9

2 1 0
                                    

To be someone's worth the risk.

Masaya siguro sa feeling 'yong tipong worth the risk ka sa taong minamahal ka. Wala lang. Nabasa ko lang sa wattpad.

I am in the middle of reading something nang may tumabi sa'kin.

"Lance, 'kaw na naman?"

He pinched my nose and smiled. "Wala kang choice.."

Hinayaan ko siyang tumabi sa'kin pero hindi niya ako ginulo. 8 PM na ngayon, ang oras kung saan inaya niya akong mag usap kami.

Hadlang pa nga no'n si Cai pero wala ring nagawa kung hindi ang payagan ako, e.

"So.. bakit gusto mo akong makausap? May problema ka?"

I heard him chuckle which made me stop reading. "Nanliligaw kasi ako.."

"Oh, tapos? Anong gagawin ko?" curious kong tanong.

"Kaso.. Mukhang hindi gusto ng kuya. O. P sa kapatid, e! Tatanong sana kita. Pa'no ko siya liligawan nang hindi ako inaayawan ng kuya niya?"

Tumawa naman ako nang malakas. Kita ko siyang ngumuso na para bang inaapi ko siya.

"Luh, tinawanan lang ako. Pero! Alam mo ba? Gusto ako ng mga magulang niya-'di ako assuming, ah! Sila mismo nagsabi. Kuya niya lang talaga 'yung problema kasi masyado pa raw bata si Madelein."

"Ilang taon na ba?"

Lalong lumukot ang mukha niya nang itanong ko 'yon.

"Magbebente na nga, e!" asik nito. "Kapag talaga may nanligaw sa kapatid ko, sa kanila ako gaganti. Ito ang ganti ng naapi." Tumawa pa siya na parang demonyo.

"Nakadroga ka ba? Para kang adik, e."

"Tsk! Tulungan mo na kasi ako!"

Tumawa ako sa kaniya. I didn't know how to help him! Mukha bang nanligaw o naligawan na 'ko?!

"Hayaan mo 'yung kuya niya. 'Di naman 'yon ang nililigawan mo." 'Yon nalang ang sinabi ko sa kaniya.

When we stopped talking, nagpaalam na ako. Bukas na rin kasi ang balik namin sa Manila. Nakakaisang linggo na rin ako rito sa probinsya, e.

Sinabi ko na rin kay Lance na uuwi na kami bukas kaya't 'di niya na ako makakausap. Sa susunod na bakasyon na ulit.

"Tagal mo,"

I looked at Caiden who only pouted. "Napatagal usap namin, e!"

He nodded but still has brows furrowed. Kita kong nag aayos na siya ng gamit niya at nagtira nalang ng susuotin para bukas.

"Ba't nga pala ikaw lang ang nandito? Sa'n sila Sel?"

"'Di ko sila pinasama! Tsaka may inaasikaso rin silang papers. Malapit na silang mag abroad, e."

Tumango naman ako. They're busy.

Hinayaan ko nalang siyang magligpit ng mga gamit. Inayos niya na rin ang akin para raw hindi ako magkanda ugaga kakaisip kung pa'no aayusin ang mga gamit ko. Tanghali pa naman ang alis namin kaya't inaya kami ni tita Mel na mag speed boat.

Kami kaming magpipinsan lang ang nag speedboat kasama si tita. Pero takot pa rin sila rito dahil ako at si Cai lang ang inaasikaso ni tita at kinakausap nang ngumingiti. I don't know if she hold grudges to them pero siguro dahil hindi naman niya ito masyadong nakakasundo.

Matapos 'yon ay kumain lang kami at umalis na. As usual, kay tita Mel ako sumabay dahil may sarili itong sasakyan. Ang iba kong mga pinsan ay nasa van na ipinahiram ni tita. Si nanay naman, kasama namin at natutulog sa likod. Si Cai ay may dalang sariling kotse kaya't nakasunod lang siya sa'min.

Si Beatrice at Keisha ay binalak na sa kaniya na sumabay pero hindi pumayag si Cai. Ang sabi niya, may iba pa itong pupuntahan. Tuloy ay ang lulungkot ng mga mukha nila.

"Gusto ko si Cai para sa'yo.."

"Po?"

"Ramdam kong maaasikaso at maaalagaan ka niya kagaya ng ginagawa ko sa inyo ni nanay."

Ngumiti lang ako kay tita.

"'Ta, ayon, oh! Gusto ko no'n!" Ani ko nang may makitang libro. Tumatawa naman siyang kinuha 'yon para sa'kin.

She decided to bring me to the mall for us to bond. Nagshoshopping tuloy kami ngayon. Kasama namin si nanay at nasa tabi niya ngayon ang personal assistant niya kuno.

The thing is.. tita is aligned to those successful people in our society. Hindi mainit ang mata ng tao sa kaniya kaya't malaya siyang nakakagala nang walang bodyguards. But this time, meron. May mga babae pa nga na tutulungan daw kami sa pagpili ng mga damit. Pinayagan din ni tita ang mga kasama namin na bumili ng mga gusto nila. Siya raw ang bahala sa bayarin.

Si Cai naman, tahimik lang na sumusunod sa'min at minsan ay pasimpleng naglalagay ng gamit sa cart na bitbit niya.

"Bagay sa'yo." Ani tita nang itapat sa'kin ang isang black halter dress. Pumili rin siya ng sapatos na ibabagay dito.

For Pete's sake! Nasa luxurious brand kami at parang wala lang kay tita ang ginagastos niya! She didn't even check pricetags dahil babayaran naman daw niya ito! My gosh!

"Oa ka. Ganyan ka rin naman kapag nagshoshopping kayo ni Sel. Wala ka ring pake sa pricetags." Bulong ni Cai nang mapansin na nakakunot ang noo ko dahil sunod sunod ang pagkuha ni tita ng mamahaling mga gamit.

Iba 'yon! I mean, same kami ni tita pero hehe..

Namili pa kami ng iba at nagbayad na. My auntie asked us where will we eat at napagdesisyonan naman naming lahat na doon nalang sa resto niya. Masarap naman ang mga pagkain do'n! Wala ring problema kay tita kung doon.

"Next week, magpapakain kami do'n sa mga bata. Sama ka, ah! Help me give them food and money."

I nodded and smiled. Tita always share her blessings to those who appreciates it. Parati siyang nagbibigay ng mga pagkain do'n sa mga batang malapit sa resto nila. 'Yung mga batang nakatira sa almost 'squatters area' raw. Ang iba sa mga magulang nito ay binigyan ni tita ng trabaho sa resto niya. Ang iba naman ay sa factory or 'di kaya'y kasama nila sa bahay.

Hindi ko alam kung bakit wala pang asawa si tita sa edad na 36. Maganda naman siya. Mabait. Matulungin. Mapagbigay. At higit sa lahat, hindi mapanumbat at kayang tumayo sa sariling paa. Hindi siya naasa sa iba.

Naging close kami ni tita dahil nang mapunta ako kina mama, siya parati ang kasama ko.

"Hmm.. sarap! Pwede ka nang mag asawa, 'ta!" asar ko rito ngunit sinimangutan lang ako.

Ruining Her ShoesWhere stories live. Discover now