Chapter 1 :

645 35 7
                                    

Roni's POV

I think this is the right time, para umuwi na sa totoong bahay ko. Kung saan talaga ako nakatira, gusto ko na makasama ang family ko. Nami-miss ko na sila Mama, Papa at Kuya.

Sapat na yung four years na tumira ako sa puder ng grandparents ko. Maka-lola kasi ako, nung bumisita sila sa bahay 4 years ago nagpasiya ako na sumama sa kanila pag-alis nila. Simula nun hindi na ako nakakauwi at hindi ko na ulit nakita sa personal sila mama.

In 4 years, hindi ako makapaniwala na nakaya kong puro bahay at school lang ako. Kahit summer break, hindi ako nauwi. Mabuti nalang talaga mahilig ako sa libro, kaya isa sa pagbabasa ang pinagkakaabalahan ko.

Minsan lang din ako sumama kina tatay pag gusto nila mag shopping o kumain sa labas. Madalas nagpapaiwan ako, pero pag usapang pamamalengke nasama ako. Gusto ko kasi matuto kung paano mamalengke at tumingin ng mga magagandang karne at gulay. At ayon natutunan ko naman siya.

Nakaupo ako ngayon dito sa terrace, naglalaro sa isip ko ang mga alalala namin nila mama.
Lalo na tuwing Sunday na sabay-sabay kaming kumakain ng lunch at nagc-church naman tuwing hapon. Si Kuya naman, kahit minsan ay mahirap pakisamahan dahil sa kanyang kakulitan, ay miss ko na rin. Miss ko na rin yung pag-aasaran namin na lagi namang nauuwi sa tawanan at pagbabati sa huli.

Napansin kong lumalim ang iniisip ko nang lapitan ako ni Nanay Beng. Napabuntong-hininga din ako ng malalim.

Nanay Beng: Ang lalim ng iniisip mo, apo.

Roni: Nay, magagalit po ba kayo kung uuwi na ako sa amin?

Natahimik siya at ang layo ng tingin. Alam kong malulungkot silang dalawa ni Tatay Pert pag umalis na ako. Everyday kami ang magkasama, tumutulong ako sa kanila basta't kaya ko. Wala na din silang gigisingin ng maaga. Kaya alam ko maninibago talaga sila.

Nanay Beng: Ayaw mo na ba dito? Kung anong desisyon mo apo, iyon ang masusunod.

Roni: Hindi naman po sa ganun.

Dumating din si Tatay Pert at narinig ang aming pag-uusap.

Tatay Pert: Tama ang nanay mo, hindi pwedeng kami ang magdesisyon. Kung gusto mo na umuwi para makasama mo na ang mga magulang mo at ang kapatid mo, papayagan ka namin.

Roni: I miss them, hindi po sapat na nakakausap ko lang sila through phone. Gusto ko sila makasama, halos wala na akong alam sa mga nangyayari sa kanila.

Nanay Beng: Ito kasing anak namin, ang mama mo hindi magawang umuwi o bumisita manlang dito. Sobrang busy sa business e, hindi naman tayo magugutom pag panandaliang iiwan ang resto.

Tama si nanay, hindi naman kasi kami mahirap kagaya ng iba. Kahit papano may kaya kami, pero sila mama at papa grabe sila magtrabaho parang wala ng bukas.

Hindi ba nila ako namimiss?

Kahit nung graduation ko ng junior high, wala sila. Nakakapagtampo sa totoo lang, pero wala na akong magagawa. Nangyari na e, tinanggap ko nalang.

I know my grandparents understand me, lalo na sila ang magulang ni mama. Ganito din kasi si mama nung bata siya. Kaya sigurado ako na ramdam nilang nangungulila na ako.

Nagpasiya akong pumunta sa kwarto ko upang mag-isip-isip. Habang nakahiga, I'm thinking kung ano ang magiging buhay ko sa aming bahay. Paano na kaya ang mga nakasanayan ko dito kina Nanay at Tatay? Higit sa lahat, iniisip ko kung ano na ang kalagayan nila Mama, Papa, at Kuya. Marami na bang nagbago?

Sa mga sumunod na araw, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba at excitement sa desisyong uuwi na ako. I started packing my things, nilagay ko lang yung mga importante. Habang nag-aayos, hindi ko maiwasang maluha sa mga alaala ko dito sa bahay nila Tatay at Nanay. Marami akong natutunan sa kanila at hinding-hindi ko makakalimutan ang pagmamahal at pag-aaruga nila sa akin.

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now