Chapter 14:

377 41 5
                                    

Borj's POV

Nagising ako dahil sa katok ni Lola. Alas singko na agad. Ang haba pala ng tulog ko, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Gulo-gulo ang buhok ko at maga ang mata ko.

Nahihiya ako humarap kila Lola pero wala naman akong magagawa, makikita pa din naman nila ang ganitong itsura ko.

Borj: Bakit po La?

Lola Seling: Dumaan dito kanina ang tita Marite mo, may pinapabigay daw anak niya. Inabot sa'kin lasagna, para sa'yo daw, may kasama nga ding cookies.

Si Roni kaya yung tinutukoy ni tita Marite?

Baka si Yuan? Pero impossible.

Borj: Nasan po?

Lola Seling: Nasa kusina, kung gusto mo kumain bumaba ka...apo, ayos ka lang ba?

Borj: May problema lang po, pero naayos ko naman po.

Lola Seling: Huwag kang mahihiya magsabi saamin ng lolo mo, sige na bumaba kana para makain mo na 'yon habang mainit pa.

Borj: Susunod po ako.

Inisip ko lahat ng mga nangyari kanina, kung paano ko hilahin si Roni nang makita kong hahalikan siya sa pisngi ni Basty. Parang nagdilim ang paningin ko, sobra yung selos na naramdaman ko that time.

Nasigawan ko si Roni...hindi ko nakontrol. Hindi ko naman 'yon sinasadya, sobrang lala lang talaga ng emosyon ko. Idagdag pa na masakit na ang ulo ko, dahil hindi talaga ako nakatulog kagabi.

Naghalo-halo na lahat, hindi ko na maintindihan kanina. Basta ang alam ko lang, gusto ko maging okay kami. Hindi ko na nga din napigilang umiyak sa harapan ng barkada, nakakahiya siya kung iisipin pero alam ko naman na normal lang 'yon. Lahat naman nakakaranas umiyak.

Mas lalong hindi ko inaasahan na napatawad na ako ni Roni..napatawad na ako ng prinsesa ko. Pumayag na din siya na mag-usap kami.

Kanina pagkagising ko, medyo natuwa ako dahil hawak niya ang kamay ko. Kahit papano alam kong may chance na magkaayos kami, susundin ko kung anong sinabi niya kanina.

Haharap ako sakaniya at sakanila ng maayos. Hindi ko alam kung bukas kaya ko na pero susubukan ko. Ayoko ng patagalin pa, gustong-gusto ko na makasama siya ulit kagaya dati.

Maipapaliwanag ko na lahat ng nangyari, alam kong maiintindihan niya ako.

Bumaba na ako para makakain na ako, hindi naman ako nakakaramdam ng gutom kaya hindi ko naubos. Dinala ko nalang din dito sa kwarto ko yung mga cookies, incase na magutom ako may makakain ako.

Chineck ko na din lahat ng social media accounts ko, kung naka unblock na ako kay Roni..may isang salita siya. Sobrang saya ko, pwede ko na ulit siyang i-chat, text at tawagan.

Hindi ko muna siya kukulitin, pero mag-iiwan ako ng message.

[ Borj: Thank you Ronalisa, especially sa foods. ]

Online siya, sineen niya lang ako. Okay lang sa'kin 'yon, atleast ramdam ko na nandiyan siya at nag-aalala pa din siya.

May Chance pa...

____

Mabilis lang lumipas ang oras, siguro sa kakulangan ko ng tulog sa ilang araw kaya kagabi mabilis lang din ako nakatulog. Hindi na masakit ang ulo ko, ang gaan sa pakiramdam ng pag gising ko kanina.

Nakaligo at nakapag-almusal na ako. Nagchat na din ako sa groupchat namin, kung free sila today. Wala pang nagseseen, siguro mga tulog pa sila.

Ronalisa gusto na kita makita ulit.

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now