"Sounds nice to be treated well without asking.. "
Nandito na naman ako. Same spot. Spitting my unsaid thoughts. Reading a new book now with a different genre. Tahimik na naman at mag isa.
This garden made such a huge impact in my quiet life. It gives peace and joy even if I'm alone. Para bang naging safe place ko na ito.
Books made me realize that all of us has different struggles and plot line. Hindi tayo pare parehas ng istorya kaya ang ikumpara ang kung anong naranasan natin ay wala ring saysay.
It made me believe that you are not really living a life if you do not have any problems and struggles you face everyday. Parte na ng buhay natin ang magdusa, maghirap, magmahal, at masaktan.
Sa bawat libro at palabas tuloy na natatapos ko, hindi ko maiwasan ang mainggit at mag isip.
Mararanasan ko kaya 'yon? Mayro'n pa bang gano'ng tao? May tao pa rin bang handang manatili sa lowest point mo? Meron pa ba?
Bigla akong napatingin kay Cai nang umupo siya sa bench na halos kalapit lang ng swing. He strum his guitar and made me hear his angelic voice. Walang kupas. Maganda pa rin ang boses.
"Wise men say.. Only fools rush in.." Tumingin ito sa'kin bago ibinalik ang atensyon sa gitara niya. "But I can't help falling in love.. with you."
Tinigil ko na ang pagbabasa at pinakinggan nalang siya. Good thing he came when I stopped reading. Kung kanina siya nanggulo, baka pinapaalis ko na siya ngayon.
"Shall I stay? Would it be a.. sin?" He strum his guitar again before smiling. "If I can't help falling in love.." Tumingin siya sa'kin bigla. "With you.."
Gulat naman akong napatingin sa kaniya. Is this his way of confessing? Or am I just assuming things again?
Patuloy lang niyang ipinatugtog ito hanggang sa matapos siya. "Ayos ba?"
Tumango lang ako. Thoughts lingered through my mind that it keeps on bugging me!
"Hmm.. Sa pagkanta ka lang talaga hindi kalait lait.."
"Sinasabi mo bang kalait lait ako!?" offended nitong ani.
Magiliw naman akong tumango at ngumiti. "Tinanong mo pa!"
Inis siyang umalis dahil doon. Tinarayan pa 'ko! Sungit!
I began to walk and run upstairs to go to the balcony. Mas presko ang hangin doon.
Umalis muna ako sa garden dahil baka bumalik siya ro'n! I just can't face him right now! Iniisip ko pa kung confession iyon o ipinaparinig niya lang kung ayos pa ba ang pagkanta niya.
Naka isang oras na akong nakatayo ro'n, nag iisip lang. I convinced myself na it's just a song! Malay ko ba kung intensyon niya o hindi.
Sa buong buhay ko, bilang lang ang mga oras na kumanta si Cai. He doesn't even sing in front of his relatives because he said he's shy! Siraulo lang.
Only his siblings knew he was a great singer. Also me! Parati nila akong kasama, e.
"Pst! Sorry na.."
Tinalikuran naman ako ni Cai dahil do'n. Tinutusok tusok ko pa siya sa braso para pansinin niya ako.
Tinotoo niya kasi 'yung pagiging offended niya at hindi na ako gaano pinansin. Kapag nakakasalubong ko pa siya ay iniirapan niya ako! Parang adik lang!
I decided to apologize to him pero ang lakas ng trip niya! Ni hindi niya ako tinitignan at umiiwas lang sa'kin.
"Sorry na.. Nagbibiro lang ako. I didn't mean it that way po," I said and smiled when he turn to look at me.
Tumango lang siya, forgiving me. Ngumiti naman ako nang pagkalapad lapad dahil do'n.
"K na tayo?"
Tumango siya sa'kin. "Yes, madam,"
Ngumiti lang ako sa kaniya.
It was ten in the evening and I still can't sleep! Wala rin naman kaming class bukas.
Tahimik akong lumabas ng kwarto pero nagulat ako nang makitang gising pa si Cai. He was drinking a cup of juice. Nagulat pa siya nang makita ako.
"Bakit gising ka pa?" Tanong nito.
"Can't sleep,"
He sat on a stool and watched me pour water on a glass. When I finished drinking, nakaisip ako ng pwedeng gawin.
"Make up-an kita!" I said happily.
"Ayaw! No no no!" Marahas nitong iling.
I pouted and looked at him with my cute eyes. "Please.. sige na!" Pagpapaawa ko pa.
Lumapit pa 'ko sa kaniya para makumbinsi siya. Wala siyang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at pumayag.
"Aray!"
Agad akong napaatras nang mahina niyang pitikin ang noo ko. Hindi naman siya malakas. Sadyang oa lang ako.
Ngumiti lang siya sa'kin na parang nang- aasar.
Inaya ko siya sa kwarto ko at pinaupo sa vanity table. Ang mga make up naman ay nakaayos na.
"'Wag ka kasing dumilat! Ang kulit mo naman, e!" Sita ko nang nasa eyeshadow part na.
"Ang diin mo magbrush! Baka tumalsik nalang bigla eyeballs ko niyan, madam!"
Magrereklamo pa sana siya kaso tinakpan ko ang bibig niya. Nang masigurong 'di na siya mag iingay, tinanggal ko na ang kamay ko.
"Baho ng kamay mo," puna nito.
"Nakikiamoy ka na nga lang, nagrereklamo ka pa."
He just rolled his eyes just like how he has done that for almost everyday.
Kahit taray tarayan ako niyan, ni hindi niya nagawang gumanti sa kung anong pang pipikon ang ginagawa ko. He'll just smile and pinch my nose sometimes. O 'di kaya nama'y pipitikin ako nang mahina sa noo. Pero hindi gano'n kasakit.
I smiled with the thought of that. He never hurt me physically. Kung masasaktan man, siguro accident na 'yon. Kapag nasaktan ako kahit sa biro niya, mag sosorry agad siya sa'kin at ititigil na ang pang aasar.
Sobrang swerte ni Sel na may gano'n siyang kapatid. How I wish na sana ako rin.

YOU ARE READING
Ruining Her Shoes
Roman d'amourLiliana Maily Arnherm wants a love she has read and seen in movies. A love that is worth fantasizing. Gusto niya ang mga bagay na nararanasan ng mga bida-ang mahalin at kilalanin siya nang buong buo nang walang kahirap hirap. "To be loved is to be...