Chapter 11:

416 37 11
                                    


Roni's POV

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react, I saw borj kasama si Jane. Ilang araw lang kaming hindi nagkita, biglang makikita ko na magkasama sila. Sana pala hindi nalang ako pumunta sa park.

Ang saya pa nila nung nakita ko sila, hindi ko alam kung nakita nila. Nagtago agad ako nang makita ko sila, hindi ko din narinig ang pinag-uusapan nila. Masaya sila at nagtatawanan.

Parang walang nangyari ah, parang walang break up na nangyari last month. Healed na ba sila para mag-usap sila at magtawanan? I know wala pa din akong karapatan, nakakaramdam tuloy ako ng inis ngayon.

Wala kang karapatan self.

Dapat ba mainis ako kay borj? Sa araw-araw pinapaalam ko sakaniya, lahat ng ginagawa ko at nangyayari saakin. Halos lahat alam niya, lalo na pagdating sa mga bagay na kailangan niya malaman.

Inaassure niya ako na wala dapat akong ika-bahala pero ano 'yung nakita ko? Bakit wala siyang sinabi saakin? Bakit sila magkasama? Bakit sila nagtatawanan?

Puro nalang ba katanungan ang tatakbo sa isipan ko?

Ayon ba yung assurance na gusto niyang ibigay saakin? Sa una lang consistent ganun? Ano 'to ang ending puro pag ooverthink ang gagawin ko?

Valid pa ba tong nararamdaman ko? Wala akong karapatan, wala ako sa lugar. Hindi siya nanliligaw. Mas lalong walang kami.

Alam ko na napag-usapan namin na dapat hindi namin madaliin, pero ayoko naman dumating sa point na aabot sa ganito na nag-ooverthink na ako. Ayoko dumating sa puntong may mixed signals na. Mahirap 'yon, sobrang hirap.

Babae ako e, ako yung binibigyan ng assurance kaya nag-eexpect ako na okay lang lahat.

Ako lang yung gusto niya.

Ngayon, iniisip ko kung may patutunguhan paba 'to lahat. Feeling ko niloloko ako ni borj, kahit wala pang kami. Feeling ko lahat ng mga sinabi niya at pinaramdam niya saakin lahat 'yon kasinungalingan nalang.

I can't blame myself, kung ganito na ako mag-isip ngayon. Nasasaktan ako e. Kahit mag-update manlang sana siya, pero wala.
Nandoon na kami sa point na walang kami, pero tama ba 'yung nakikipag-usap pa siya sa ex-girlfriend niya.

Sa tutuusin nga, parang ako na yung present niya e. Kulang nalang talaga manligaw siya at sasagutin ko siya. Nakakainis naman kasi yang three months rule na 'yan!

Yes, alam ko na ang plano niya. Para saakin naman daw 'yon, which is naiintindihan ko. Mahirap pala, parang ako lang yung nag-aantay na matapos yung three months after their break up hahaha.

Ito yung ayoko, sobra akong nag-ooverthink. Hindi ko muna ipapaalam sakaniya na nakita ko sila, hihintayin ko na siya mismo ang mag open sa'kin. Titignan ko kung sasabihin ba niya agad o papatagalin pa niya.

Willing naman ako makinig ng explanation, basta wag niya lang patagalin. Nauubos din ang pasensiya ko, lalo na pag ganito yung nararamdaman ko. Ayoko na ng basta assurance, gusto ko idaan sa kilos. Ayoko na ng puro salita, madali lang magsalita e.

First time ko 'to e, hindi naman ako basta-basta nagkakagusto.

Hindi ko alam kung paano ako haharap sakaniya at aaktong walang nakita. Last week pa nagstart ang klase namin, araw-araw pa naman sabay kami napasok. Parehas lang naman kasi ang oras ng pasok at uwian namin.

Kuya Yuan: Sister, nandito si Borj hinahanap ka.

Hindi ako sumagot sa kaniya, ayoko muna makaharap si borj.

Kuya Yuan: Roni! Tulog kaba?

Hindi pa din ako nagsalita, pagka ganiyan naman ay alam niyang hindi ako gising o kaya ayokong lumabas. Nag-antay pa ako kung kakatok pa siya, pero wala na.

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now