16

1 0 0
                                    

To have a life where everything's not unfair.

Gusto ko lang ng buhay na payapa. 'Yung tipong walang sisira ng buhay ko. 'Yung ako lang din makakasira ng mga binubuo ko para sa sarili ko.

Still contemplating on what's my social status and where I belong, I decided to meet Caiden. Lancer gave me a whole month for me to realize I was self sabotaging.

Ako nalang din ang nagiging unfair sa sarili ko at sa iba.

"Go talk to him. I'll help you," sabi nito.

Confusion was written all over my face when I asked him how. "Paano? For sure na magagalit si Lolo kapag nakita niya akong involve sa mga Caoimhe. You know he hold grudges."

He laughed and gave me an invitation card for a party that will be held next month. Ba't ang aga ng invitation? Mga 5 weeks from now pa 'to, e!

"That party will be a huge celebration for us, higher social status. I don't know what will happen there but I'm sure that our family will be mentioned as the highest rank in our society. Lolo can't decline that. He claims every victory for our social status." Paliwanag nito.

Still confused, I manage to understand what he said. "So.. What are you pertaining? So, what if aattend si Lolo or tayo?"

Tinaasan niya ako ng kilay na para bang nagbibiro ako.

"Don't you get it? Such a dummy," pang aalaska nito kaya't sinamaan ko siya ng tingin. "Kidding.. That party.. will be your chance to talk to him. You do know that Caoimhe was second on the list of high ranks in our society, right? Pumapangalawa sila sa'tin."

Nanlaki ang mata ko nang marealize ito. "That makes them Lolo's rival. Pero may personal grudge rin ang Lolo mo."

Parehas kaming natawa ro'n. Obviously, may ibang pinaghuhugutan ang galit ni lolo sa kanila.

Six miss calls. 'Yan ang nangyari bago sagutin ni Lancer ang tawag ko.

"What?" Masungit na ani sa kabilang linya.

Inismiran ko naman ito. "Help me find something to wear. Natutuliro na ako kakahanap ng susuotin!"

I heard him chuckle which made me almost cry.

"Dali na! Naiiyak na 'ko!"

"Okay, okay!"

'Di rin nagtagal ay dumating na siya. He helped me pick a dress that I would wear for tomorrow's big event. Nagsukat ako nang nagsukat ng long dresses pero wala ro'n ang nagustuhan niya. Hindi raw bagay sa'kin.

The black backless silk dress made me look at it. Ang ganda niya. I decided to try to check if it suits me. When I showed it to Lance, he smiled and nodded making me jump because of his approval.

He was never conservative kaya't hinahayaan niya ako sa kung ano ang susuotin ko. My family also doesn't care of what I wear as long as I am comfortable and I am not degrading someone because of it.

Bumili rin kami ng ibang gamit like accessories, sandals, make up, perfume, and a bag. Those are what I need that I don't have. Nasa bahay nila Caiden ang lahat ng gamit ko. Even my credit cards, phone, and my dog!

Mama gave me a black card when they show themselves as my parents. Ibinigay nila sa'kin the day after namin mag iyakan dahil napagtantong kasama na nila ako.

"Take this. We made sure you have your own credit cards for you to have the life you deserve. Ang credit card na ibinigay sa'yo nila Maria ay nilalagyan ko ng pera. Spoil yourself. I'm sorry I can't spoil you when you were a kid back then.." Inabot niya sa'kin ang black card at isang normal card.

After almost 3 hours of shopping, Lancer decided that we should at least eat. Panay siya reklamo na pagod na siya habang nag oorder kami.

He asked one of our bodyguard to put those paper bags inside the car. Para raw wala na siyang bitbit.

"Hey, wake up. Pagkatapos mong pagurin ako sa pagshoshopping mo, malalate ka ng gising?"

"Ano ba! Ang aga pa, Lancer, tigilan mo nga ako," reklamo ko, nagtakip la ng unan sa mukha.

Dinig ko naman siyang napasinghap. "Excuse me? Maaga kitang ginigising dahil may mga aasikasuhin pa po tayo.. Atsaka! 10 AM na kaya! Late ka na naman kasing nagising."

Agad akong napabangon na siyang pinagsisihan ko. Nauntog kasi ako sa baba ni Lancer! Parehas kaming dumadaing nang dumating si mama.

"You two, stop blabbering and do what you need to do! Almost 2 hours ang byahe papunta ro'n sa venue." sabi ni mama at umalis na.

Inutusan kami ni lolo na mag ayos ng gift para raw do'n sa nagheld ng celebration. Isang oras din ang inabot namin do'n.

Kumain muna kami bago nagsigayak. Mga alas dos na kami nakaalis dahil natagalan sa pag aayos si mama.

Natraffic pa kami dahil sa maling daan kami napadaan! May shortcut naman kaso nakalimutan nila kung saan.

Puro kaba lang ang nararamdaman ko sa buong byahe.

Kaba na baka hindi ko siya makausap.

'Yung kaba na para bang may isang parte sa'kin ang mawawala ngayon.

Hindi ko na alam! 'Pag talaga sa overthinking, palong palo ang utak ko, e! Nung nag online class ako, ni isa waang napasok sa utak ko.

"Pst, you okay?" Lancer asked. Katabi ko siya ngayon. He looks good in tuxedo.

Tumango lang ako sa kaniya. Kinakabahan ako, okay!?

We arrived 30 minutes late dahil sa pesteng traffic na 'yan! 4 PM ang start ng ceremony pero dahil late na kami at halos hindi a kumpleto, 5 PM na magsisimula.

Nang makapasok sa venue, inilibot ko ang tingin sa lahat ng nandoon. Mukhang wala pa ang hinihintay ko. Siguro ay mamaya pa 'yon.

May nag assist sa'min kung saan kami uupo kaya sumunod nalang kami sa kaniya. Buhat buhat din ni Papa si Lianne dahil inaantok pa ito.

The ceremony will almost start yet I don't sense their presence. I don't even know where they are!

"Looking for him?" Lancer asked. Tumango naman ako sa kaniya. Taka akong napatingin nang bigla siyang tumitig sa may entrance.

Lumingon din ako. Tuloy ay nakita ko si Caiden kasama ang mga kapatid niya. Wala si Selene. Kasama rin nila ang mga magulang nila.

Kita kong nililibot ni Caiden ang paningin niya nang biglang magtama ang mga mata namin.

Ang tagal na pero ang lalim niya pa rin tumingin. Iniwas ko ang paningin sa kaniya dahil sa hiya. Ibinalik ko rin 'to para sana tignan kung saan sila pepwesto pero nagulat ako nang nakatingin pa rin siya sa'kin. This time, I saw how her lips suddenly flashed a small smile that makes him look attractive wearing that tuxedo of him.

I was mesmerized but then understood what he was mouthing.

"Let's talk," He mouthed without making any noise and without anyone noticing. Tumango lang ako sa kaniya.

Ruining Her ShoesWhere stories live. Discover now