahirap hirap. "To be loved is to be...