14

1 0 0
                                    

To be who I really am.

Sa paglipas ng bawat oras at linggo, unti unti kong nakakasanayan na sila na ang pamilya ko. Sila na ang totoong dapat kasama ko.

At ako na 'yung totoong ako. This is my identity. And this is where I belong.

Kumatok ako sa k'warto nila mama. May gusto kasi akong ipakiusap sa kanila.

"Oh, anak? Why?" Bungad ni mama. Pinapasok niya ako sa k'warto nila.

"Ma? Pwede po bang ituloy ko ang course ko?" I asked. Tumigil na ako sa pag aaral simula nang makidnap ako. Tita Mel also helped me to explain it to my friends and also to my professor. I am considered dropped out.

Nagkatinginan sila ni papa pero sumang ayon pa rin.

"Sige.." Sang ayon ni mama. She also said that I will take homeschooling until I am ready to study in a university. Ibang university naman ang inaalok nila at malayo ito sa lugar kung saan ako nag aaral.

Ngumiti ako nang malapad bago sila niyakap. "Thank you po!"

Umalis na rin ako sa k'warto nila para magpahinga.

Kinabukasan, si Lancer naman ang kinulit ko.

"Sige na kasi, Lance! Please?"

"Bakit ba hindi mo ako tinatawag na kuya?" anito, hindi pinapansin ang pagmamakaawa ko.

"Hindi kasi ako sanay! Tsaka, dali na kasi! Bibili lang naman tayo ng libro.."

Because of conscience, he agreed.

Nagtanong kasi ako kung pwede niya akong samahan bumili ng libro since lahat ng libro ko, naiwan sa bahay nila Caiden. Hindi ko naman pwedeng puntahan dahil lagot kami kay lolo kapag nalaman niya.

"Ate.." Napalingon ako kay Lianne nang hawakan niya ang dulo ng manggas ko. "Tama.."

I smiled at her. Ang cute niya! "It's 'Sama', baby.. Pero let's go!"

Agad ko siyang binitbit para isama sa amin. I learned that she's only 3. Kakathree niya lang no'ng February.

Lancer has a sad face when he sees me bringing Lianne with me. Para bang kunsume kami sa buhay niya kapag magkasama kami.

Nagpaalam naman kami kina mama. They agreed but of course, we need a bodyguard with us.

"Pangit mo. Nasusura talaga ako sa pagmumuka mo this past few days." ani ko nang titigan si Lance.

Inirapan naman ako nito. Same habit with Cai.

Hayss.. Miss ko na siya..

"Inaano ba kita? Nung nakaraan, gigil na gigil ka sa'kin.. Ngayon, nasusura ka? Seriously, are you taking drugs?"

"Tanga! Nakakairita ka lang talaga!"

He tsked when he heard my excuse.

Nung isang linggo, gigil na gigil ako sa kaniya. Sa tuwing nakikita ko siya, gusto ko siyang kagatin o kurutin. Bakas pa nga ang pasa sa braso niya dahil sa kagat ko. Ngayon naman, iritang irita ako sa kaniya. Para bang lagi niyang pinepeste ang buhay ko.

"Panit?" Lance and I both glance at Lianne when she spoke. Agad akong tumawa dahil do'n.

"It's 'Pangit'. Siya 'yung pangit, baby.." Tinuro ko pa si Lance para maging visual aids.

Tumango tango naman 'yung bata na para bang naintindihan niya. "Kuya.. Panit 'kaw?"

Ako na ang sumagot para kay Lance dahil hindi na siya natutuwa. "Yes, baby. He's pangit.."

"Lilian!"

"What!? Are you shouting at me!?" Sigaw ko pabalik. Hindi naman gaano kalakas dahil baka gayahin ng bata.

Umiling siya agad, parang natalo ng sanlibutan. "No.."

I laughed together with Lianne who's also laughing at the backseat.

"Eto, I want this. Eto rin. Also this!" Turo ko.

