W-18Roni's POV
Two days na since nakarating kami dito sa Nueva Ecija. Nakikita ko na sobra namang nag-eenjoy ang barkada. Mabuti nalang talaga lahat ay pinayagan. Two weeks lang naman kami dito, tsaka may tiwala naman ang parents nila kina mama at papa.
Tuwang-tuwa nga sina nanay, dahil madaming tao ngayon dito sa kanila. Bihira lang talaga yung ganito. Kaya nung nalaman nila na pupunta kami, inihanda nila ang kwarto na pwede naming tulugan.
May naging kwarto ako dito noon, kaya kaming girls ay pwede naman magkakasama sa pagtulog. Sa boys naman ay may pu-pwestuhan din sila.
Nanay Beng: Apo, tignan mo ang nobyo mo. Panay tingin sa'yo, halatang mahal na mahal ka.
Roni: Paano niyo po nasabi na mahal na mahal niya ako?
Nanay Beng: Ganiyan din ang papa mo noon, napansin namin ng Tatay Pert mo. Ibig sabihin ayaw niyang nawawala ka sa paningin niya.
Panay tingin at malikot ang mata. Hinahanap-hanap ka kung saan ka nakapwesto. Unang kita ko palang sakaniya noon, alam kong magugustuhan ka niya.
Roni: Talaga po Nay? Pero hindi pa kami ganun ka-close non e.
Nanay Beng: Ang mga lalaki mabilis mahulog ang loob sa mga babaeng may pake sakanila. Alam kong naging malaki ang parte mo sa buhay niya, noon pa man, una pa lang.
Ikaw naman apo e...mabait kang bata. Pagdating sa taong malapit sa'yo, lagi mo silang kinakamusta at pinapa-halagahan.
Roni: Tama po kayo Nay. Sinabi naman po niya saakin noon na isa sa dahilan ay kung paano ko siya bigyan ng pansin at kung paano ako mag-alala sakaniya. Aware naman po ako sa ganung bagay.
Nanay Beng: Wag niyo na pakawalan ang isa't isa. Kung pwede lang na pag naka graduate kayo, magpakasal na agad kayo, gawin niyo.
Roni: Ayos lang po sainyo yung ganun? Hindi po ba masyadong mabilis? Ilang taon palang po kami.
Nanay Beng: Wala sa edad 'yan. Kung mahal mo bakit mo pa papatagalin? Nasa tamang edad na kayo, alam niyo na kung tama ba ang gagawin niyo.
Kung mahal mo apo, hindi na pinapatagal pa. Hindi na rason ngayon yung mga nasa isip mo. Walang hahadlang sainyo maniwala ka sa'kin.
Roni: Baka hindi po pumayag sila mama.
Nanay Beng: Kailan ba tumutol ang mga magulang mo?
Roni: Suportado po nila kami.
Nanay Beng: Ayon ang sinasabi ko, walang hahadlang. Dumaan din naman ang mama at papa mo sa ganiyan... Syempre apo, nasa inyo pa din ang desisyon.
Roni: Malalaman nalang po, sa tamang panahon. Wala pa nga po akong singsing e! Hahaha
Nanay Beng: Ikaw talagang bata ka, lapitan mo na siya doon. Mukhang nahihiya lang lumapit sayo dahil nandito ako.
Roni: Sige po Nay!
Borj: Hi love, ang lawak ng ngiti mo ah.
Roni: Panay tingin kasi sa'kin yung isa diyan.
Borj: Ganda mo kase e! Pakiss nga!
Roni: Borj! Hahaha
Ang kulit talaga, humalik siya sa pisngi ko at noo. Yumakap naman ako sakaniya, ganito yung pakiramdam na gusto ko.
Roni: May pupuntahan tayo mamaya, birthday ng anak ng kaibigan ni mama. Diyan lang naman, hindi naman siya kalayuan.
Borj: Okay sama tayo.
YOU ARE READING
Ikaw At Ako [Completed]
FanfictionAnother boni story! "Madaming iba diyan, tigilan mo na ako" - Roni ©All Rights Reserved