Chapter 17:

326 30 2
                                    


Roni's POV

Ito na ang hinihintay namin, this is the right time para mag-enjoy na buo ulit kaming barkada. Hindi namin inisip ni Borj na porket monthsary namin, kami lang ang lalabas at magse-celebrate.

See you Tagaytay!

Ready na kami lahat at nandito na kami sa van. Si Tonsy ang driver at tinabihan naman siya ni kuya at Missy sa harapan. Ang luwang nitong van, sa dulo kami umupo ni Borj. Nasa harapan naman namin si Jelai at Junjun.

Roni: Ilang oras kaya biyahin natin love?

Borj: Siguro mga halos dalawang oras. Depende po kung traffic.

Roni: Woah edi mabilis lang pala.

Borj: Nakatulog kaba ng maayos kagabi?

Roni: Hindi hahaha, excited e.

Borj: Aba, baka kulangin energy mo mamaya. Balikan pa naman tayo, uwi natin siguro mga gabi na.

Roni: Kayang-kaya ko 'yan.

Hindi ako mawawalan ng energy, love!

Monthsary namin ngayon. Kaya susulitin ko bawat oras. Sayang naman kung hindi diba? Minsan lang 'to.

Borj smiles at me, inabot niya ang kamay ko. Nakikinig kami sa mga pinag-uusapan ng barkada.

Missy: Uy, ready na ba kayo sa itinerary natin? Sobrang dami nating gagawin!

Kuya Yuan: Ano ba unang stop natin?

Tonsy: Siyempre, Breakfast sa Bag of Beans! Classic na yan. Then, punta tayo sa mga attractions. May picnic tayo mamaya sa People's Park in the Sky!

Jelai: Saktong-sakto, gutom na ako. Ano nga ulit order mo, Junjun?

Junjun: Syempre yung classic na tapa, tsaka hot chocolate. Ikaw, Je?

Jelai: Ako din! Alam mo naman kung ano mga gusto ko no hahaha.

Roni: Ang sarap ng hot chocolate doon, base lang sa mga nakikita ko at reviews sa facebook.

Borj: Oo nga, tapos may marshmallow pa. Perfect combination!

Roni: I-try natin 'yon, love.

Borj: Oo naman, hindi natin papalagpasin 'yon.

Nandito na kami sa Bag of Bean, nakahanap kami ng table na makikita ang magandang view, gusto kasi namin kitabtalaga ang Taal Volcano. Nagsimula na din silang mag-order, as usual taga hintay lang ako ng pagkain.

Waiter: Good morning po! Ready na po ba kayo mag-order?

Missy: Yes! Ako po, Tapsilog at hot chocolate.

Kuya Yuan: Sa akin po, Pancakes at brewed coffee.

Jelai: Tapsilog din at hot chocolate.

Junjun: Tapsilog din po ako, with extra garlic rice, please.

Borj: Ako naman po, Longsilog at tsokolate ah, yung may marshmallow.

Roni: Gusto ko po sana yung pasta nila na carbonara at isang hot chocolate din.

Tonsy: Ako rin, Tapsilog na lang at brewed coffee.

Umalis na yung waiter para magprepare ng mga orders namin. Nakaka-enjoy naman dito, ang ganda talaga ng ambiance. Idagdag pa na sila ang kasama ko.

Perfect talaga 'tong pwesto namin!

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now