Lancer pouted and eyed me. "Babasahin mo ba lahat 'yan? Tibay naman ng mata mo.."

Nakakasampung libro na kasi ako. Tahimik lang din na sumusunod sa'min si Lianne at ang mga bodyguards naman ay nakakalat.

I stopped when Lianne ran away. Itinigil ko tuloy ang pagpili ng libro at inabot ito kay Lance. Wala naman siyang ginawa kung hindi ang bitbitin ito.

Pakiramdam ko ay nagsisisi na siyang ako ang kapatid niya. Kaya siguro hindi niya sinasabi sa'kin nung mga panahong nagkakasama kami sa probinsya. Dahil siguro na foreshadow niya nang hindi masaya ang maging kapatid ako dahil uutos utusan ko lang siya. Well, tama naman.

I chuckled when I saw how he keeps on holding the books I made him carry. Kinuha ko muna siya ng cart para naman hindi siya magreklamong masyado ko siyang kinakawawa.

"Thanks, ah. Nag abala ka pa. Isang oras ko nang bitbit 'yung mga libro tapos ngayon mo lang ako inalok ng cart." Sarkastiko nitong sabi.

I smiled widely. "You're welcome,"

"Tsk! Sige na, hanapin na natin si Lianne dito sa bookstore na 'to. Panigurado namang may isang bodyguard siyang kasama,"

After I nodded, hinanap na namin siya. Sa dami ng aisle dito, magtatagal kami. Good thing we saw the shelf where all the coloring books were placed.

We are so sure that she's just here finding a new coloring book she will use. Naghiwalay kami ni Lance para mas mabilis naming makita si Lianne. Masyadong maraming aisle ng mga pambatang mga gamit ang nandito kaya't lalo kaming matatagalan kung magkasama kaming maghahanap.

"Lianne? Baby, where are you?" Mahina kong tanong, nagbabakasakaling lilitaw siya sa harap ko.

When I reached the shelves for coloring books, agad kong sinilip ang bawat shelves.

I stopped when I saw a tiny figure trying to reach for the barbie coloring book she was eyeing. Napangiti ako nang malapad dahil do'n. Pinagtitinginan na rin siya ng ibang tao dahil ang cute niyang tignan.

Kita kong tutulungan na sana siya nung bodyguard niya nang may isang pamilyar na pigura ng lalaki ang lumapit kay Lianne.

Lianne curiously eyed the guy when he reached for the book she was trying to reach. Kinuha ng lalaki ang gustong coloring book ni Lianne at lumuhod sa harap nito.

Matagal na tinitigan ng lalaki ang bata na para bang nakikilala niya ito.

"Hi.. What's your name, little girl?" The guy asked, curious.

Lianne scrunched her nose, just like what she did when I first saw her, and smiled widely at the person talking to him.

"Hi! I'm Lianne.." Pakilala nito. She even waved her tiny hands.

Bago pa sila magtagal, lumapit na ako. Ni hindi ko tinitignan si Cai dahil sa hiya. Halos tatlong buwan din akong nawala!

"Lianne, baby, let's go.." Aya ko.

"But.."

"No buts, baby. Tara na.." I said.

Kita ko ang kuryosong mga tingin ni Caiden. He stared at me darkly as if I did something horrible to him!

Magsasalita na sana siya nang biglang sumulpot si Lancer na may hawak pa ring cart.

Umakbay siya sa'kin bago nagsalita. Kita ko pa ang masamang tingin ni Caiden sa mga kamay ni Lance sa balikat ko.

"Hey, let's go home.. Too much stuff na." Humiwalay siya sa pagkakaakbay sa'kin at binuhat naman si Lianne. "Time to go home, baby.."

I glanced at Caiden apologeticly.

"We have to go.." Ani at dali daling sumunod kay Lancer na nagbabayad na.

Ruining Her ShoesWhere stories live. Discover now