Chapter 5:

343 37 8
                                    


Roni's POV

Hawak pa rin ni Borj ang kamay ko kahit na hindi natuloy ang pag-alis namin. Ang epal talaga nitong Jane na 'to.

Lumingon ako sa pwesto ni Jane, nakita ko na papalapit siya sa pwesto namin. Kaya ako na ang humila kay Borj papalayo. Pero makapal talaga ang mukha ni Jane, kaya hinabol niya kami hanggang sa humarang siya sa dinadanaan namin.

Nakatingin lang ang barkada saamin, naghihintay kung anong susunod na mangyayari. Kilala naman nila ako, hindi naman ako papayag na paganto-ganto nalang 'tong babaeng nakaharang sa harapan namin ngayon.

Roni: Excuse us, ang laki mo namang harang.

Jane: What? Sino ka ba ha? Pwede ba bitawan mo yang kamay ni Borj.

Roni: Asa namang susunod ako sa'yo, kaya kung ako sayo umalis-alis kana. Makautos ka diyan ah!

Tinabig niya ang kamay namin ni Borj, at pumagitna siya. Ang kapal talaga ng mukha.

Jane: Ang epal mo, si Borj nga hindi nagrereklamo.

Roni: Eh talaga ba? Mukha bang may pake siya sa'yo?

Jane: How dare you?! Sino ka para pagsalitaan ako ng ganiyan?

Roni: Bestfriend lang naman niya ako!

Jane: Bestfriend ka lang niya, ako pa din ang girlfriend!

Roni: Ops, gumising ka nga! Ex-girlfriend kana noh.

Ang feeling ha!

Borj: Pwede ba Jane, umalis kana lang.

Nagtawanan ang barkada kasama na ako doon, pahiya tuloy siya.

Roni: Umalis kana daw, chuuu

Jane: Hindi ako aalis, mag-usap tayo Borj.

Borj: Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Matagal na tayong tapos.

Jane: Hindi naman ako pumayag.

Borj: Wala kanang magagawa, kaya tigilan mo na ako.

Jane: Ito ba yung bago mo?

Hinila niya ang buhok ko kaya napayuko ako kaunti.

Borj: Bitiwan mo siya.

Napalakas ang pagkakatulak ni Borj kay Jane, kaya napaupo ito sa sahig.

Roni: Bwesit kang babae ka, baliw kana ba ha?

Borj: Isang beses pang saktan mo siya, hindi lang 'yan gagawin ko sa'yo.

Jane: BORJ! REALLY? Mas kakampihan mo yang babaeng 'yan? Akala ko ba mahal mo ako?

Borj: Wala na akong pake sayo, wala kanang puwang sa buhay ko. Kaya ngayon palang itatak mo na 'yan sa utak mo.

EX-GIRLFRIEND NA KITA!

Jelai: DESERVE!

Jane: SHUT UP!

Roni: Umalis kana nakakahiya ka, pasalamat ka hindi kita ginantihan. Baka magmukha kang basahan bago ka pa maka uwi sainyo.

Jane: May araw ka din saking babae ka!

Roni: Aw, I'm scared.

Borj's POV

Mas lalo pang inasar ni Roni, kaya padabog na umalis si Jane. Ngayon ko lang nalaman na may side pala si Roni na ganito. Pag nakikita ko kasi siya, para siyang mahinhin na hindi makabasag pinggan. Palaban pala talaga siya.

Ikaw At Ako [Completed]Where stories live. Discover now