Chapter 6:

338 34 4
                                    


Borj's POV

Ang ganda ng gising ko kanina kaya maganda ang araw ko. Ang gaan sa pakiramdam parang walang problema.

May balak palang outing ang family nila Yuan ngayon. Tinanong namin kung pwede kaming sumama, pwede naman daw basta magpapaalam kami ng maayos sa parents namin.

Nakailang pilit pa ako kay lola bago niya ako payagan, ngayon lang kasi ulit ako lalayo na hindi sila kasama. Nag-aalala din sila saakin, lalo na tahimik lang ako hindi ako nagku-kwento sakanila.

Hanggang ngayon wala pa din ako balak sabihin sakanila kung ano ang totoong nangyari. Mas okay na 'yon, para hindi na sila nag-iisip ng kung anu-ano. Ina-assure ko naman sila na ayos na ako. Pinapakita ko na everyday nagiging okay ako.

Nag-aayos na ako ng mga dadalhin kong damit. Sinabi kasi ni tita Marite, magdala kami ng good for one week na magagamit namin. Hindi pa kasi sure kung hanggang kailan kami sa beach, mas okay na yung sure na may maisusuot ako.

Naghanap ako ng damit na maaayos at kasiya sakin at pati na din sa barkada. Para incase na kailanganin may maipapahiram ako sakanila.

Lola Seling: Apo, dalian mo diyan. Hahatid ka namin doon.

Borj: Opo, patapos na po 'to.

Lola Seling: Yung mga importante lang ang dalhin mo, pati yung emergency kit.

Borj: Nalagay ko na po.

Inaya ko na sila na pumunta kina Yuan. Medyo malaki ang bag ko dahil sa mga dinala kong gamit ko, hindi ko naman 'to poproblemahin dahil may sasakyan naman.

Natanaw ko agad ang barkada, nag-uusap sila sa labas ng bahay nila Yuan.

Junjun: Oy Borj!

Jelai: Magandang umaga po Lola at Lolo.

Roni: Good morning po!

Nagmano ang barkada sa grandparents ko.

Lolo Miyong: Halatang mga excited kayo, pinayagan ba talaga kayo?

All: Opo!

Lola Seling: Nasan ang mommy niyo Roni?

Roni: Nasa loob po, inaayos lang po yung mga dadalhing pagkain. Pasok po kayo sa loob.

Lola Seling: Sige maiwan muna namin kayo, kakausapin lang namin sila sa loob.

Borj: Hi Roni!

Roni: H-hi, gusto mo ibaba mo muna yang bag mo. Mukhang mabigat e.

Borj: Mabigat talaga siya hahaha, nakabukas naba yung van?

Roni: Yup, nandoon na din yung mga gamit nila. Tara samahan kita.

Jelai: La~la~la

Hindi ko siya nakita kanina nung unang punta ko dito, kaya ngayon ko lang siya binati. Naglaro kasi kami ni Yuan ng basketball kanina, masyado pang maaga kanina kaya nalaman ko na tulog pa siya.

Sinamahan niya ako na ilagay ang bag ko sa likod ng van, puro bag namin ang nakalagay. Hindi lang pala ako ang malaki ang bag, halos lahat kami.

Roni: Kumusta ka?

Borj: Okay lang naman. Dalawang araw din pala tayong hindi nagkita, saan ba kayo nagpunta ni Jelai?

Roni: Girls gala kasama namin si Missy.

Borj: Ah yung kikay na babae?

Roni: Kikay?

Borj: Oo hahaha, crush yon ng kuya mo e.

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now